CHAPTER 12

1927 Words
“IYAN sahod niyo!” Sabay sabay naming kinuha ang sobre. Binulsa ko kaagad iyon at hindi na binilang kung magkano ang laman n'on. “Salamat po,” sabay naming sabi at yumuko. “Ano pang hintay? Trabaho sa labas! Bilis!” Lumabas kaagad kami at inasikaso ang mga costumer. Pumasok muna kami sa locker at doon sinuot ang uniporme. Sa loob ng ilang linggong pagtatrabaho ko rito. Nakuha ko na rin ang ka una unahang sahod ko sapagwaiwaitress. Maliit lang sahod pero okay na 'yon. “Maliit lang pala ang kita natin dito,” mahina kong wika. Sapat na 'yon para marinig niya. Tumango siya at tumingin sa akin. “Hinay hinay ka sa pagsasalita, baka mayari ka kapag narinig ka ng amo natin.” Napatakip ako sa aking labi. “Pasensya kana.” Ngumiti lang siya sa akin at nauna ng lumabas. Huminga ako ng malalim bago sundan siya, maayos naman ang pagtratrabaho ko. Si Lumina ayos na rin. Maya-maya ipapadala ko ang kalahati para sa kanila at ang natira ay itatago ko. Sa tuwing nakakakita ako ng police car kinakabahan ako, baka kasi makita ko siya. Palagi ko ring nakikita si Teumix dito, akala ko may kikitain siya pero wala. Nagoorder lang siya ng isang kape pero hanggang hapon na siya rito. Nilapitan ko si Shena. Hinintay ko pa na matapos ang ilang costumer para makapagusap kaming dalawa lang. “Shena,” pagkuha ko sa kanyang atensyon. “Hmm?” “Gusto ko sanang mag grocery tayo mamaya pag out natin. Wala ng mga stock sa apartment mo,” wika ko at tinulungan siya sa pagbilang ng pera. “Oh sige. Balak ko nga rin 'yang sabihin sa iyo buti na lang at nauna ka,” natatawa niyang sabi. Hinarap niya ako at binigay sa akin ang large cup na naglalaman ng kape. “Table no. 7,” tinapik niya ang balikat ko at ngumiti. Kinuha ko iyon at naglakad patungo sa table number 7 kumunot ang noo ko ng si Tuemix ang naka upo roon. “Maganda umaga. Heto na ang kape mo,” maingat kong nilapag ang kape niya sa lamesa. “Thanks.” Sumimsim siya sa kanyang kape at umangat ang tingin sa akin. “Yung garlic bread ko pafollow up na lang—Lucy? Hindi ka parin umaalis dito?” nakakunot ang kanyang noo habang sinasabi iyon. “Kung aalis ako rito mahihirapan na naman ako maghanap ng trabaho,” sagot ko. “P'wede ka namang bumalik sa bahay ni Jackson. Mapapahamak ka lang dito,” sumimsim siya sa kanyang kape. “Sinabi mo b-ba sa kanya na nandito ako?” Kinakabahan kong tanong. Dahan-dahan siyang tumango. Nababaliw na siya! “Bakit—” “Actually pupunta siya ngayon dito,” seryoso niyang sabi. “A-anong?” Automatic na napatingin ako sa pintuan ng tumunog ang maliit na bell. Tumutunog yun kapag may pumapasok na costumer. “Yup, he's here,” natatawa niyang sabi. “Ipapahatid ko na lang yung garlic bread mo,” mabilis kong tugon at tumakbo papunta sa gawaan ng kape. Narinig ko pang tinatawag niya ako pero hindi ko siya nilingon. Pagkarating ko roon kinuha ko ang garlic bread at binigay sa isang waiter. “Pakidala na lang ito sa table no. 7 ako na lang magtutuloy n'yan,” basta ko na lang binigay sa kanya ang tinapay at inagaw ko ang kapeng ginagawa niya. “Oh s–sige. Lagyan mo na lang iyan ng konting gatas, ako na lang din mag seserve n'yan.” Ngumiti ako sa kanya at tumango. “Sige! Maraming salamat, ah.” Tinanguan niya lang ako at nagserve na. Agad kong tinapos ang paggawa ng kape at tinabi iyon sa gilid. Pasimple kong tinignan sila Tuemix at Sir Jackson na naguusap. Seryoso ang usapan nila, minsan naman ay nililibot nila ang buong paligid. “Anong nangyari sa'yo? Para kang natatae. Ayos ka lang ba?” tanong ni Shena. Nakasandal siya sa counter habang nakatingin sa akin. “Okay lang ako,” mahina kong wika. “Himala at konti lang ang costumer ngayon. Alam mo bang masyadong kaming aligaga kapag sobrang daming costumer,” napailing pa siya. “Konti lang kasi yung mga trabahante rito—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang may sumigaw sa pangalan ko. “Lucy!” Sabay kaming napalingon ni Shena ng mabosesan namin kung sino iyon. Ang instik naming amo. “Ikaw! Sunod sa akin office!” bakas sa kanyang boses ang galit. Nagkatinginan kami ni Shena. Bumulong siya sa akin ng ‘anong ginawa ko’ nagkibit balikat lang ako at sumunod sa instik naming amo. Pagkapasok ko sa loob ng office ng amo ko. Sinarado ko ang pintuan at nanatiling nakatayo. “Ikaw! Sino usap mo kanina? Alam ko pulis iyon, ikaw papunta sakanila no? Ikaw!?” galit nitong sabi. “P-po?” “Ikaw uutal, alam ko na. Ikaw talaga dala niyan dito!” tumayo siya at nilapitan ako. Ano bang problema nito? Kung ano ano na lang iniisip niya. Napaatras ito at parang aligaga ang galaw. Natataranta siya na hindi mo maintindihan. “Pahamak ka! Bwisit, malas!” paulit ulit niya itong sinabi. Alam niyang pulis si Teumix. Bakit siya natatakot sa pulis e wala naman siyang ginagawang masama. “Bakit ka po natatakot? Wala ka namang pong ginawang masama diba?” naguguluhan kong tanong. Lalo siyang nataranta sa tanong ko. Tumalim ang titig nito sa akin at bigla akong sinakal. Napahawak ako sa kamay nitong nakasakal sa aking leeg. nagpupumiglas ako pero lalo niyang hinigpitan ang pagkakasakal sa akin. “Ikaw! Tikom mo bibig mo, hindi ka aalis dito! Kapag alis ka rito. Papahanap kita sabay patay!” nanggigil nitong sabi at bigla akong sinampal. Napaubo ako at hinabol ang aking hininga. “Hindi ka aalis, tuloy trabaho!” Napahawak ako sa aking pisngi kung saan niya ako sinampal. Nang tumalikod siya doon lang ako tumakbo papalabas ng kanyang opisina. Hinihingal na pinuntahan ko si Shena na abala sa pag bilang ng pera. Bahagya pa siyang nagulat dahil sa pag hawak ko sa kanyang balikat. “Kabayo ka!” bigla nitong sigaw at napahawak sa kanyang dibdib. “Anong nangyari sa iyo? Anong pinagusapan niyo ng amo natin?” biglang niyang tanong. Kinuha ko ang plastic na baso at nagtungo sa water dispenser para uminom. Nakatatlong beses ako sa pag inom ng tubig hanggang sa maging maayos na ako. “Namumutla ka, ano bang nangyari sa loob ng opisina?” tanong niya. Naupo ako saglit sa mono block at tumingin sa kanya. Para rin siyang kinakabahan na hindi mo maintindihan. “Ano ka ba, ayos lang ako,” pagsisinungaling ko. “Sure ka ba? Nag-aalala lang ako sa iyo. Man—” natigilan siya at parang mag nasabing hindi dapat sabihin. “Man ano?” “W-wala. Pupuntahan ko muna yung costumer,” nagmamadali nitong sabi at nagtungo nasa counter. Napailing na lang ako at tumayo na para gumawa ng kape. Hindi naman ako nahirapan dahil madali lang ako matuto. Napako ang tingin ko kela Teumix at Sir Jackson na seryosong naguusap. Minsan naman ay may kausap si Teumix sa kanyang cellphone. Hanggang ngayon ay nandito parin sila. Bumilis ang t***k ng puso ko ng biglang tumingin sa pwesto ko si Sir Jackson. Kasunod non ay si Teumix. Tumalikod ako at pilit na pinapakalma ang sarili. Napakabilis ng t***k ng puso ko. “LUCY, ayos ka lang ba talaga?” Nabalik lang ako sa aking katinuan ng bigla akong kalabitin ni Shena. Agad ko siyang nilingon. May hawak siyang isang pack ng noodles. Habang ako ay may hawak ng basket, nandito kami ngayon sa grocery at namimili ng stock na pagkain. “Kanina pa kita tinatawag 'di mo ako sinasagot,” kumuha siya ng tinapay at nilagay sa basket. “A-ano ba yung tanong mo?” “Baka gusto mong bumili ng mga personal na gamit para sa'yo. Bibili rin kasi ako,” salita niya. Dahan-dahan akong tumango at sinundan siya. Napunta kami sa pinakadulong section. Tahimik lang ako kumuha ng napkin at iba pa. Pati na rin ang sabon para sa aking mukha at sa katawan. Makalipas ng ilang minuto nakapila na kami para bayaran ang pinamili namin. Marami ang nabili namin pero ayos na iyon para hindi na kami mamalengke. Si Shena ay nasa labas ng grocery at hinintay ako. Tipid akong ngumiti kay Shen ng makarating ako sa sa kanya pwesto. “Tulungan na kita,” kinuha niya sa kanan kong kamay ang isang plastic na naglalaman ng magagaan na bagay at pagkain. Habang nasa akin naman ang mabibigat. Ayos lang naman sa akin kasi kaya kong bitbitin. Tahimik lang naming nilandas ang daan papunta sa apartment ni Shena. “Nag-usap kami,” pagtukoy ko sa amo naming intsik. Bumaga ang lakad niya at nilingon ako. “Anong sabi? May g-ginawa ba siya sa'yong kakaiba?” Naguguluhan na umiling ko sa kanya. Nakahinga siya ng maluwag dahil doon, tahimik ulit kaming dalawa. Ang tunog lang ng mga kotse at ingay ng tao ang naririnig namin. “Yung unang pinagserve ko ng kape—” “Yung table no. 7?” pagputol niya sa sinabi ko. Tumango ako. “Oo.” “Anong meron sa kanya?” tanong nito. Napagilid kami ng biglang may tumakbo na tatlong bata sa pwesto namin. “Kaibigan ko kasi siya. Si Teumix, siya yung kaibigan ng amo ko. Pareho silang pulis,” pagkwekwento ko sa kanya. Nakita kong natigilan siya. Dahan dahan siyang humarap sa akin. “Ano—” Naputol ang kanyang sasabihin ng biglang may tumawag sa akin. Kinuha ko ang cellphone sa aking bag at sinagot ang tawag. “Hello?” “Ate!” bumungad sa akin ang masayang boses ni Lumina. “Lumina! Nakuha niyo na ba ang pera?” masaya kong tanong ko. Nag-senyas si Shena na maupo kami saglit sa nagkalat na mahabang upuan sa nilalakaran namin. “Opo, maraming salamat ate.” “Walang anuman. Mag-aaral kayo ng mabuti d'yan. Si Ate Lyia mo kumusta na?” Lumipas ang ilang segundo bago siya sumagot. “Uhm. . . si Ate Lyia po kasi ate may nang— Lumina! Ano ba!” Kumunot ang noo ko nang biglang binaba nila ang tawag. Naibaba ko ang cellphone ko at napatingin na lang doon. “Anong nangyari?” biglang tanong ni Shena. “Bigla na lang binaba yung tawag,” mahina kong sagot. Huminga ako ng malalim at tumayo na. “Tara na. Mamaya ko na lang sila kakausapin kapag nasa apartment na tayo.” “Sige,” tumayo na rin siya at naglakad na. Siya ang nauna. Nasa likod niya lang ako, nang makarating kami sa apartment naupo ako saglit sa upuan at nagpahinga. Napako ang tingin ko kay Shena ng naupo siya sa harap ko. Inabot niya sa akin ang baso na naglalaman ng tubig. “Salamat,” kinuha ko iyong at ininom. “Sabi mo kanina yung kaibigan ng dati mong amo ay pulis 'di ba?” “Oo, pareho silang pulis.” “Pulis,” mahina nitong sambit. Wala sa sariling tumango ako. Anong meron? “Nagtataka lang ako. Alam ng amo natin na pulis yung nakaupo sa table no. 7. Para siyang aligaga na hindi mo maintindihan. May ginawa ba siyang masama o ano?” Tumayo siya at bigla akong niyakap ng mahigpit. “Salamat Lucy. Maraming salamat,” naiiyak niyang sabi. Kumunot ang noo ko dahil doon. Ang nagawa ko na lang ay yakapin din siya ng mahigpit. Hindi ko alam kung anong meron. bakit siya naiiyak habang sinasabi iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD