CHAPTER 11

1584 Words
HINDI ko alam kung saan ako ngayon titira. Maghahating gabi na at heto ako nag-lalakad sa gilid ng kalsada. Umupo ako sa bangketa ng makaramdam ako ng pagod. Napabugtong hininga ako at binuksan ang wallet. Dalawang libo na lang ang natira. Naipadala ko na kay Lyia ang isang libo para sa gamot ni Lumina. Napapikit na lang ako. “Ano ba namang buhay 'to lord,” mahina kong wika. Mabait naman ako. Wala naman akong ginagawang masama pero parang pinaparusahan ako. Kailangan ko kaagad makahanap ng trabaho. Mahirap mamuhay dito sa Manila, kailangan mo talagang kumayod ng magkapera ka. Tumayo ako at naglakad-lakad. Sa gilid ng malaking mall may mga coffee shop doon at restaurant. Napako ang tingin ko sa nakapaskil sa coffee shop, hiring sila ng waitress! “Thank you lord!” Mahina kong wika. Tumawid ako at nagtungo kaagad doon sa coffee shop. Sakto naman no'n ang paglabas ng isang waiter, sa tingin ko waiter 'yon. Papasok na sana ito pero tinawag ko siya. “Excuse me!” pag-kuha ko sa kanyang atensyon. Nilingon ako nito at tinignan ang kauubuhan ko. “Ano 'yon?” Tinuro ko ang nakapaskil. “Hiring kayo ng waitress sakto naghahanap ako ng trabaho.” Tumango siya. “Oo, pasok ka na lang.” Lumawak ang ngiti ko sa sinabi niya. Mahigpit kong hinawakan ang gamit ko at pumasok sa loob ng coffee shop. Sinalubong ako ng mabagong aroma ng kape, napapikit ako dahil doon. “Ang bango,” mahina kong wika. Naglakad ako patungo sa cashier. “Excuse me… naghahanap daw kayo ng waitress, gusto ko sanang mag-apply,” masayang kong wika sa babae. Umangat ang tingin niya sa akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, nailang naman ako dahil doon. “Sundan mo 'ko,” tipid nitong wika at tinalikuran ako. Tinabi ko sa gilid ang dala kong gamit at sinundan siya. Pumasok kami sa office room, sinenyasan ako ng babae na maupo sa armchair. Naupo ako roon at hinintay ang maghihired sa akin. Wala pang ilang minuto pumasok ang isang matandang lalake na naka business attire. Tinuwid ko ang pagupo ko at pinagmasdan ito. Nako… chinese ang may-ari nitong coffee shop. Humarap ang intsik sa akin pagkatapos ay nilingon niya rin ng babae na kasama ko. “Ikaw aaply trabaho?” Napangiwi ako ng marinig ko ang sinabi niya. Instik talaga. “Opo… mag-aapply sana ako bilang waitress,” salita ko habang nakatingin sa kanya. Tumango-tango ito habang tinignan ako mula ulo hanggang paa, nailang naman ako sa pag-titig nito. Pumitik ito sa hangin. “Hired ikaw! Trabaho ngayon, daming costumer dali! Dali!” Nagulantang ako sa sinabi nito. Hindi man lang ako hinanapan ng requirements! May trabaho na ulit ako! “Anong tingin mo? Tayo d'yan, trabaho na sa labas!” Napatayo ako sa sinabi nito. “O-opo.” Lumabas na ako at pinuntahan yung babae sa cashieran. Napatingin ako sa aking relong pambisig. Ala syiete na ng gabi at hindi ko pa alam kung saan ako matutulog. “Mag-tratrabaho na ako sabi ng may ari nitong coffee shop,” salita ko. Mabilis na humarap sa akin ang babae at ningitian ako. “Halika, ibibigay ko 'yong sosoutin mo,” tinalikuran niya ako at pumunta sa locker room. Pagkapasok ko sa loob inabot niya sa akin ang black na slocks at kulay puti na polo pagkatapos ay sinunod niya ang apron na black. “Kasya naman siguro 'yan sa 'yo?” alanganin nitong wika. Tumango ako at ningitian siya. “Oo, salamat. Buti na lang at may malaki kayong size na sinusuot niyo.” “May mga tauhan din kasi na. . .no offense ha, mataba. P-pero hindi ka naman mataba. big-boned I guess,” naiilang pa siya habang sinasabi 'yan. Mahina akong natawa sa sinabi niya. “Ano ka ba! Okay kang na tawagin mo akong mataba, sanay naman na ako.” “Lucy,” pag-papakilala ko. “Shena,” tinanggap niya ang kamay ko. Nagpaalam ako na magbibihis para makapagserve na ako. Mukhang makakasundo ko si Shena, akala ko ba naman ay masungit siya 'yon pala madaldal! Pagkalabas ko sa CR nakita ko siyang nakaabang sa akin. Lumawak ang kanyang ngiti ng makita niya ang kabuuhan ko. “Bagay sa 'yo!” Ngumiti ako sa kanya at niyaya na siya na umalis sa locker room. Pagkalabas namin ay nagkandaugaga kami sa pag serve ng kape dahil dumadami na ang costumer. Kinuha ko ang tray at sinerve na. “Goodevening Sir—Teumix?” Ang liit nga talaga ng mundo, nandito si Teumix. Nakasout siya ng itim na hoodie at naka rayban pa. “What the. . .bakit ka nandito?” tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Lahat na lang na nakikita ko tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Sira ulo. “Akala ko katulong ka ni Jackson? Bakit na nandito?” Wala sa sariling inirapan ko siya. “Ano ba sa tingin mo? Nagtratrabaho ako rito.” “What? Pinalayas ka ni Jackson? Hindi niya 'yon maga—” “Ako ang umalis, okay? Heto na ang order mo,” nilapag ko sa lamesa ang tray at ang kape nito. “Sa dinami-daming coffee shop na pagtratrabahuan mo bakit dito pa?” Napakamot na lang ako sa aking ulo. Dami niyang tanong. “Wala ka na bang ibang order?” Umiling siya at sumimsim sa kanyang kape, pagkatapos ay nilibot niya ang paningin sa loob ng coffee shop. Napailing na lang ako at tinalikuran siya. Napakaweird nitong si Teumix. Sunod sunod ang pagserve ko sa kanilang order. Buti na lang at malakas ang aircon dito hindi ako gaano napawisan. Kumunot ang noo ko ng dali-daling lumabas si Tuemix, binalewala ko na lang 'yon baka nagmamadali na siya. “DITO KA na lang sa apartment ko matulog, Lucy. May bakante pa naman akong kwarto, eh.” Napantig ang tenga sa sa sinabi niya. Nandito kami ngayon sa locker room at inaayos na ang gamit namin, dumating na kasi ang magpapalit sa amin. “Talaga? Hindi ko 'yan tatanggihan, maraming salamat,” masaya kong saad. Ngumiti lang siya sa akin at sinakbit ang kanyang bag. “Tara na. Walking distance lang naman ang apartment ko rito,” nauna itong lumabas kaya sinundan ko siya. Pagkalabas namin sa coffee shop sinalubong kami usok ng barbeque, nakakagutom naman. “Gusto kong bumili ng barbeque, samahan mo ako,” pag-aaya ko sa kanya. “Sure! Sakto at bigla akong nag-crave sa barbeque,” natatawa niyang sabi. Sabay kami nag lakad patungo sa nagbebenta ng barbeque. Naupo lang si Shena sa isang tabi at ako ang nagpresinta na bumili. “Anim nga po na isaw ng manok at anim na laman,” inabot ko sa kanya ang napili kong iihawin. “Magkano po lahat?” tanong ko. “120 lahat.” Tinanguan ko siya at kumuha ng pera, wala pang sampung minuto naluto na ang barbeque namin. Nakangiting nilapitan ko si Shena. “Luto na!” masaya kong wika. Tumayo siya at Kinuha ang plastic na hawak ko. “Ako na magdadala nito, mukhang mabigat ang dala mong gamit, eh.” “Salamat!” Naglakad na kami papunta sa apartment niya. Kumain kaagad kami noong dumating na kami doon. Hindi naman malaki at hindi maliit ang apartment niya, sakto lang 'yon. “Malaki naman pala ang sinasahod mo sa amo mo bakit ka pa umalis? Bilang sa mundo ang nagpapasahod ng ganoon kalaki,” salita ni Shena habang kumakain. Ngumiti lang ako sa kanya at sumubo ng pagkain, kahit mabait siya sa akin nagaalangin parin ako na sabihin sa kanya ang dahilan. “Hayaan mo na. Ang mabuti nakahanap ako ng bagong trabaho.” Huminga siya ng malalim. “Sabagay, sino pala yung pinapadalhan mo ng sahod? Sa akin kasi yung nanay at tatay ko sa probinsya.” “Buti ka pa may nanay at tatay. Naiwan yung dalawa kong kapatid sa tiyuhin ko, sila yung pinapadalhan ko ng pera,” buti pa siya may nanay at tatay eh kami wala na. Hindi nga man lang iyon naabutan ni Lumina. “Ikaw nagpapaaral?” tanong nito sa akin. Tumango ako at uminom ng tubig. Napatingin ako sa orasan na nasabit sa pader, nagaalas onse na ng gabi. “Oo, hindi naman ako papayag na hindi sila makapagtapos ng pag-aaral,” sagot ko sa tanong niya. “Eh ikaw? Anong plano mo para sa sarili mo, mag-aaral kaba ulit?” Mahina akong natawa sa sinabi niya. “Nako, wala na akong balak na mag-aral. Makita ko lang na may diploma ang kapatid ko okay na sa akin.” Tumango tango siya sa sinabi ko at tumayo na. Ako na sana ang maghuhugas ng plato pero pinigilan niya ako. Nagwalis na lang ako at nagtungo na sa aking kwarto. Binagsak ko ang sarili ko sa foam na nakalatag sa lapag. Kung kama ang pinagbagsakan ko tiyak na masisira 'yon. Tumayo ako at wala sa sariling napatitig sa 'king katawan. Ang hita at balakang ko ay malaki. Flat naman ang tyan ko kaya hindi ko alam kung bakit ako inaasar na bilbilin. May nagsasabi sa akin na mas bagay sa akin ang fitted na palda dahil doon nakikita ang magandang curve ng hita at balakang ko. Hinahayaan ko na lang sila dahil hindi ko naman gusto ang sinasabi nila. Mas gusto ko mag jeans kesa mag palda. Napabugtong hininga na lang ako at nahiga sa foam. Pinatong ko sa aking noo ang braso ko at pumikit, maaga pa ang pasok namin bukas kaya kailangan kong magipon ng enerhiya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD