BUTI na lang at medyo maayos na ako. Ayaw ko lang talaga maka-encounter ng gano'ng bagay dahil bigla akong dinadala no'n sa nakaraan. Kinalimutan ko na 'yon pero dahil sa nakita ko sa police station nila Sir Jackson naalala ko na naman 'yon.
Katatapos ko lang mag laba at heto ako nagdradrayer na ng damit. Wala ngayon si Veronia dahil may emergency sa bahay ng mama at papa nito.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil do'n. Wala na ang taong mainit ang ulo sa akin.
Naibagsak ko ang basket na dala ko ng makarinig ako ng basag galing sa second floor. Gamit ko kasi ang hagdanan hindi ang elevator, sa third floor ako mag sasampay ng nadrayer kong damit.
Nagmamadali akong pumunta roon at hinanap kung saan nanggaling ang pagkabasag. Doon sa pinakadulong bahagi ng pasilyo, yung kwarto ni Sir Jackson.
Nag dalawang isip ako kung pupunta ako roon o hindi. Isa sa mga rules niya rito sa bahay na huwag ako papasok sa kanyang kwarto. Bigla akong kinabahan ng biglang may nabasag ulit kaya tumakbo ako papunta roon.
“Sir!” sigaw ko. Nanlaki ang aking mata ng makita siyang nakahandusay sa sahig at inuubo.
Napatingin ako sa gilid ng makita ang basag na baso. Nagkalat sa lapag yung ginawa kong strawberry shake.
“Ano pong n-nangyari?” kinakabahan kong tanong.
Nilapitan ko siya at inakay hanggang sa makahiga siya sa kanyang kama. Dumoble ang kaba sa aking dibdib ng makita ang pantal-pantal sa kanyang mukha pababa sa leeg at sa tingin ko ay marami na rin 'yon hanggang dibdib niya!
“B-bakit ka po may g-ganyan?” nauutal kong tanong.
Dahan-dahan niyang tinuro ang strawberry shake na nakakalat sa sahig. “That shake. Strawberry. I'm allergic to strawberry,” muli itong inubo.
Mas lalong nanlaki ang aking mata sa sinabi nito.
“Sorry po! S-sorry po sir. Hindi k-ko po alam. . .” naiiyak kong wika.
Natataranta ako! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko! Hinawakan ko siya at dahan-dahang hiniga sa kama. Sobrang init ng katawan niya.
“P-pasensya na po talaga, sir. Hindi ko po sinasadya,” naiiyak at kinakabahan kong wika.
“Call m-my mom, f-faster,” tugon nito. tumayo ako at nagtungo sa telepono na nakapatong sa center table.
Nagmamadaling hinanap ko ang number ng mama nito at dinail. Habang nagriring ang telepono nakita ko si Veronia na papasok dito. Nanlaki ang kanyang mata ng makita ang kalagayan ni Jackson, sa sobrang kaba ko naipatay ko ang tawag.
“What the hell is this!?” Tumakbo siya papunta kay Jackson at chineck ang kanyang katawan.
“Jesus! Did you eat strawberries!?” ani Veronia.
Bumaba ang tingin niya sa shake na nasa lapag pagkatapos ay ang masama niyang tingin ay dumapo sa akin. Tuluyan na akong naiyak at pinagsiklop na lang ang aking kamay.
“I-im sorry, Veronia. Hindi ko a-alam,” umiiyak kong wika. Umiiling ako at napahikbi na.
“You b***h!” tumayo ito at malakas akong sinampal. Napabaling ang mukha ko sa kaliwa at nalasahan ang dugo sa aking labi.
“Nag-iisip ka ba!? Bakit mo siya binigyan ng ganyan!? Allergic siya sa strawberry tapos binigyan mo pa!” malakas nitong sigaw sa akin.
Napayuko ako at hikbi lang ang tanging lumalabas sa aking bibig habang umiiyak.
“H-hindi ko naman alam na allergic siya sa strawberry. G-gusto niya lang ng shake pero hindi niya sinabi sa akin kung anong f-flavor,” tugon ko at tinignan siya. Matalim ang tingin niya sa akin habang habol habol niya ang kanyang hininga.
Galit na galit siya sa akin.
“So anong pinapalabas mo!? Na siya ang may kasalanan kung bakit siya nagka ganyan!” sakop ng buong kwarto ni Sir Jackson ang sigaw ni Veronia.
Akmang sesermonan niya ako ng inubo ulit si Sir Jackson, sunod-sunod 'yon at walang tigil. Parehas kaming nataranta ni Veronia.
“I need to call tita! Alis!”
Gumilid ako at sinimulan na linisan ang shake na natapon. Binalingan ko ng tingin si Sir Jackson na inuubo parin hanggang ngayon. Kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang mukha at leeg, pinapawisan na rin ito.
“This is all your fault!” malakas na sigaw sa akin ni Veronia. Dinuro niya ako. Umiiyak na rin siya.
“I-i'm sorry,” umiiyak kong wika.
Tinalikuran niya ako at kinausap ang magulang ni Sir Jackson.
“Tita Jissel, Jackson needs you,” umiiyak na wika ni Veroñia.
Pinulot ko ang baso at lumabas na. Pumasok ako sa elevator at pinindot ang main floor. Nagtungo ako sa kusina para ilagay ang baso sa lababo at kumuha ng floor map. Akmang papasok na sana ako sa loob ng elevator ng may pumasok na ginang sa loob ng bahay. Sumunod ang isang lalake at ang isang dalaga.
“Where's my son?”
TAHIMIK na pinagmamasdan ko sila Veronia at ang magulang ni Sir Jackson. Nasa labas ako ng kwarto ng amo ko, may sumunod na doctor dito pagkadating ng magulang nito. Napalingon ako sa likod ng may kumalabit sa akin. Ang panganay kapatid ni Jackson, si Jacky. Siya lang ang kumakausap sa akin dito dahil yung iba ay nakatuon ang pansin kay Jackson.
“Gusto mo?” Inabot niya sa akin ang pagkain na nasa supot, Jollibee ang tatak.
Tipid akong ngumiti sa kanya at umiling. “S-salamat pero ayoko.”
Huminga siya ng malalim at pumasok sa loob. Naiiyak na naman ako habang pinagmamasdan ang amo ko, hindi ko alam na allergic siya sa strawberry.
Bigla akong kinabahan ng makita ko ang papa ni Sir Jackson na papunta sa akin.
“S-sir,” nauutal kong saad, yumuko ako bilang pag-galang.
“Ikaw yung nagbigay ng strawberry shake 'di ba?” Tanong nito sa 'kin.
Napalunok ako. “O-opo.”
“Ngayon alam mo na, na allergic siya sa strawberry,” seryoso ang boses nito.
Tumango ako at nag-init ang sulok ng aking mata. “O-opo, sorry po,” pumiyok pa ako.
“Eyes up lady.”
Inangat ko ang tingin ko, ngayon nakita ko na ng harapan ang mukha ng papa ni Sir Jackson. Para siyang older version ng amo ko.
“Don't worry, he will be fine. Kailangan niya lang magpahinga,” salita nito at ningitian ako.
Sumunod ang mama ni Jackson. Bigla akong kinabahan dahil mukha itong suplada.
“M-ma'am, sorry po,” paghingi ko ng paumanhin.
Tumango ito sa akin. “It's okay. Basta huwag mo na 'yong uulitin,” tugon nito at nilingon si Sir Jackson. “Wala na yung mga pantal niya at lagnat na lang meron sa kanya.”
Pinunasan ko ang luha ko at huminga ng malalim. Tanging tango lang ang naitugon ko habang nakikinig sa sinasabi niya.
“I'm s-sorry po, hindi ko po talaga sinasadya,” umiiyak kong saad.
Malakas na hikbi ang pinakawalan ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil nakakahiya sa kanila.
“Stop saying sorry! Ikaw ang may kasalanan—”
“Veronia...” mahina pero may diin na wika ng mama ni Sir Jackson. “Can you shut your mouth for a second?”
Naitikom ni Veronia ang bibig nito at naupo sa kanyang upuan. Hindi ko alam na sa mama lang pala ng amo ko siya titiklop.
“I'm sorry, Tita Jissel.”
“Mom… magiging okay na ba si Jackson?” tanong ni Ate Jacky.
“Yes,” tipid nitong saad at binalingan ako ng tingin.
“Nice to meet you,” nilahad niya ang kanyang kamay. “Jissel,” pagpakilala nito sa akin.
Dahan-dahan kung inangat ang aking kamay at inabot ang kanyang kamay. “Lucy po, n-nice to meet you too,” nauutal kong wika.
“My husband, Samson,” hinawakan n'ya ang kamay ng kanyang asawa. “Our eldest. Jacky,” hinawakan niya ang kamay ni Jacky.
Ngumiti lang ako sa kanila. Makalipas ng ilang minuto ay bumalik sila sa pwesto ni Sir Jackson. Habang si Veronia at nasa isang gilid at masama ang tingin sa akin.
Wala akong ginagawa sa kanya pero galit na galit siya sa akin.
Nagpaalam ako na bababa muna ako pagkatapos ay nagtungo sa maid quarter, maliit lang ang kwarto ko roon. Naramdaman kong sumunod si Stella sa akin, hinayaan ko lang siya dahil comfortable ako na makasama siya.
Nagsimula akong mag-empake. Lahat ng gamit ay nilagay ko sa bag ko para makaalis na rito. Hahanap na lang ako ng ibang trabaho, nagawa ko naman ng tama ang pagiging katulong ko rito.
Wala sa sariling tumingin ako sa harap ng salamin.
“Mas mainam na 'to, para wala ng gulo,” salita ko sa aking sarili.
Kumuha ako ng papel at ballpen at sumulat.
Alam kong mababasa mo 'to pero wala na ako. Aalis na lang po ako at maghahanap ng bagong trabaho, sobrang saya ko at ikaw po ang naging amo ko… Sir Jackson. Pasensya na po sa shake na nagawa ko.
Ikaw po ang mabait na nilalang na nakilala ko rito sa Manila. Salamat po.
Lucy,
Nilagay ko 'yon sa ibabaw ng lamesa at binitbit ang gamit ko. Palihim akong lumabas sa bahay, rinig ko pa ang pag-tahol ni Stella. Hinalikan ko ang kanyang noo.
“Kagatin mo si Veroñia para sa akin,” pabiro kong bulong sa kanya.
Tumahol ito at parang sang-ayon sa sinabi ko. Mahina akong natawa.
“Joke lang, tuwang tuwa ka pa, eh.”
Hinimas ko ang kanyang noo at tuluyan ng lumabas sa gate. Sa huling pagkakataon binalingan ko ang malaking bahay ng amo ko.
I'm sorry.