CHAPTER 9

1311 Words
“BAKIT! Anong nangyari kay Lumina!?” kinakabahan kong saad. “Bigla pong i-inatake ng lagnat. Naambunan po kasi siya kahapon.” Napabuga na lang ako ng hangin at napahaplos sa aking braso. Sana okay na siya ngayon. “Nakabili kana ba ng gamot? Mataas parin ba ang lagnat niya?” tanong ko habang walang tigil sa pag-t***k ng mabilis ang aking puso dahil sa kaba. “Meron po ang kaso paubos na. Yung pera na binigay niyo po wala na. S-sapilitan pong kinuha ni tiyo. Pero nakabayad na po ako sa fieldtrip ko,” ani Lyia sa akin. Napahilot na lang ako sa aking noo. Ipang gagastos na naman ni tiyo 'yon ng alak ar pangsigarilyo. “Hayaan mo na. Magpapadala ako ng pera bukas. Kapag na kuha mo na yung pera pumunta ka kaagad sa pharmacy para sa gamot ni Lumina.” “Salamat po ate—halika ka dito!” “Lyia? Hello!?” Wala sa sariling napatingin ako sa aking cellphone ng biglang binaba niya ang kanyang tawag. Hindi maganda ang kutob ko doon dahil boses ni tiyo ang narinig ko. “Hey.” Napahawak ako sa aking dibdib ng biglang may nag salita. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kung sino 'yon. “Ikaw pala. May ipaguutos ka ba?” tanong ko at pinasok sa loob ng bulsa ang cellphone ko. Umiling siya. “Tawag ka ni Jackson,” nakapamulsa ito at diretso ang tingin sa akin. Gwapo rin itong si Teumix. Brown ang kulay ng kanyang buhok, makapal na kilay kahit sa malayo makikita mo ang mahaba nitong pilik mata. Maayos din ang pangangatawan nito at magka height sila ni Jackson. Malapad nga lang ang katawan ng amo ko kaysa sa kanya. “Oo, pasabi papunta na 'ko,” tugon ko at naghugas ng kamay sa lababo. Pagkalingon ko sa pwesto niya kanina wala na ito. Bumuga ako ng hangin bago lumabas at nagtungo sa sala. Parehas silang nakatayo sa tapat ng malaking pintuan ng bahay ni Sir Jackson. Habang itong si Veronia ay nakapameywang Binilisan ko ang lakad ko dahil baka mainip sila sa bagal kong mag lakad. Hinarap ko si Sir Jackson, hindi nakaligtas sa akin ang pag-irap ni Veronia. Humigpit ang pagkapit nito sa braso ng amo ko. “Sir, ano raw pong sasabihin mo sa akin?” Tanong ko. “Sasamahan mo si Veronia sa police station namin, sa 'yo ko ibibigay ang papers papunta sa office ko. Susunod na lang kami ni Teumix, may pupuntahan muna kami,” salita nito at tinanggal ang kamay ni Veronia sa kanyang braso. “What? P'wede namang ako na lang, Jackson,” angal ni Veronia. Akmang i-a-angkla niya ang kanyang braso sa amo ko ng biglang tumalikod si Sir Jackson, muntikan itong natumba buti na lang nakahawak siya sa pader. Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagtawa. Ganoon din si Teumix dahil narinig ko ang mahina nitong pagtawa. Matalim na titig ang binigay sa akin ni Veronia. “What's funny?” Nakataas ang isa nitong kilay at halatang galit sa akin. Wala namang araw na hindi nakakunot ang noo niya at galit sa akin. “Here. Take this, Lucy,” inabot sa 'kin ni Sir Jackson ang paper bag. Nagulat pa ako dahil ang bigat pala n'on. Mahigpit kong hinawakan ang paper bag at tipid na ngumiti sa kanya. “Salamat po.” Narinig ko ang pag-tsk ni Veronia. Humarang siya sa pagitan namin ni Sir Jackson. “Aalis na kami,” pag-papaalam niya sa amo ko. Lumingon ako sa gilid ng bigla akong kalabitin ni Teumix. “Ingat ka, lalo na kay Veronia. Halatang may sapak sa utak,” mahina nitong saad na ikinatawa ko. Tumango lang ako sa kanya habang tumatawa. “Follow me, maid,” mabilis pa sa alas kwatro na sinundan ko siya. Habang naglalakad kami papunta sa kotse ni Veronia, nagsalita ito. “Sa tingin mo gusto kitang makasama? No way. Wala akong magawa dahil si Jackson ang nag-utos,” sabi niya at binuksan ang pintuan ng kotse. Hindi rin naman kita gustong makasama! Ang sama kasi ng ugali mo. Sa totoo lang hinahangaan ko siya pero nakakaturn off ang ugali niya. Nasa passenger seat ako nakaupo, yakap-yakap ang paper bag na binigay ni Sir Jackson. Palihim ko 'yong inamoy dahil naamoy ko si Sir Jackson doon. napakabango. Seryosong nagmamaneho si Veronia patungo sa police station na sinasabi ni Sir Jackson. “P'wede bang tigilan mo ang kakatingin kay Jackson?” pagbasag nito sa katahimikan. Humigpit ang pagkakahawak ko sa paper bag. Syempre may mata ako kaya malaya akong makakatingin kay Sir Jackson! “Hindi ako tanga para 'di mapansin 'yon,” bumagal ang takbo ng kotse hanggang sa tuluyan na itong huminto. Nilingon niya ako at binigyan ng matalim na titig. “May gusto ka sa kanya, am I right?” mahina siyang natawa at napailing pa, “Remember, Lucy. Langit siya at lupa ka lang. Sa tingin mo magugustuhan ka niya? Pwes hindi.” Napakasama niya! “TOTOO po ang sinabi ko! Ni-rape niya ako!” Napako ang tingin ko sa babaeng umiiyak sa upuan. Sa tingin ko ay kinse anyos pa lang ito. Humahagulhol siya habang yakap ang kanyang sarili. “Hindi totoo ang sinasabi niya,” sagot ng lalake sa gilid, nakasando ito ng itim at kayumanggi ang kulay. May balbas ito at nakakatakot ang kanyang hitsura. “Hindi, Maniwala po kayo! Ginahasa niya po ako,” muling umiyak ang dalaga. Natagpuan ko ang sarili ko na pinapanood ang nangyayari sa kanila. Habang nagkwekwento ang dalaga kung paano ang pambababoy ang ginawa sa kanya ng rapist. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil bumabalik sa akin ang alaalang binaon ko sa limot. Ang araw na 'yon, ang pinakamumuhian ko. Napaupo ako sa bakanteng monoblock at pinagsiklop ang nanginginig kong kamay. “Huwag kang maingay, kung ayaw mong patayin ko ang dalawa mong kapatid.” Napatakip ako sa dalawa kong tenga. Nilalabanan ko ang aking sarili na huwag manginig pero hindi ko kaya. “Tama na,” bulong ko. “Tara, may ibibigay si tiyo mo pero ibigay mo muna kung anong gusto ko.” “H-huwag po.” “Papatayin ko talaga ang kapatid mo kung 'di ka susunod sa akin!” Napakislot ako ng may humawak sa aking balikat. Napaatras ako at nagsimulang mangilid ang aking luha. “Huwag! Parang awa mo na,” nanginginig ang aking boses. Pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak nito sa 'king balikat pero humigpit 'yon. Bumilis ng t***k ng aking puso. “Lucy! Hey!” Ayoko na! Binaon ko na 'to sa limot pero bakit na naman ako binabalikan! Ayoko na! Tama na! Natigilan ako ng marinig kung sino ang nagsalita. Parang awtomatik na tumigil ang panginginig ng aking katawan, kumalma na ito at naging ayos na. “S-sir Jackson,” nauutal kong wika. Nasa gilid n'ya si Teumix, bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. “Why are you crying?” tanong ni Sir Jackson. “Are you okay?” Teumix. Napako ang tingin ko sa babae na patuloy parin sa pag-kwekwento. “Huwag po kayong maniwala d'yan! Totoo ang sinasabi ko. D-dinala niya ako sa bakanteng lote at doon ako pinagsamantalahan!” humagulhol ang dalaga. Napatayo ako at bumilis ulit ang t***k ng aking puso. Gusto ko ng umalis dito! Ayaw ko ng marinig ang kiniwento niya. “Ayoko na, gusto ko ng umalis dito,” mahina kong wika. Pupunta na sana sa pwesto ko si Sir Jackson ng maunahan siya ni Teumix. Hinawakan niya ang braso ko at dinala sa labas ng police station. “Hey, are you really okay? Bakit ka nanginig,” tanong nito sa akin. Umiling ako. “Ayaw ko na rito,” naiiyak kong saad. Sa t'wing naririnig ko ang hinanaing ng dalaga, nasasaktan ako at naiiyak. Hindi ko maiwasan na hindi maiyak. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD