CHAPTER 8

1655 Words
MINSAN na nga lang ako magkakacrush yung may kaagaw pa. Lihim kong pinagmamasdan si Veronia at Sir Jackson na nagaalmusal sa backyard. May silungan kasi doon at pabilog na lamesa. Nasa gilid lang ako at tahimik na pinapaliguan si Stella. Lumipas ng ilang araw nakakaclose ko na rin itong ma-attitude na aso ng amo ko. Sa akin lang siya lumalapit hindi kay Veronia at minsan pa nga tinatahulan niya 'yon kapag nilalapitan siya. Bumilis ang t***k ng puso ko ng makitang naglakad papunta sa aking pwesto si Veronia. Pinatay ko ang tubig at hinayaan na patuyuin ni Stella ang kanyang sarili. Sakto ang pagpasok ni Veronia biglang ginalaw ni Stella ang katawan nito kaya tumalsik ang tubig sa kanya. “Oh my god! Stupid dog!” galit nitong saad at matalim na tinignan ang aso na ngayon ay nakatingin parin sa kanya, halatang nangaasar. Napaatras si Veronia ng tahulan siya ni Stella. Bahagya pa itong nagulat kaya napahawak siya sa kanyang dibdib. Nang dumapo ang tingin nito sa akin halatang iritado na ito. “What are you looking for?! Hawakan mo 'yong aso!” galit nitong wika. Nanlalaki ang kanyang mata, namumukha siyang tarsier dahil doon. Saka lang ako natauhan ng tumili ito ng napakalakas. “S-sorry po,” nauutal kong sabi. “Tanga talaga,” bulong nito. Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at kinuha na si Stella. Kinabit ko ang kanyang tali at napatingin sa gilid ng makita si Sir Jackson na papunta sa pwesto namin. “What's happening?” salubong nito. Tumayo ako at pinagpag ang damit kong sout. Pati ako ay basa narin pero hindi naman ako kasing OA ni Veronia. “Pasensyo na po Sir—” hindi ko natapos ang sinabi ko ng biglang pinutol 'yon ni Veronia. “Bakit ka ba kasi nagkaroon ng katulong, Jackson? Tsk, walang kwenta,” asik nito sa akin at naiinis na inayos ang kanyang damit. “Veronia,” pag-pigil nito. Napayuko ako at hinawakan ang tali ni Stella. Mahigpit ko 'yon hinawakan ng bigla nitong lapitan si Veronia at tinahulan ito. “Jackson, What's wrong with your dog!?” Mahina kong hinila ang tali ni Stella para mapunta siya sa akin. “Ilalakad ko po muna si Stella, Sir. Pasensya na po,” salita ko at nag-lakad palabas ng bahay. Binalingan ko muna ng tingin ang malaking bahay ng amo ko bago kami mag lakad ni Stella. Hinayaan ko lang ang aso kung saan ako dalhin nito, ang lahi pala nitong aso ay Labrador. Tirik na tirik ang araw pero ayos lang dahil sa malakas ang hangin na dumadaan dito. Unti-unti na ring natutuyo si Stella. Naupo kami saglit sa swing. Napadpad kami sa park. Nagpahinga lang ako habang si Stella ay naglilikot at pinagmamasdan ko lang siya kung ano ang gagawin nito. Napako ang tingin ko sa lalakeng naglalakad. Nakasout ito ng uniporme ng pulis at ung isang araw ko pa lang nalaman na chief of police pala ang amo ko. Nanlaki ang mata ko ng biglang tumahol si Stella at tumakbo patungo sa lalakeng tahimik na naglalakad. Dahil hawak ko tali n'ya para kinuha ng demonyo ang kaluluwa ko dahil sa biglaang takbo nito. “Stella!” sigaw ko. Kumaripas nang takbo ang aso hanggang sa mapunta kami roon. “Ano ba! Stay!” pag-pigil ko sa kanya. Dahil siguro sa pagsigaw ko. Nilingon kami ng lalakeng nakasout ng uniporme ng pulis pagkatapos ay bumaba ang tingin nito kay Stella. Awtomatik na ngumiti ito na ikinakunot ng aking noo. “Stella! How are you?” masaya nitong bati at lumuhod para magpantay sila ni Stella. Hinimas nito ang ulo at nagsimulang iwagayway ang kanyang buntot. Tumahol si Stella at dinilaan ang mukha nito. Doon ay natawa siya. . . Tinitigan ko siya ng ilang segundo. Parang pamilyar ang mukha niya! Nagsalubong lang ang tingin namin ng umangat ang ulo nito at tinignan ako. “I know you, ikaw yung pinagpara ko ng taxi! Am I right?” tanong nito sa akin. Nag replay sa utak ko ang araw na pagdating ko rito sa Manila pagkatapos 'yong guard na napagtanungan ko! Siya nga 'yon! “Ikaw!” nakangiti kong sambit. Natatawang tumango ito. “Yes.” “Lucy right?” tanong nito. “Oo,” masaya kong saad. Nagkwentuhan kami habang naglalakad. Papunta pala siya sa bahay ni Jackson dahil may sasabihin ito sa kanya. Sumabay na rin ako dahil tuyo naman na si Stella kaya p'wede ko na siya iuwi. “Pulis ka pala, eh. Bakit nakauniform ka ng pang security guard doon sa terminal ng bus?” tanong ko sa kanya habang nakatuon ang pansin kay Stella. Mahina itong natawa. “Ako ang pumalit sa kakambal ko. Ako ang pulis at security guard naman siya,” tugon nito at napakamot sa kanyang ulo. “Ewan ko nga ba doon. P'wede naman siyang mag handle ng farm namin sa probinsya pero mas pinili niyang mag security guard.” “Ahh, okay,” tipid kong sabi. “Kung ang pangalan mo naman ay Teumix ano ang sa kakambal mo?” curious kong tanong ko. “Tionix,” sagot niya sa aking tanong. Pagkadating namin sa bahay ng amo ko naghiwalay kaagad kami, baka mamaya maiissue kami. Lalo na si Veronia, ang dami kong nakikitang masamang ugali sa kanya. Pinakawalan ko si Stella at pumunta na sa sala. Bahagya pa akong nagulat dahil nagkasalubong kami ni Sir Jackson. “S-sir,” nauutal kong saad. Napabugtong hininga ito. “You're here. Make some sandwhich and orange juice, pagkatapos dalhin mo rito sa sala,” seryoso niyang saad. Natulala ako ng tinaas niya ang kanyang eye glasses gamit ang hintuturo. Ang gwapo niya! Kahit walang emosyon ang muhka nito naattract parin ako sa kanya. “Lucy?” “S-sir?” “I said… make some sandwhich and orange juice,” pag-uulit nito. “O-opo! Pasensya na,” nagmamadaling naglakad ako patungo sa kusina para gumawa ng makakain nila. Nakasalubong pa kami ni Veronia, nakataas ang isa nitong kilay habang tinitignan ako simula ulo hanggang paa. Umikot ang kanyang mata at nilagpasan ako. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang sinabi nito. “Tsk, baboy.” Huminga ako ng malalim at pumasok sa loob ng kusina at nagsimula ng gumawa ng sandwhich at nag timpla ng juice. Makababoy siya wagas, kasalanan ko bang maging mataba palibhasa sexy siya. Kapag ako pumayat nako—pag pumayat lang, wala akong planong labanan siya. Nasasaktan ako sa pananalita niya. Alam ko namang mataba ako pero kailangan bang ipamukha? Wala naman akong bilbil sadyang malaki lang ang hita ko at ang dibdib ko kaya nagmumuhka akong mataba. Mahal ko naman ang sarili ko kaya hindi na ako nasasaktan kapag sinasabihan ako ng baboy, balyena, majinbu o kahit ano pa man 'yan. Pero kapag sobra na nasasaktan talaga ako, anong tingin nila manhid ako? Nilagay ko ang sandwhich na gawa ko sa tray sinunod ko ang pitsel na naglalaman ng orange juice. Naabutan ko sila na seryosong naguusap sa sala, magkatabi si Veronia at ang amo samantala si Teumix ay nasa pang-isahang upuan. “Heto na po ang pagkain,” pag-singit ko. Nagkasalubong ang tingin namin ni Teumix. Ningitian niya ako kaya ningitian ko rin siya. Nanatili akong nakatayo sa gilid nila. Baka kasi may ipaguutos sila. Nilingon ako ni Tuemix at nagsalita. “Kain! Ikaw gumawa nito kaya dapat matikman mo. Ang sarap kaya.” Napangiti ako sa sinabi nito at kukuha na sana ng pagkain pero nagsalita si Veronia na ikanatigil ko. “Are you out of your mind, Teumix? She's maid!” maarte nitong saad. Napaatras ako at bumalik sa pwesto ko. Kumunot ang noo ni Teumix. “What's wrong with that?” “Because she's a maid—” paguulit ni Veronia. “Shut up,” pagputol ni Sir Jackson sa sinabi Veronia. Natulala ako dahil doon. Napako ang tingin namin sa kanya, nakakunot ang noo nito at minamasahe ang kanyang noo. Halatang wala siya sa mood o baka marami lang talaga silang gagawin ngayon araw kaya ganoon. “I'm thinking! So please shut your mouth,” halata sa kanyang boses ang pagkairita. Natahimik ang buong sala sa sinabi nito. Nilingon nito si Veronia na halatang galit sa akin. “Why are you here? My condo ka 'di ba?” Tanong nito kay Veronia. “Y-yes. Pero malayo kasi sa station natin,” nauutal nitong saad. Hindi siya sinagot ni Sir Jackson. Sa halip ay sumandal lang siya sa sofa. Nakadekwatro ito at nakatukod ang siko sa hita habang nakapatong ang kanyang baba sa kamay niya. Nanatiling tahimik ang buong sala. Tinitigan ko ang amo ko, nakakunot ang noo niya halatang napakalalim ng kanyang iniisip. Samantala si Veronia ay nakasiksik kay Sir Jackson. Si Teumix naman ay nagbabasa ng libro. Nanlaki ang mata ko ng nagsalubong ang tingin namin. Umiwas ako at tumingin sa ibang direksyon, nakakahiya! “Give her a sandwhich,” utos nito kay Teumix. “Jackson,” giit ni Veronia. Kumuha ng isang sandwhich si Teumix at inabot 'yon sa akin. Nag-aalanganin pa ako kung kukunin ko ba 'yon o hindi. “Here, Take this,” pag-pupumilit ni Teumix. “S-salamat,” nauutal kong tugon. Kinain ko kaagad 'yon dahil nagugutom na ako. Kino-control ko kasi ang pag-kain ko ng marami. Para naman mabawasan ang taba ko kahit papaano. Nabasag ang katahimikan dahil tumunog ang cellphone kong di-keypad. “P-pasensya na po, sasagutin ko lang itong tawag,” naglakad kaagad ako papasok sa kusina para sagutin ang tawag. “Hello?” salita ko ng makapasok kaagad ako sa kusina. “Ate,” kumunot ang noo ko dahil umiiyak si Lyia sa kabilang linya. “Bakit ka umiiyak? May nangyari bang hindi maganda d'yan,” binundol ng kaba ang dibdib ko. Baka may nangyari sa kanilang hindi maganda! “Si L-lumina po kasi...” humahagulhol na ito sa iyak. Napahawak ako sa kitchen counter dahil nanlambot ang tuhod ko sa sinabi niya. Diyos ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD