ALA SINGKO pa lang ng umaga gising na ako. Kahit walang alarm clock kusa akong nagigising kapag madaling araw na. Inuna ko ang pagdidilig ng halaman sa bakuran pagkatapos ay isusunod ko ang halaman na nasa labas ng bahay.
“Sit! N-no, no. Don't!” nauutal kong saad.
Umagang-umaga palagi akong sinusundan nitong aso ng amo ko. Kung saan ako pupunta palagi siyang nakabuntot sa akin. Kahit sinabihan na ako ni Sir Jackson na hindi siya nangangagat takot parin ako sa aso.
Napaatras ako nang bigla niya akong tinahulan. Kinuha ko ang laruan nito at tinapon sa loob ng bahay, tumahol ulit ang aso at hinabol ang bola.
Nakahinga ako ng maluwag dahil doon.
Naestatwa ako ng makita ko si Sir Jackson na naglakad papunta sa kusina. Dahil nakabukas ang pintuan sa bakuran kitang kita ko ang katawan nitong kumikintab dahil sa pawis at sakto naman noon ang pagtama ng sikat ng araw sa kanyang katawan.
“Jusko, bakit ang gwapo nang amo ko,” bulong ko sa aking sarili.
Pumikit ako at huminga ng malalim at tinuon ang pansin sa pagdidilig ng halaman.
“Lucy.”
“Kabayo!”
Napatakip ako sa aking bibig ng biglang nagsalita si Sir Jackson. Nanlalaki ang mata na hinarap ko ito.
“S-sir Jackson. Maganda umaga po,” nauutal kong saad at yumuko ng konti.
“Don't do that,” ang boses nito malalim at akala mo ay palaging bagong gising.
Inangat ko ang tingin ko sa kanya. “P-po?”
“Don't bow at me i'm not saint,” masungit nitong saad.
“Sorry po!” umatras ako at palihim na hinagod ng tingin ang kanyang katawan.
Napakagandang katawan! P'wedeng p'wede maging model ng Calvin Klein na underwear!
“Pagtapos mo d'yan, sasamahan mo 'ko mag-grocery sa hypermarket,” salita nito at basta na lang ako tinalikuran.
“Opo, Sir Jackson!” pahabol kong sigaw sa kanya.
Hypermarket? Mahal siguro mga paninda roon. Sa amin kasi sa palengke kami bumibili ng mga ulam hindi sa sinasabi niyang hypermarket.
Salita pa lang alam mo ng mahal na ang paninda.
Napailing na lang ako sa iniisip ko at tinapos ang pagdidilig. Inabot ako ng dalawang oras sa pagdidilig dahil sobrang dami ng nakatanim kasama na roon sa labas. Naligo kaagad ako at nagbihis ng simpleng jeans at black t-shirt. Puro ganoon ang dala kong damit na pangaalis.
Naabutan ko siya sa sala na nagbabasa ng libro. Seryoso siya sa pag-babasa, nakakunot ang noo nito na lalong nagpapagwapo sa kanya. Pinikit ko ang mata ko at huminga ng malalim.
Baka mamaya may kasintahan na'to tapos nagkakacrush ako sa kanya, pero ayos lang. Hindi naman niya malalaman na crush ko siya kung hindi ko sasabibin 'di ba?
Naglakad ako papalapit sa kanya. Nang makita niya ako tahimik itong tumayo at nilagay sa isang tabi ang binabasa nitong libro. Kinuha nIya ang kanyang wallet at susi ng kotse.
“Follow me,” tipid nitong salita.
Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa marating kami sa magarang garahe. Namangha ako sa kotse na nakaparke doon. Sumakay kami sa kotse niyang kulay itim at pumunta na sa sinasabi niyang Hypermarket.
“SA SUSUNOD ikaw na ang pupunta rito mag-isa para bumili ng mga stocks na pagkain sa bahay,” salita ni Sir Jackson habang nag-lalagay ng pagkain sa malaking cart.
Ako ang taga tulak habang siya ay namimili ng ilalagay sa cart. Tinitignan ko ang ginagawa niya para hindi ako malito kung ako na ang pupunta dito mag-isa.
Ngayon ko pa lang ipapadala ang pera kay Lyia. May nakita akong Palawan Express sa labas ng Hypermarket, doon ko ipapadala ang pera sa kanila.
Pumunta kami sa meat section. Kumuha siya ng karne ng baboy, baka at manok.
“Marunong ka naman pumili ng ganito diba?” Pag-tukoy niya sa mga karne.
“O-opo,” salita ko habang nakatitig sa kanyang mukha. Agad kong iniwas ang tingin ko dahil baka mapansin niya na parati kong pinagmamasdan ang muhka niya.
Tumango siya at nilagay ang mga karne sa cart. “Good,” tipid nitong saad at naglakad papalayo sa meat section.
Mahigit isang oras din kaming nagtagal sa loob ng Hypermarket. Sobrang dami ng nabili namin, hindi ko alam kung kakayanin ko ba itong dalhin papauwi sa bahay ni Sir Jackson kung ako na ang pumupunta mag-isa dito.
Kinalabit ko si Sir Jackson na nagbabayad ng pinamili namin sa cashier.
“What?”
“Magpapadala po sana ako ng pera, pagkatapos kitang tulungan d'yan,” pag-tukoy ko sa mga gorceries.
Tinanguan niya lang ako at binitbit ang tatlong plastic. Nilagay niya 'yon sa loob ng cart. Kinuha ko ang natirang plastic at nilagay doon. Agad kong tinulak ang cart ng maglakad siya, sinundan ko lang siya hanggang sa parking area.
May hawak siyang maliit na remote at pinindot 'yon. Namangha ako ng biglang tumunog ang kotse niya.
Tinulungan niya akong maglagay ng mga pinamili namin sa likod ng kotse. Pagkatapos no'n, nagpaalam ako sa kanya na pupunta na'ko sa Palawan Express.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng aking pantalon at tinawagan si Lyia. Kumunot ang noo ko ng matagal niyang sagutin ang tawag ko.
“Ate.”
Nakahinga naman ako ng maluwag ng sagutin na n'ya ang tawag ko.
“Buti naman at nasagot mo tawag ko. Ngayon ko na pala ipapadala ang pera sa 'yo, pasensya kana kung natagalan,” nagsimula na akong magfillup sa papel. Nang matapos na binigay ko 'yon sa babae kasama ang perang ipapadala ko.
“Salamat po ate.”
Naupo ako saglit sa upuan. Kumunot ang noo ko dahil sa tono ng kanyang salita parang kakaiba.
“Okay ka lang ba? Parang iba ang tono mo. May sakit ka ba?” nag-aalala kong wika.
“Okay lang po ako, huwag kang mag-alala.”
“Oh. . . Sige kapag may problema d'yan tawagan mo lang ako, ha. Miss ko na kayo pasabi rin kay Lumina I love you. Mag-iingat kayo—”
Bahagya pa akong nagulat dahil binabaan niya ako ng tawag. Napailing na lang ako at tumayo ng marinig na tinawag ang pangalan ko.
Tinext ko kay Lyia ang control number. Para makuha na niya kagaad ang pera. Pagkalabas ko sa Palawan Express nakita ko kaagad ang kotse ni Sir Jackson kaya pumunta kaagad ako doon at pumasok.
“Sorry po kung natagalan ako,” mahina kong saad.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at pinaandar ang kotse pabalik sa bahay niya.
LUMABAS kaagad ako sa kotse ni Sir Jackson ng dumating na kami. Nilabas ko ang mga groceries at nilagay sa isang tabi.
Kinabahan na naman ako ng marinig ko ang tahol ng aso. Palakas 'yong nang palakas, ibig sabihin papunta 'yon dito.
Tumakbo ang aso papunta sa pwesto ni Sir Jackson at kiniskis ang ulo sa binti nito. Yumuko si Sir Jackson at hinimas ang ulo ng kanyang aso.
“Are you hungry, Stella?” Tanong nito sa aso niya.
Tumahol ang aso at winagayway ang buntot nito. Hinalikan ni Sir Jackson ang ulo ng aso at binibit ang ilang supot ng grocery at umakyat na sa hagdanan. Ganoon din ang ginawa ko. Hindi pa ako nakakahakbang sa hagdanan biglang may bumusina, sabay kaming napatingin sa kotse na papunta rito.
Paano nakapasok ang kotse na 'to?
Binaba ko ang dala kong supot at gumilid. Tumigil ang sasakyan sa harap ng malaking hagdanan at lumabas ang isang babae. Matangkad ito at balingkinitan ang katawan, na-insicure tuloy ako sa sarili ko. Maganda ito at maputi ang kanyang balat, nakasout ito ng uniporme ng pulis. Ngumiti siya ng makita si Sir Jackson pagkatapos ay naglaho ang kanyang ngiti ng makita ako.
“Maid?” tanong nito sa akin.
Wala sa sariling tumango ako. Tipid itong ngumiti sa akin at alam kong napipilitan siya.
“Why are you here, Veronia?” biglang tanong ni Sir Jackson.
Mahina itong natawa. “Ayaw mo ba 'kong makita?” tanong nito sa kanya.
Pumunta siya sa likod ng kanyang kotse at may kinuhang dalawang maleta. Binuhat niya 'yon papunta sa'kin.
“You're maid right? Take it to the living room,” basta niya na lang binagsak ang maleta at sumakto 'yon sa paa ko.
Napadaing ako at napatingin sa kaliwa kong paa. Umangat ang tingin ko kung hihingi ba siya ng paumanhin pero wala, nakita ko na lang siya nasa tabi ni Sir Jackson. Huminga ako nang malalim at binitbit ang grocery bago ang dalawang maleto nito. Bumalik ulit ako sa labas para dalhin ang dalawa nitong maleta sa labas.
Pagdating ko sa sala narinig ko ang pinaguusapan nila.
“Can I stay here?” Tanong ni Veronia.
“Yes.” Tipid na sagot ni Sir Jackson habang nakatuon ang pansin sa libro.
Tumikhim ako para makuha ang atensyon nila. “Ma'am saan ko po ito ilalagay?” Tanong ko.
Tumayo ito at nilapitan ako.
“Sa guestroom mo siya dalhin, Lucy,” utos ni Sir Jackson.
Wala sa sariling tumango ako. “Opo, Sir Jackson.”
Mataray na tinignan ako ni Veronia at tinignan ako simula ulo hanggang paa. Naestatwa ako ng bigla niya akong inirapan at naglakad papunta sa elevator.
“Follow me maid,” maarte nitong saad.
Hinila ko ang dalawa niyang maleta at sumunod sa kanya. Maka maid naman 'to wagas.
Ako na ang pumindot ng second floor at wala pang sampung segundo nakarating na kami. Siya ang unang lumabas kaya sinundan ko lang siya. Mukhang alam na niya kung saan ang kwarto niya. Ang dalawang malaking pintuan ay kwarto ni Sir Jackson. Ang ibang kwarto ay isa lang ang pintuan.
“Pakilagay na lang sa loob,” salita nito.
Tumango ako at tahimik na pumasok sa loob para ilagay ang dalawa niyang maleta sa gilid ng malaking kama. Pagkalabas ko naabutan ko siyang nakasandal sa pader at nakakrus ang dalawa nitong braso sa kanyang naglalakihang dibdib. Ang dalawa nitong kilay ay magkasalubong.
Wala sa sariling bumaba ang tingin ko sa aking dibdib. Mas malaki parin yung akin.
Napaatras ako ng bigla siyang lumapit.
“I don't know how you've been Jackson's maid,” bakas sa kanyang boses ang pagkairita at galit.
Kahit hindi ako nakapagtapos ng pagaaral naiintidihan ko ang sinasabi niya.
“Hindi siya kumukuha ng maid dahil kaya niya ang kanyang sarili tapos pagpunta ko rito may katulong na siya, Unbelievable,” bahagya pa siya natawa at sumama ang tingin niya sa akin.
“Hindi man lang niya inalam kung saan ka nanggaling,” parang nandidiri pa siya habang sinabi 'yon.
Maganda nga siya pero patapon ang ugali. Sayang ang ganda kung ang ugali mo basura, nanghihinayang ako para sa kanya. Kinuyom ko ang kamay ko at huminga ng malalim.
Ngumiti ako sa kanya ng napakatamis yung tipong lalanggamin siya. “Kung makapagsalita ka po Ma'am parang nanggaling ako sa basurahan,” wika ko habang nakatingin sa kanyang muhka.
Umangat ang sulok ng kanyang labi. “P'wede rin.”
“Malinis ang tinitirhan namin at masaya kami roon. Sa pananalita niyo po kasi parang sinasabi niyo na galing ako sa nakakadiring lugar,” mahinahon kong saad.
Mahina siyang natawa at kunwareng pinunasan ang gilid ng kanyang mata. “Who's care? Whatever,”
“Mamayang gabi pakilinisan ang kwarto ko. Baka magkavirus, pumasok ka pa naman,” salita nito at nandidiring tinignan ako.
Ngumiti ako. “Si Sir Jackson lang po ang sinusunod ko, Ma'am. Siya po ang amo ko at hindi ikaw. Hinayaan ko lang na ako ang magbuhat ng mabigat mong maleta papasok dito sa mansion ng amo ko. Hindi ka po nagpapasweldo sa akin.”
Napaawang ang labi niya sa sinabi ko. “Really? Well. . . Let's see.”
Malakas niyang binangga ang balikat ko kaya napaatras ako. Natatawang hinarap niya ako at sa pangalawang pagkakataon hinagod niya ng tingin ang katawan ko.
“Baboy,” bulong nito at umiiling na naglakad papasok sa elevator.