PAGKAPASOK namin sa loob nag-tungo siya sa sala kaya sinundan ko ito. Nanatili akong nakatayo sa harapan niya habang siya ay nakaupo sa napakaputi at napakagandang sofa.
“What are you doing? Sit down,” ani nito saka tinanggal ang tali ng kanyang aso. Kinabahan na naman ako dahil doon.
Mukhang napansin niyang nakatingin ako sa alagang aso niya kaya napabugtong hininga ito.
“Don't worry she's not gonna bite you,” kumuha siya ng maliit na bilog at basta na lang itinapon palabas sa backyard. Naalerto roon ang aso kaya hinabol niya 'yon hanggang sa makapunta sa bakuran.
Mahina akong nadaing ng maramdaman kong sumakit na naman ang kanan kong paa. Ang sakit!
“Sit down. Mag-uusap tayo.”
Wala sa sariling umupo ako paharap sa kanya. Marunong naman pala mag tagalog 'to akala ko ba naman puro english lang ang alam.
“Talk,” tipid nitong saad.
Ano raw? Akala ko siya ang kakausap sa akin?
“What? Why don't you speak?” Bakas sa kanyang boses ang pagkairita. Napaayos ako ng upo at tumikhim bago magsalita.
“S-sorry. Naghahanap kasi ako ng trabaho ang kaso may nahanap kaagad sila ng kapalit sa akin kasi natagalan daw ako sa pagdating dito,” salita ko habang pinagmamasdan siya.
Prente itong nakaupo habang nakadekwarto ng pangbabae. Ang dalawa nitong braso ay nakakrus sa kanyang matipunong dibdid at ang kilay niyang palaging nakakunot.
“How much wages do they give?”
Bakit feeling ko mabait 'to—mabait naman talaga pero yung mukha niya lang mukhang ma-attitude. Tumikhim ulit ako bago magsalita nakakahiya baka bigla akong pumiyok.
“Sabi ng kaibigan ko 10,000 kada buwan,” mahina kong saad.
Namayani ang katahimikan at nanatili akong nakatingin sa kanya. Parang malalim ang iniisip nito.
“Hmm. Okay,” tugon nito habang tumango tango. “How about 15,000 every month, deal?”
Natulala ako sa sinabi niya. Para akong nabingi pagkatapos umecho ang sinabi nito sa aking utak.
“F-fifteen thousand?” nauutal kong saad.
Tumango lang ito sa akin at sinandal ang kanyang likod sa kinauupuan nito. Diyos ko! Napakalaking pera 'yon! P'wede akong magadvance kahit limang libo lang para sa fieldtrip ni Lyia!
“No deal? You can leave now,” tumayo na siya at akmang iiwan ko ng pinigilan ko siya.
“T-teka lang! Payag na ako,” salita ko habang nakatitig sa kanyang muhka.
“That's good. Great choice,” salita nito habang hindi nakatingin sa akin.
Wala sa sariling napangiti ako sa kanyang sinabi. Ang bait naman pala kahit maattitude! Nako, hindi naman masamang magkacrush sa amo ko 'di ba? Napailing na lang ako dahil sa mga pinaiisip ko.
Yumuko ako at hinubad ang sapatos ko, tinabi ko 'yon sa gilid at paika-ika na sinundan siya. Napaatras pa ako ng bigla itong humarap sa akin, bumaba ang tingin niya sa kanan kong paa at binalik ang tingin sa aking mukha.
Na-conscious naman ako sa muhka ko. Baka may dumi doon o muta.
“Follow me, You need to treat your sprain before I say what you will do here,” salita nito at naglakad papunta sa kusina.
Paika-ika na sinundan ko siya. Napakabait naman pala niya! Hulog siya ng langit para sa akin. Labing limang libo kada buwan? Saan ako makakahanap ng ganoong klaseng sahod, s'yempre rito lang 'yon!
“THERE IS Stella food,” tinuro niya ang cute na maliit na cabinet na nasa tabi ng lalagyanan ng kutsara at plato.
Puro tango at 'okay' lang ang sinasabi ko dahil napakaseryoso niya sa sinasabi nito. Inieexplain niya ang gagawin ko sa bahay at hindi gagawin. Lalo na ang pagpasok ko sa kanyang kwarto ay ipinagbabawal niya.
Kaya niyang mabuhay ng mag-isa, in short independent siya. Hindi niya ako pinayagan na pumasok sa kanyang kwarto para mag-linis o kung ano man ang gagawin ko doon dahil kaya niya raw linisin ang mga kalat doon.
Kaya lang naman niya ako niligtas sa gwardya dahil naaawa raw siya sa akin. Binalewala ko na lang 'yon, ang importante may trabaho na ako!
Halos malibot namin ang buong bahay niya. Sa ikadalawang palapag nandoom ang mga kwarto at may malaking sala rin doon.
Sa ikatlo naman ay nandoon ang sarili niyang gym area, meron din siya movie theater. Napakaganda noon lalo na ang kisame, ang design noon ay kalawakan at napakaraming bituin.
Nang makabalik kami sa sala nilapitan ko siya at kinalabit. Medyo okay naman ang paa ko ngayon dahil may binigay siyang gamot, sigurado akong mahal 'yon. Sa amin kasi kung may pilay ko katapat lang no'n ay dahon ng tuba-tuba.
“Sir, p'wede po bang makaadvance sa 'yo kahit limang libo lang,” nahihiya kong saad.
Napayuko ako ng tumaas ang isa nitong kilay at parang hindi inaasahan ang tanong ko. Napakamot ako sa aking ulo at sinalubong ang kanyang titig.
“Huwag kang mag-aalala, Sir. Masipag po ako. Pagbubutihin ko ang trabaho ko rito,” seryoso kong saad.
“Give me a valid reason. . .” kaswal nitong sabi.
“Ipapadala ko po sa kapatid ko. May babayaran po kasi sila sa school at iba pa—” hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng pinutol niya 'yon.
“I see. . .” Salita nito at tumatango-tango pa.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinignan ako. “You can sit in the sofa. May kakausapin lang ako,” tinalikuran niya ako at naglakad papunta sa backyard.
Huminga ako ng malalim at pumunta sa kusina. Mas maganda kung sisimulan ko ang trabaho ko ngayon na. Hindi ko pa nga alam kung saan ako matutulog kaya ang mga gamit ko nasa sala parin.
Nabalik ako sa katinuan ko ng biglang na ring ang cellphone kong di-pindot. Kinuha ko 'yon sa bulsa at sinagot ang tawag.
“Hello?” salita ko at kinuha ang walis tambo sa gilid ng ref.
“Ate!”
Gumuhit sa aking labi ang ngiti ng marinig ko ang boses ni Lyia.
“Lyia, Kumusta kana!” masaya kong saad.
“Maayos lang po kami rito, ate. Napaaga po yung bayad sa fieldtrip namin kaya tinatawagan po kita.”
Nagsimula akong mag-walis at nilabas ang kalat sa backdoor ng kusina.
“Huwag kang mag-alala nagpapaadvance ako sa amo ko tapos ipapadala ko sa 'yo. Sa ngayon hindi ko pa alam kung magpapaadvance ba siya,” ani ko sa malungkot at masayang tono.
Masaya ako dahil tumawag si Lyia at malungkot din, baka hindi magpaadvance yung amo ko. Sinong matinong amo magpapaadvance kahit wala pang nasisimulan ang katulong. Kailangan ko talaga kasi ng pera.
“Salamat po ate! Papasok na po ako sa school. bye!”
“Mag-iingat ka, ah. Pakisabi kay Lumina miss ko na siya pati na rin ikaw,” ani ko sa malungkot ng tono.
“Sige po. Ikaw din po, mag-iingat ka d'yan.” Napangiti ako sa sinabi niya.
“Sige na, bye.”
Pagkababa ko sa tawag sakto no'n ang pagpasok ng amo ko rito sa kusina. Tinuwid ko ang aking tayo at tinignan siya.
“S-sir,” nauutal kong saad.
May dinukot siya sa kanyang bulsa at wallet 'yon. Kumuha siya ng limang libo at nilahad 'yon sa akin.
“Take this,” malalim ang kanyang boses, akala mo ay bagong gising lang.
Dahan-dahan ko 'yong kinuha. Nahihiya pa ako dahil masyado akong nagmamadali sa pera, hindi naman ako magpapaadvance kung kinakailangan, eh.
“S-salamat po Sir,” nauutal kong saad.
“Sir Jackson,” pangtatama niya sa akin.
Tignan mo nga naman pati ang kanyang pangalan ang ganda!
“O-opo Sir Jackson,” pag-uulit ko.
"A-ako po si Lucy," pagpapakilala ko.
Tinanguan niya ako at tinalikuran. Kukunin ko na sana ang walis tambo para ituloy ang pag-lilinis ng mag-salita ito.
“Follow me, ipapakita ko na ngayon sa 'yo ang tutulugan mo,” salita nito at naglakad na. Mabilis pa sa alas kwatro na sinundan ko siya.
Nakangiting sinundan ko ito. Salamat talaga sa kanya!