CHAPTER 5

1213 Words
LALONG kumunot ang noo nito sa sinabi ko. “My dad doesn't live here,” Kinagat ko ang ibaba kong labi para pigilan ang sarili na humalakhak ng malakas. Nako itong anak ng amo ko ang lakas din pala ng tama sa utak. Umangat ang kamay ko at mahinang hinampas ang kanyang braso, nakontrol ko na naman ang paghampas ko sa kanya kaya ayos lang. Napatingin siya sa kanyang braso dahil sa paghampas ko. Nanlaki ang mata ko ng marealize ko na mali ang nagawa ko. “Pasensya na po sir!” yumuko ako dahil sa kahihiyan na ginawa ko. “Get out,” ang boses niya ang halatang naiinis na hindi mo maintindihan. “S-sir, yung papa mo po ang amo ko,” mabilis kong saad at pinakita sa kanya ang papel. “Mr. Eskanor Montesorri po ang papa niyo 'di ba?” tanong ko sa kanya habang nakatitig sa kanyang muhka. Ang gwapo talaga ng anak ng amo ko! Square-shaped ang kanyang muhka, mapanga ito. Moreno ang kulay ng kanyang balat at tiyak na maraming nagkakagusto rito. Ang mata niyang muhkang nakakaakit—a produtring eyes. Ang matangos na ilong nito at isama narin natin ang kanyang nunal sa kanyang noo. Grabe, bakit napakagwapo ng nilalang na 'to. “That's not my father, you entered a wrong house. As you can see the house number written on that paper is number 146 and my house number is 149,” mahaba nitong lintayan. Inayos niya ang kanyang salamin gamit ng kanyang hintuturo. Nabalik ako sa katinuan dahil sa sinabi nito. Napaatras ako at nagmamadaling kinuha ang mga gamit ko. Na out of balance pa ako dahil lahat ng bigat ko sa katawan ay naihakbang ko sa kanan kong paa, kung saan nandoon ang pilay. “Aray,” mahina kong daing. Pagkakuha ko sa mga gamit ko hinarap ko ito at yumuko ulit sa kanya. “Pasensya na po,” kinakabahan kong saad at tumakbo papalabas sa mansyon nito. “Ang tanga mo!” naiinis kong bulong sa aking sarili. Napakabilis ng takbo ko hanggang makalabas ako sa malaking gate ng kanyang mansyon. Bwisit! Napakatanga ko talaga! Hinihingal na umupo ako sa sidewalk at napatingin sa house number na inayos ko, inirapan ko ito at wala sa sariling napatingin sa bahay na nasa tapat ko. Naningkit ang mata ko ng mabasa ko kung anong house number 'yon. “146,” pag-basa ko. Napapikit na lang ako at napatampal sa aking noo. Napakadakilang tanga ko dahil nasa harapan ko lang pala ang tunay na amo ko. Hinilot ko muna ng ilang segundo ang kanan kong paa bago pumunta roon. Huminga ako ng malalim bago mag-doorbell. Wala pang isang minuto mag babaeng naglakad papunta sa gate para pag-buksan ako. “Ano po iyon?” Tanong nito sa'kin. Matamis akong ngumiti sakanya bago magsalita. “Magandang umaga ho. Ako po yung nirecommend ng kaibigan ko kasi naghahanap ng katulong si Mr. Eskanor Montessori.” Tuluyan niyang binuksan ang gate at lumabas ito. “Nako, pasensya na po. May nahanap na po kasing katulong si daddy, natagalan kasi ang pagpunta mo rito kaya naghanap kami kaagad ng kapalit mo,” ani nito sa malambing ng tono. Ako naman ngayon ang pinagbagsakan ng langit at lupa. Bumagsak ang dalawa kong balikat at napakamot na lang sa ulo. “H-huh? paano po 'yon, Ma'am? Kailangan ko po talaga ng trabaho. Y-yung pera ko konti na lang, wala po kasing nagtratrabaho sa amin. Ako lang po ang inaasahan ng dalawa kong kapatid,” naiiyak kong saad. Unti-unting sumisikip ang dibdib ko habang nagsasalita. Ang fieldtrip ni Lyia paano na 'yon? Ang pangangailangan nila paano na. “Pasensya na po talaga. P'wede na po kayong umalis,” mabilis siya pumasok sa loob at sinarado ang gate. Tumakbo ako para pigilan ito. “Ma'am! Parang awa niyo na po. kahit labandera na lang po. Kailangan ko po ng trabaho!” tumulo na ang pinipigilan kong luha. Dapat nung una pa lang sinabi na nila kung may nakuha na ba sila o wala! Konti na lang ang natirang pera sa wallet ko. Paano ako makakauwi n'yan pabalik sa amin. Ilang beses akong sigaw nang sigaw, nag-babaka sakaling lumabas ulit siya pero wala paring nangyayari. Lumuluhang umupo ako sa lapag at napatingala na lang sa langit. Napatingin ako sa tricycle na papalapit sa pwesto ko. Lumabas ang isang gwardya at nagtungo sa akin. “Ma'am, pinapasundo kana po ng may-ari ng bahay na nasa likod mo. Nanggugulo ka raw po, eh,” hinawakan nya ang braso ko pero tinanggal ko 'yon. “Babalikan po nila ako. Katulong po ako d'yan,” naiiyak kong tugon sa kanya. Umiling ito sa akin at hinawakan ulit ang braso ko para makatayo. Tumayo na ako at napadaing pa dahil sumakit ang pilay ko sa paa. “K-kuya babalikan po nila ako. Katulong po talaga ako d'yan, maniwala ka po sa sinabi ko,” pinalis ko ang luhang tumulo pababa sa aking pisngi. “Hindi talaga p'wede, Ma'am. Kami ang mawawalan ng trabaho kapag nalaman 'to ng head ng Redhills Scarlet Subdivision,” hinigpitan niya ang pagkakahawak sa aking braso na ikinadaing ko. “K-kuya masakit po,” pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak niya sa akin pero mas malakas siya. “Aalis kana dito, Ma'am,” iba na ang tono nito. Halatang galit na siya at unti-unting nawawalan ng pasensya. “Ayaw ko nga po,” pagpupumiglas ko. Naiinis na rin ako sa paghatak niya sa braso. Kung hindi lang ako mabait kanina ko pa siya nabigwasan. “Hindi nga pwede, eh. Bakit ba ang kulit mo—” “Let her go,” isang pamilyar na boses ang pumutol sa sinabi ni Manong gwardya. Pagkatingin ko sa harapan, siya yung may ari ng magandang bahay na napasukan ko kanina. Sa kaliwa nitong kamay ay hawak nya ang tali ng kanyang aso. Tinahulan pa ako ng aso ng makita ako. Naestatwa ang gwardya ng makita niya ito. Binitawan niya ang kanyang kamay na nakapulupot sa braso ko at yumuko sa harap niya. “Pasensya na po, Sir. Pinapaalis ko lang po siya dahil nambubulabog sa ibang nakatira rito,” salita nito habang nakayuko. “She's my maid,” walang emosyon nitong saad. “We're just playing, umaacting lang siya. Makaalis kana.” Napatitig ako sa sinabi nito. Anong maid niya ako! Nahihibang na yata siya! At naging artista pa talaga ako ngayon araw. Lalong yumuko ang gwardya. “Pasensya na po ulit, Sir!” nagmamadali siya sumakay sa tricycle at pinaandar papalayo sa amin. Kinuha ko ang mga gamit ko at nagmamadaling pumunta sa harapan nya. Paika-ika pa ako dahil sa pilay ko pero hindi ko 'yon binigyan ng pansin. Nakatitig lang ito sa akin at parang binabasa ang nasa isip ko. Kumunot ang noo nito dahil sa pag-ngiti ko. Naramdaman kong uminit ang sulok ng dalawa kong mata. “Maraming salamat po, Sir!” yumuko ako at doon tumulo ang luha ko. “Let's go inside,” tinalikuran niya ako at naunang maglakad papasok sa maganda at malaki nyang bahay. Ang swerte ko! Hindi ako makapaniwala na sa kanya itong malaking bahay. Imagine tatlo ang palapag nito, mukhang mamamangha si Lyia at Lumina kapag naikwento ko sa kanila kung gaano kaganda at kalaki ang bahay ng amo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD