"HERE." Tugon ni Volt habang iniaabot ang mineral water kay Demone na kanina pa tulala at walang imik. Nang hindi nito tanggapin ang iniabot ng binata ay ito na mismo ang naglagay ng bote ng tubig sa kanyang kamay. Naupo ito isang dipa ang layo sa kanya sa upuang kahoy sa park na malapit sa mansyon ng mga Castillion, doon siya dinala nito matapos ang pagsaksi nito sa mga rebelasyon ni Maine. Kalmado nitong ipinagcross ang mga hita at sumandal sa upuan samantalang siya ay hindi alam kung dapat nga ba siyang magsalita o manahimik na lamang. Malalim siyang napabuntong hininga dahil sa mga problemang tumatakbo sa kanyang isipan. "Wala naman talagang problema, ikaw lang ang gumagawa n'on." Pagbasag nito sa katahimikan makalipas ang ilang sandali. Nagsalubong ang kanyang mga kilay at buma

