NGITING ngiti si Demone at ang kanyang sarili ay hindi niya alam kung bakit napakagaan ng kanyang pakiramdam ngayon sa kabila ng pagtatago ng kapatid. Halos mag-iisang buwan na syang walang balita dito simula ng umalis ito patungong Cebu gan'on din si Pexus na hindi na nagawang tumawag sa kanya. Nag-aalala siya kay Den pero alam niyang hindi ito papabayaan ng binata. Mag-iisang buwan na rin simula ng nangyaring breakdown ni Fourth, nang magising ito ay siya agad ang hinanap at halos hindi na ito umalis sa kanyang tabi simula ng araw na iyon. At halos mag-iisang buwan na rin simula ng mangako siyang aalagaan ito at pinagsilbihan ito bilang isang tunay na asawa. Hindi pa rin nila napag-uusapan ang tungkol sa katotohanang alam nito dahil sa tuwing sinusubukan niyang buksan ang usapan tung

