"IMBES na palakasin ka siya pa 'yong hinimatay. Tsk. Naku naman mabuti nalang talaga nandoon kami kung wala lagot na." Naiiling na daldal ni Clint habang nagmamaneho. Samantalang si Demone ay hindi matigil tigil sa pagtawa ng nalaman ang naging reaksyon ng asawa matapos nitong malamang buntis siya. Ang totoo ay nabigla rin siya ng magising at ibalita sa kanyang nagdadalang tao siya. Hindi niya inaasahan ang pagdating ng blessing sa kanila. She's one month pregnant. Hindi niya mapigilan ang pag-init ng kanyang pisngi kapag naaalala ang unang gabi nila. Napailing iling siya habang hinahaplos ang impis na tiyan. "Siguro naman wala na tayong rason para ipagpaliban ang wedding." Tugon ni Fourth na kanina pa hindi mahiwalay sa kanya simula ng pareho silang magising sa hospital. Hindi nito p

