ILANG ULIT ang naging buntong hininga niya habang hinihintay ang pagparada ng sasakyan sa kanilang destinasyon. Ayaw na ayaw niya talagang sumasabog sa galit dahil hirap na hirap siyang pakalmahin ang sarili. Masakit sa dibdib basta binabalot ka ng galit ngunit nahihirapan siyang magpatawad. "We're here." Anunsyo ni Pexus. Agad siya nitong pinagbuksan ng pinto at inalalayan pababa. Tapos na ring linisin ang sugat niya sa kamay at tulad ng nakasanayan niya noon ay ang binata ang naglinis niyan. Napangiti siya ng makita ang malaking bahay, ito talaga ang lugar na lubos na nagpapakalma sa kanya. Ngunit napawi rin ang masaya niyang ngiti nang makaramdam ng kirot sa kabilang parte ng kanyang puso. Hindi naman dati ganito. Ipinilig niya ang kanyang ulo upang waksiin ang negatibong ideya na

