Salubong ang mga kilay ni Fourth ng tuluyang makababa sa sasakyan. Nakapulupot ang mga braso sa maliit na bewang ng asawa na tila hindi papaagaw sa kahit na sinomang magtangka. Matatalim ang mga tingin na ipinukol niya kay Pexus ng nakangisi itong bumaba sa motor na gamit. "Hindi ako kalaban." Natatawang ngisi nito habang nakataas ang dalawang kamay na tila sumusuko. Hindi nagpating si Kwatro, nananatili ang kanyang mapanuring tingin sa binata. "See? Wala akong kahit anong dalang armas." Tugon pa nito bago buksan ang suot na leather jacket at ipakita sa mag-asawang wala itong kargada. "Anong kailangan mo?" Hindi niya mapigilang tanong. Mas lalo itong ngumisi syaka itinuon ang tingin sa kanyang asawa dahilan para mas lalong humigpit ang pagkakayapos niya dito. "Gusto ka niyang makausap

