NAGTATAGIS ang mga bagang ni Demone- este Dethinia, ang kanyang asawa habang walang humpay ang pagkalabit nito ng gatilyo. Tila ito halibaw sa galing kung umasinta, ni wala sa hinuha niyang makikita niya ang ganitong side ng asawa. Puno ng pawis ang maganda't makinis na mukha habang seryosong seryoso na hindi inaalis ang paningin sa target. Hindi niya mapigilan na mas lalong humanga sa angking kagandahan nito. Sa kabila ng mga nalaman niya sa katauhan nito at dating mga gawi ay hindi iyon nakabawas sa pagmamahal na meron siya para dito, bagkus ay mas lalong lumalim ang kanyang nararamdaman. Napakahot at sexy nito sa kanyang paningin habang mahigpit ang hawak sa baril at ni walang gear na isinuot. Ramdam niya ang galit nito sa mundo, hindi niya ito masisisi kung bakit gan'on ang nararamd

