MABIGAT ANG loob ni Demone habang nakaupo sa harapan katabi ng kanyang abogado. Nakahanda na ang lahat para sa idadaos na paglilitis ngunit siya ay lumilipad pa rin ang isipan. Hindi maihiwalay ang tingin niya sa asawang nakaupo sa kabilang parte. Kampante at seryoso lamang itong nakahalukipkip at diretso ang tingin sa unahan. Ni hindi siya nito magawang balingan ni segundo lamang. Hindi niya ito nagawang kausapin kanina tulad ng plano niya dahil hindi siya nito binigyan ng pagkakataon at palagi itong nasa tabi ni Senior Alvarez kasama ang mga bodyguard nito. Napatiim bagang siya ng mahagip ng tingin si Clint, ngumiti ito sa kanya na tila ba magkaibigan sila. Alam niyang napagtanto na nito ngayon na ginamit niya lamang ito para kumuha ng konting impormasyon tungkol sa plano ng mga ito sa

