NAGMAMADALING LUMABAS si Demone ng marinig niya ang paulit ulit na pag-iingay ng doorbell. Sigurado siyang ang kaibigan na iyon. Mas lalong lumawak ang kanya ngiti ng makumpirmang tama ang naging hinala. Ang mukha ng kaibigan ang bumungad ng buksan niya ang pinto. "Waa! Namiss kita." Tili niya sabay yakap dito, mabilis naman itong gumanti ng yakap ngunit nagtaka siya ng mapansing tila hindi maganda ang mood nito. "O, bakit nakasimangot ka?" Napabuntong hininga ito kaya napabaling siya sa likod ni Edith ng pairap itong tumingin doon. And there's the reason why her friend is grumpy, the great Volt Castillion is arrogantly standing behind her with a poker face and bored look while hands on his pocket. "May kasama ka pala, tara pasok kayo." Demone politely said. "Tsk. Hindi ko siya kasama

