HINDI MAPIGILAN NI DEMONE ang kanyang hikbi habang nag-iisa sa madilim na kwarto. Nababalot ng kaguluhan ng kanyang sistema at lungkot. Naguguluhan siya dahil sa mga portrait na nakita niya sa secret room ni Fourth, hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Noong una niyang makita ang mga ito ay talagang nasaktan siya dahil sa isiping ang kakambal niyang si Den ang unang babaeng minahal ng kanyang asawa, kaparehong babae na nagiging dahilan ng insecurities niya ngunit ng tingnan niya ang lahat ng naipinta ni Fourth ay napagtanto niyang hindi ang kapatid niya ang naroroon. Ni minsan ay hindi ginusto ng kakambal niya noon na magsuot ng bestida ngunit dahil paborito niya ang magsuot n'on ay wala itong magawa kundi ang gumaya sa kanya dahil gusto ng kanilang ina palaging pareho ang kanilang

