Overtime Elara Na-late lang ako ng konti ng pasok sa department namin, galit na agad ang matandang manager na ito. "Aba, Elara, hindi porke close ka na sa boss natin ay sinusuway mo na ang rules dito. Alalahanin mong hindi ka boss dito. Mahiya ka naman!" malakas na sambit ng manager namin. Pwede naman niya akong pagalitan nang hindi nakasigaw eh. Kada may konting mali ako, lagi niya akong pinapagalitan. Lagi niya akong ipinapahiya sa katrabaho ko. Mainit talaga ang dugö nito sa akin. Konting mali sigawan na ako agad. Napapabuntonghininga na lang ako. "Isang minuto lang naman po ako late, hindi po isang oras. Hindi naman po iyan kabawasan sa trabaho ko dito," sagot ko. "Marunong ka na rin sumagot-sagot ngayon dahil ano? May boss na magtatanggol sa'yo? Malandi ka kaya ka nakadikit sa

