Elara Pov "Good morning, Elara!" bati ng isa kong officemate na may halong landi at matalim na tono. Paglingon ko, ayon sina Reah at Cheryl, ang dalawang reyna ng tsismisan sa department. Walang kasawaang chismis kahit des oras ng trabaho. "Uy, balita namin may special visitor ka raw kahapon sa bahay niyo ha?" taas-kilay na sabi ni Cheryl. Napakunot-noo ako. "Special visitor?" "Wow ha, 'wag ka nang mag-deny pa, Elara!" sabat ni Reah, nakataas rin ang kilay habang naglalagay ng lipstick sa labi. "Nakita ka raw na may bumisita sa'yo sa bahay niyo na gwapo, tall, may kotse, at mukhang amoy mayaman. And guess what? Si Sir Lucien iyon!" Napalunok ako dahil parang natuyuan ng laway ang lalamunan ko. "H-Ha? Wala naman ah! Nagdala lang naman siya ng..." "Pagkain?" sabay-sabay nilang sagot

