On-leave Elara POV Si Lucien na ang nagsabi na mag-rest na muna ako sa bahay. Kahit ayaw ko, pero siya pa rin ang nasunod. Tatlong araw na akong naka-leave dahil sa sugat sa braso ko. Utos rin kasi ng doktor na kailangan ko rin magpahinga. Ang sabi ko naman ay kailangan ko ng pera. Pero mas malakas pa yata si Sir Lucien kaysa sa doktor. Dahil may mandatory pang nalalaman. "Mandatory leave," seryosong sabi niya. Dahil boss ko siya, wala akong nagawa kundi sumunod na lang. Kaya heto ako ngayon, nakahilata pa sa kama. Mayat-maya ay bumangon ako para magluto ng pagkain ko. Wala si Papa, isang linggo siyang nasa probinsya para bumisita sa kamag-anak namin doon. May ikakasal sa mga pamangkin niya kaya pinilit ko ring mamasyal siya roon. Nahiya si Papa kasi ako pa raw ang nagbigay ng pe

