Jealous Elara POV Nag-stay pa kaming dalawa ni Lucien dito sa Laguna dahil nga may lagnat pa ako. Ayaw niyang magbiyahe kami na ganito ang kalagayan ko. Ang team ay nauna na silang umuwi. Nagchat na lang ako kay Nella na may sakit ako at ayaw ako payagan ni Lucien na agad akong umuwi ng hindi pa ako gumagaling. Tuksuhan na naman ang abot ko sa kanya. Pero support raw ito sa amin ni Lucien na ikinasimangot ko. Hapon na ng mapagpasyahan naming umuwi na sa Manila. Medyo bumuti na ang pakiramdam ko. Salamat sa pag-aalala niya sa akin magdamag. May driver itong sumundo sa amin kaya magkatabi pa rin kami dito sa likod. Naiilang pa rin ako dahil lagi itong nakadikit sa akin. Kaya mabilis lang akong gumaling dahil sa pag-aasikaso niya sa akin. Very caring na lagi niyang tinatanong kung ok

