bc

PREGNANT BY MY UNCLE DADDY

book_age18+
786
FOLLOW
8.9K
READ
billionaire
age gap
fated
friends to lovers
arrogant
badgirl
bxg
single daddy
small town
love at the first sight
addiction
like
intro-logo
Blurb

Pariwara, tila walang tamang direksyon ang dalagang si Sunny Bloom Montera, 18 taong gulang at sakit sa ulo ng magulang pero mapagmahal namang anak.

Madalas siyang nakakagawa ng mga bagay na hindi muna pinagiisipan kaya sa bandang huli kanyang ikinakapahamak.

Dahil sa gawaing ito ng dalaga at hindi na kaya pang disiplinahin, napilitan na siyang ipadala ng kanyang ama at ipakatiwala sa matalik nitong kaibigan, si Victor Valfierro.

Istrikto, may pagkasuplado pero ubod naman ng gwapo at may hustong tikas. Siya ay aako ng isang responsibilidad na dala ay sakit ng ulo.

Siya ang magiging Uncle Daddy ng makulit at agresibong dalaga, ang magbibigay disiplina na kailan man hindi pa nito nararanasan.

Ang kamay na bakal.

Ngunit kalaunan dulot ng hindi mapigilan bugso ng damdamin, mabubuo ang isang relasyong bawal na siyang magbubunga rin sa panahong hindi inaasahan.

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
Sunny Bloom Montera "Pa, baka pwede pa natin pagusapan ito, ayoko tumira kay Uncle!" may kalakasan kong sinabi habang habol-habol ko siya pababa ng hagdanan. May nagawa akong kasalanan, umuwi ako ng lasing kagabi, iminaneho ko ang sasakyan ng kaibigan ko just for trip, lahat kami lasing dahil sa isang dare napilitan akong mag-maneho. Nabangga ko ang sasakyan sa isang puno kaya galit na galit si Papa at nagdesisyon na disiplinahin ako sa loob ng isang taon kasama si Uncle Victor... Balak niya akong ipadala sa bahay ng kaibigan niyang iyon na um-edad nang binata lahat-lahat ay wala pa nagiging asawa sa edad na 38. Matagal na rin noong huli kong nakita ito, ni hindi ko na nga rin matandaan ang mukha niya dahil masyado pa akong bata noon at sigurado hindi rin nito gusto kumupkop ng isang teenager na sakit sa ulo. Nakarating kami ng living room panay pa rin ang pangungumbinsi ko na wag, nakikiusap akong ayoko at magbabago na ako! "Promise, Pa! Magbabago na po ako wag niyo lang akong hayaang tumira doon kay Uncle!" pakiusap ko na kulang na lang ay lumuhod na ako. Tinabihan ko siya sa mahabang sofa hawak ang braso niya at niyugyog pa ngunit tabang lang siyang tinapunan ako ng tingin. Umayos siya ng upo, huminga ng malalim at kasabay nito ang pag-iling sa akin bakas pa rin ang pagkadismaya. "Hindi ka magtitino, paulit-ulit mo lang gagawin ang mga kalokohan mo kaya kailangan mo ng kamay na bakal." Nanlaki ang mata ko. "Papa... hindi niyo naman siya kaano-ano! Kaibigan niyo lang siya pero makakaya niyo ipagkatiwala ako sa kanya??" Hindi ko siya makapaniwalang tiningnan at hilaw na natawa. Tila kahindik-hindik ito para sa akin. I can't believe this is actually happening. "He's my trusted friend... baka sakaling sa loob ng isang taon mo roon magkaroon ng malaking pagbabago sa iyo, baka sakaling bumait ka na," matigas niyang sinabi tila hindi na mababali pa ang desisyon niya kaya... Nanlalambot akong napabitaw sa kanya, wala nang nagawa kundi mapaungot na lang at hindi na mapakaling nakagat ang ibaba kong labi. Sa pagkakaalam ko'y ilag ang mga taong nakakakilala kay Uncle Victor... hindi na rin lingid sa kaalaman ko na istrikto talaga ito at... may kalupitan... ayon sa sabi-sabi rin. Hindi ko lang alam sa paanong paraan ba ito naging malupit, marahil sa nagosyo? May-ari din kasi ito ng isang malaking kumpanya na gawaan ng piyesa ng mga kilalang sasakyan. My father and him are also business partners, malaki ang tiwala nila sa isa't isa hindi lang pagdating sa negosyo pati na mapa-personal na mga bagay at hindi naman halata, ako nga ipagkatiwala. "Pinagsisisihan ko na ang nagawa ko Pa..." Nanginit ang mga mata kong muli siyang tiningnan at hinawakan siya sa kamay. "Magbabait na po ako lalayuan ko na ang mga barkada ko—" "Narinig ko na iyan, Sunny Bloom." Laglag na lang na lang ang balikat kong nakagat ang ibaba kong labi, oo nga minsan ko na rin naipangako noon na titigilan ko na ang pakikipagkaibigan sa mga iyon. Ang kaso ang boring talaga kaya paulit-ulit pa rin akong nasama sa kanila kahit anong pigil ko sa sarili natutukso ako makisama... Kagaya na lang kagabi, sakay na sakay ako sa trip nila kahit alam kong mali, posibleng ikapahamak namin pero ginawa ko pa rin. Kaya ang ending, nauwi sa disgrasya pare-pareho kaming kamuntikan na mga matuluyan at makita si San Pedro. Mabuti at may rescue sa malapit at dinala kami agad sa gamutan mabuti hindi ganoon kabilis ang patakbo ko kaya inabutan pa kami ng sikat ng araw. Naiintindihan ko ang galit ng Papa ko pero hindi ko lang maiwasang sumama ang loob nang sabihin niyang ipagkakatiwala ako sa ibang tao, at sa lalaki pa... Kaka-18 ko lang limang buwan na ang nakalilipas, I'm on my legal age kaya siguro ang lakas ng loob ko lalong gumawa ng mga kalokohan, pasaway na kung pasaway pero ini-enjoy ko lang naman ang kabataan ko... Dahil kapag tumanda na'y hindi ko na kailan man magagawa pa ang kayang gawin ng isang kabataan. Napanguso na lang ako at nakasimangot na nag-iimpake sa kwarto ko. Talagang hindi ko na nabali pa ang desisyon ng aking Papa. "Kasalanan mo kasi, Sunny..." bulong ko sa sarili ko. Hindi naman ako iyung tipo ng tao na alam nang mali hindi pa aaminin. Kapag may nagagawa akong isang bagay, I'm taking accountability because I was the one who did it, hindi ko para isisi sa iba ang sarili kong kagagawan. But still, my heart is aching... I'm leaving this house for a year. Kinakabahan din ako dahil hindi ko naman bahay ang pupuntahan ko at hindi ko pa lubos na kilala ang pakikisamahan ko roon. Ang tanging ideya ko lang, mahigpit, malupit at suplado raw si Uncle Victor, naalala ko pa way back 10 years ago... I was 8 years old at that time, may isip na rin naman para alalahanin ang mukha niya and I think he was in 20's back then, 28? Based on my calculation since it's been a decade since I saw his handsome face. Gwapo siya, matangkad at... may pares ng magagandang mga mata na sa unang kita mo sa kanya ito ang unang kapansin-pansin, sa isa sa kanyang mga pisikal na katangian. At natatandaan ko pa noon ang kakaibang paraan kung paano siyang tumingin. Parang may nagaalab lalo sa tuwing naaabutan niya noon na nakatingin ako sa kanya, ganoong mata ang nakikita ko. Na para bang nagniningas, tipong may galit na may pagpipigil? Sa edad kong iyon nakita ko kaagad sa mga mata niya ang ganoong klaseng pagkakakilanlan na tumatak sa isipan ko. Hindi ko lang alam kung ganoon pa rin siya hanggang ngayon matapos ng halos isang dekada, baka hindi na kasi masyado pa akong bata noon para intindihin. Nilibot ko muna ang tingin ko sa buong silid, gusto ko maiyak dahil isang taon akong hindi uuwi rito at kinakabahan din dahil bagong bahay, bagong pakikisama. "Ayos na ba ang mga gamit mo? Make sure you won't forget something important to you," si Papa na wala nang pasabing pumasok ng kwarto ko. Saktong naabutan akong naiyak nang isasara ko na sana ang maleta kong nakapatong sa kama ko. "Wala na po." Ginawa kong normal ang boses ko nang maglakad siya papalapit sa akin at tumigil sa gilid ko. Hinawakan niya ako sa balikat pero hindi ako nag-abalang mag-angat ng tingin dahil masama pa rin ang loob ko dahil para akong pinalalayas sa bahay na kinalakihan ko. "Isang taon na disiplina lang, Sunny..." Ramdam ko naman hindi niya kagustuhan ito pero dahil ito ang tingin niyang dapat sa akin, napagdesisyonan niyang gawin. "Alam ko masama ang loob mo sa akin pero gusto ko ring malaman mo na mas masama ang loob ko gayong nasa pamamahay kita pero sarili kong anak hindi ko ma-disiplina..." saad niya na lalo kong ikinahabag. "Marami kang pangangatwiran na baluktot na kesyo kabataan ka gusto mo lang i-enjoy pero hindi ko gusto ang pamamaraan mo..." "Baka sakaling sa kanya matuto ka at makinig na hindi mo nagawa sa akin." Tila may kumurot sa puso ko na marinig na maglabas ng saloobin sa akin si Papa kaya unti-unti tiningnan ko siya buhat ng namumula kong mga mata. "Makikinig na ako Pa..." Muli kong hinawakan ang kamay niya ngunit umiling lang siya at hinawakan din naman niya ang likod ng palad ko. Mapakla siyang ngumiti. "Hindi, anak," may katigasan niyang sinabi na hindi na pabababali. "Kailangan mong matuto... at hindi mo matutunan kung nasa akin ka, kung ito lang ang tanging paraan para mag-tino ka, kahit pa ibang tao pa iyan handa kitang ipagkatiwala." Napaawang na lang ang bibig ko at hindi siya makapaniwalang tiningnan. Isang tanong lang ang namutawi sa isip ko. Bakit ba ganito na lang ang tiwala niya sa taong ito? Kay Victor Valfierro na apelyido pa lang tunog bampira na. Gayong wala pa rin naman itong asawa't anak kaya papaano at ano naman kayang alam niya sa pagdidisiplina ng isang kabataang katulad ko? This is such a pain in the as*. Ipinahatid na nga ako ni Papa sa driver namin kinakabukasan, mabigat ang loob ko sakay ng black SUV namin. Tanaw ko lang ang labas ng bintana hanggang makaalis na ng bahay hindi ko kinibo ito o ni ang lumingon sa sama ng loob ko, ni hindi rin ako nagpaalam ng maayos. Hindi ako nakatulog buong magdamag kaya medyo inaatok-antok ako sa biyahe nang kausapin ako ng driver, si Mang Mel. "Mag-iingat ka ro'n, 'nak." Ngumiti sa akin ang may katandaan na niyang mukha at meron nang wrinkles lalo kapag nangiti. Mas matanda siya kaysa sa Tatay ko, may 53 na ang edad samantalang si Papa naman ay 49 pa lang at matagal na siyang tao namin. "Salamat po," magalang ko namang sagot at tipid na ngumiti at malayong tinanaw muli ang labas ng bintana at mga lugar na nadadaanan namin. "Alam kong masama ang loob mo sa Papa mo pero ginawa niya lang ito para din sa iyo at sa iyong ikabubuti," tila pagpapagaan pa niya ng loob ko at pagpapamulat din. Umiling lang ako. "Hindi ko po alam." Pinili kong wag unawain hindi dahil ayoko kundi hindi ko talaga maintindihan bakit sa taong iyon pa talaga. "Ang dami-dami naman paraan bakit kay Uncle Victor pa talaga ako kailangang itira? Eh ang sabi-sabi ang sama raw ng ugali no'n!" Inis na napataas ang boses ko. Tumawa siya kaya lalo akong napasimangot. "Hindi mo pa nga kilala, humuhusga ka na," nakangiti niyang saway sa akin. Pero umirap lang ako. Basta naiinis ako. Iisip ako ng paraan para hindi ako mag-tagal sa bahay niya kahit pa magalit silang lahat ay wala na akong pakialam. Hindi na ako nagsalita pa at itinuon ko na lang muli ang tingin ko sa labas, napansin kong hindi na pamilyar sa akin ang lugar makilapas ng malayo-layo nang biyahe. Wala na kami sa Manila. Pa-probinsya na... "Manong Mel, saan lugar to?" tanong ko at lilinga-linga na mula sa likod ko at sa paligid. "Papuntang Sta. Monica ito, daan papuntang bayan niya, nasa probinsya na tayo ng Quetil medyo malayo-layo pa," sagot niya at tutok lang sa pagmamaneho. Samantalang ako, nawindang. Ganito kalayo? Bayan ng Quetil? Wala man lang sabi-sabi sila na dito sa probinsya na ito ako dadalhin? Lugar na hindi ko pa talaga alam o ni hindi ako pamilyar! Si Papa talaga... Sinadyang hindi sabihin sa akin! Akala ko naman malapit lang sa Manila o kaya'y sa karatig lang. Pero parang may apat oras ata ang magiging biyahe, kailangan mag-stop over dahil pagod na si Manong Mel magmaneho at hinayaan ko naman siyang kumain sa may karinderya at magpahinga. At ako magpadaan lang sa drive true sa isang fast food chain at dito kumakain sa loob ng sasakyan ng tanghalian. Sinabi ko rito na mag-fast food na lang din pero ayaw sa karinderya ang gusto. Wala akong ganang ngumunguya at umiinom ng soft drinks sa straw ng basong papel, naubos ko rin naman ang pagkain ko at mayamaya lang bumalik na rin ang driver at muli na kaming sumibat at ipinagpatuloy ang biyahe. Nakatulog ako dahil at nga ako nakatulog kagabi kaya puyat ako, hindi ko namalayan pa ang oras na mabilis na lumipas hanggang sa meron akong naramdaman na tumatapik sa balikat ko kaya napa-ungot ako. "Sunny, nandito na tayo," boses ni Mang Mel kaya unti-unti akong nagmulat at agad na rumehistro sa akin kung nasaan na kami kaya napapitlag ako at napabalikwas. Bukas na ang pinto ng sasakyan ng back seat, at nakadungaw ang driver sa akin na ginigising na pala ako. Nilibot ko naman ng tingin ang buong lugar kung asaan na kami mula rito sa loob ng sasakyan. Nasa loob na kami mg isang malawak na bakuran at sementong pulido ang daanan, maganda ang lugar at nasa tapat kami ng isang malaki at mala-penthouse na bahay... "Wow... he's really that rich, huh?" I commented pero pabulong at bumaba na nga ako siyang atras naman ni Mang Mel at gumilid para bigyang daan ako. "Nasa loob na raw si Sir. Victor, hinihintay ka na," imporma nito akin at tinuran ng kamay ang pintuan ng bahay batid na tumuloy na ako sa loob. "Mang Mel..." kabado kong tawag at batid kong ibalik niya na lang ako sa bahay namin. Pero umiling lang ito at natawa. "Pasok na." Kulang na lang itulak niya ako sa loob nang kasamabahay nang lumabas Sinalubong ako nito na kay ngiti sa mukha na may magalang na pagbati. "Magandang tanghali, Señorita maligayang pagdating, pasok na po kayo naroon na po si Sir. Victor sa loob kanina pa siya naghihintay," malumanay na tinuran nitong ang pinto papasok sa magandang bahay. Napalunok ako, hindi ko agad maihaabang ang mga paa ko dahil may pakiramdam ako na sa oras na umapak ako sa pamamahay na ito ay may malaking pagbabago mangyayari sa buhay ko... Hindi ko pa alam sa ngayon pero ngayon pa lang nababahala na ako. Pero bahala na nga si Batman.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.9K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.0K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.9K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook