CHAPTER THREE

1056 Words
Sunny Bloom Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na mali nga siya ng iniisip, na hindi ako naglalaway sa kanya! Utang na loob ang tanda niya na para pagnasahan ko, ano! Hindi ko siya tipo, hindi ko bet ang mga may edad na kahit pa gwapo siya, hindi niya magagawang panggitatain ang panty ko! Kapal ng mukha, akala mo naman gusto ko lasapin ang katawan niya. Sabihin na nating may ibubuga siya, but he's too confident and too full of himself to think of his daughter's friend is desiring him! Ayos Pa, unang araw pinaiinit ng kaibigan mo ang ulo ko kaya habang nasa hapag kainan kami, nakasimangot ang mukha ko at salubong ang dalawang kilay habang nakatingin sa lamesa. "Looking at the food angrily isn't good, that is a very bad manner, wala bang nagturo sa iyo kahit sa pagkain man lang maging magalang ka?" Nanlaki ang mata ko. Matalas siyang magsalita, kung sabihan niya ako para namang wala akong proper etiquette? At isa pa, mabait na Tatay si Papa, he molded me to be properly mannered at ako lang talaga itong... Anyway, I felt insulted dahil parang si Papa na rin ang iniinsulto niya dahil sa palagay niya hindi ako napalaki ng may disiplina. "You're getting too far, Uncle..." Sa kanya ko naibaling ang masamang tingin ko. "I'm behaving like this because of you..." I gritted my teeth. "How could you accuse your friend's daughter that she's drooling over you, huh?" Pinanlakihan ko pa siya ng mata pero tawa lang ang itinugon niya sa akin. "Can't you get over from it?" he asked which made me stiff and suddenly felt embarrassed by his question. Na para bang pinalalabas niyang big deal ito sa akin, pero hindi nga ba, Sunny? Kaya ka nga tinotoyo! Pero hindi kasi dahil sa hindi ako maka-get over... unang pagkikita pa lang kasi namin sa makalipas na sampung taon ang dami niya na agad maling impressions sa akin! "It's not that!" My voice started to raised at hindi sinasadyang nahampas ko ang lamesa na pinagsisisihan ko rin agad. Nagbago ang timpla niya."Watch your tone, you're not in your house." Suddenly his expression changed in an instant. He becomes serious and his eyes turned sharply and it made me shut... gosh he's scary, iyung tingin niyang tatahimik ka o sasalaksakin niya ang bibig mo kapag umasal gaga ka sa harap niya. Totoo nga ang sinabi ni Papa patungkol sa kanya, he has an iron hand, tingin pa lang makuha ka na. Napalunok ako at napakurap. Kita niyang nahintakutan ako sa tono ng boses at tingin niya pa lang. He slightly shifted from his seat and his gaze at me became cold. "Ang isa sa mga ayaw ko, mga batang b*stos ang bibig at walang respeto sa kausap, at higit sa nakakatanda sa kanya." Nahigit ko na lang ang pag-hinga ko, itinago ang kamay ko sa ilalim ng lamesa, bigla kasing nangatog. Pero siya ang nauna? Gayon pa man hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang epekto ng simple niyang pananaway. Ibang-iba sa Papa ko. Papa is so kind, genuine and warm, kaya sa sobrang bait niya halos naaabuso ko na rin siya madalas, sinasamantala ko gawin ang gusto ko dahil kung magpagalit labas lang sa kaliwang tainga ko. But this man in front of me? His presence says everything you should be afraid of. Like I should hide under the table if I did something offensive and if I don't, he will get the sh*t out of me. Unang araw pa lang, oras pa lang ng pananatili ko rito sa bahay niya para akong nasa military training. What is he? A military personnel? I suddenly got curious about his job... because him being a ruler is too .. intense. "I wanna go home," I whispered like I'm about to cry because I couldn't take his way of discipline. Nalukot ko ang maong jeans ko habang nakapatong pa rin ang kamay sa mga hita ko. He crossed his arms on his chest, his gaze at me remained cold. "Hindi ka na makakauwi." Hindi ko alam kung sinabi niya lang ba ito para takutin ako pero matagumpay niyang nagawa. Namilog ang mga mata kong napaangat ng mukha sa kanya mula pagkakayuko, windang akong napatitig sa kanya. "W-What do you mean, Uncle?" I asked in shock and my voice stuttered and my eyes started to water. Hind naman ako iyakin but I just couldn't help it... my freedom is taking away from me without my consent. "Hindi ka na makakauwi kung sa loob ng isang taon walang naging pagbabago sa iyo, makakauwi ka lang kung magiging matino ka at kapag sinabi ko na." My jaw dropped just like that. Is he saying... my time of staying here will be extended? And what? Depende kapag sinabi niya na? Gusto kong tumawa sa kalokohang ito. Gusto ba nila akong ikulong dito para ma-depressed?! Tumawa akong nahagod ang mahabang buhok ko at nakagat ang ibabang labi ko dahil sa frustrations. Kita niyang namumula ang mga mata ko dahil naiiyak ako sa galit at iritasyon, 'di lang iyon, pati na rin sa higpit niyang ngayon pa lang ramdam ko na. Umiling ako, kuyom ang mga palad na nakapatong na sa lamesa, tahimik lang siyang pinagmamasdan ako at ang kilos ko. "You know what..." Natawa pa ako. "You and Papa are sick!" Padabog na akong tumayo at akmang tatalikod na para lalayasan siya. Pero nagulat ako nang hinawakan niya ng mabilis ang pulsuhan ko at marahas na hinila ako pabalik sa upuan kaya sa gulat ko kamuntikan akong mapatili. Patalbog ang pagkakaupo ko kaya sumakit ang pang-upo ko pati na ang balakang pero hindi ko ininda, sa halip napatulala akong napahawak sa armrest dala ng pagkawindang. "You're about to walk out? Finish your food first na hindi ikaw ang bumili," saad niya na lalong nagpaawang ng bibig ko. Ano ito, sumbat na may konting kain? Paano ko ito lulunukin kung ipinamuka na niyang pakain niya ako? Gusto kong batuhin siya ng kung anong mahawakan ko. Pero sa kabila ng nakikita niyang reaksyon ko, kalmado pa rin niyang tinuran ang pagkain na nasa plato ko. At nagpatuloy na rin siya sa pagkain na parang wala siyang ginawa at sinabing hindi maganda. Hindi lang pala siya istrikto, sadista rin... hanga ako paano siya nakakaakto nang parang wala lang?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD