Stefany's POV Pagmulat ng mata ko kinaumagahan, ramdam ko agad ang bigat ng bisig ni Brion na nakayakap pa rin sa akin. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang mukha niyang mahimbing pa ring natutulog. Sa unang pagkakataon, nakikita ko siyang payapa, malayo sa bigat ng responsibilidad na laging pasan niya. Dahan-dahan akong gumalaw para bumangon, pero bago pa man ako tuluyang makaalis, naramdaman ko ang paggalaw niya. "Stefany," bulong niya, mahina pero puno ng init. Hinila niya ako pabalik sa kama, dahilan para bumagsak ako sa dibdib niya. "Saan ka pupunta?" "Maghahanda na sana ng almusal," sagot ko habang sinusubukang kumawala sa yakap niya. Pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang bisig niya sa paligid ko. "Stay muna," aniya, may halong tamad na tono sa boses niya. "

