Kinabukasan, habang nag-aayos si Stefany sa maliit na salamin sa kanilang bahay, unti-unti niyang naramdaman ang kakaibang pananabik. Hindi niya maitatanggi sa sarili na namimiss na niya si Fabio. Pilit niyang ikinukumbinsi ang sarili na dala lang ito ng pagiging magkaibigan nila, pero hindi niya mapigilan ang kabog ng kanyang puso. "Nay, aalis lang po ako," paalam niya kay Aling Pilar habang bitbit ang basket ng pagkain na inihanda niya para kay Fabio. "Sige, anak. Mukhang maganda ang gising mo ngayon ah," sagot ni Aling Pilar, nakangiti pero halatang nagtatanong ang mga mata. Tahimik lang na ngumiti si Stefany at agad na umalis. --- Pagdating niya sa mansyon, magaan ang pakiramdam niya habang papasok siya sa malawak na bakuran. Pero habang papalapit siya sa may veranda, bigla siyang

