HBHT-50

2112 Words

Stefany POV Nang lumapat ang labi ni Brion sa’kin, isang iglap lang at tuluyan na akong nalunod sa init na dala niya. Hindi ko na nagawang lumaban. Hindi ko na rin nagawang mag-isip. Ang tanging nararamdaman ko ay ang mabilis na t***k ng puso ko at ang dahan-dahang paggapang ng init sa buong katawan ko. Hawak niya pa rin ang mukha ko, mas lalong pinagdiinan ang labi niya sa’kin—mapusok, mariin, at walang halong pag-aalinlangan. Hindi ako makaiwas. Hindi ko alam kung gusto ko pang umiwas. "B-Brion…" bulong ko sa pagitan ng halik niya, pero imbes na tumigil, lalo niya pang pinatindi ang ginagawa niya. Isang malalim na halik, saka marahang kinagat ang ibabang labi ko, dahilan para mapakapit ako sa mga braso niya. "Ang lambot ng labi mo, mahal…" bulong niya habang nakadikit pa rin ang noo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD