PARANG AYAW kong gumalaw dahil pakiramdam ko ay baka sakmalin ako ni Chief, kapag naramdaman niya akong nakahiga dito sa tabi niya. Parang ang init din ng pakiramdam ko, dahil sa halo-halong isipin. Kung sabagay, nakasuot ako ng pajama, kaya mainit ang pakiramdam ko. Nasanay kasi akong matulog na nakasuot ng cotton shorts at spaghetti strap top. Kahit ang lamig naman ng aircon dito sa kuwarto ko ay hindi ko na maramdaman ang lamig nito. Pero pinilit ko pa rin matulog, para hindi ko na maramdaman ang kabang nararamdaman ko. Sana pag gising ko ay wala na si siya sa tabi ko. Sana din ay hindi niya ako gapangin kapag tulog na ako. Subukan lang niya, dahil hindi ko talaga siya sasantuhin. Hanggang sa medyo narerelax na ang pakiramdam ko, at hindi ko na rin naiisip si Chief na nasa tabi ko siya

