DINALA ko muna sa loob ng chamber ko ang mga damit na pinamili ko. Nagbihis na rin ako ng aking uniform, para handa na ako para sa pag-alis namin mamaya. Inayos ko na rin ang mga gamit ko, para walang kalat dito sa loob. Hanggang sa marinig ko ang announcement mula sa intercom. Tinatawag kaming lahat para sa dinner, kaya agad akong tumayo at lumabas ng aking kuwarto. "Hi, Bridge! Kumusta kana? Na-miss na agad kita, kahit dalawang araw lang tayong hindi nagkita." nakangiti akong lumingon kay Jhona, at agad ko siyang inakbayan. "Na-miss din kita, Jho! Lalo na ang kakulitan mo." sagot ko sa kanya. Totoo naman kasi na makulit siya. Sa aming lahat na magkakasama, siya talaga ang makulit at maingay sa groupo. Pangalawa si Akheezsha. "Hintay!..." tawag ni Honey sa amin, kaya napatigil kami

