"Rule number one! Kapag itinutøk, iputøk!" mariing sambit ko sa lalaki, kasabay nang pagkilos ng dalawang kamay kong may hawak na Katana, papunta sa likod ko. (Chak!) "Huk!" malakas na daing ng lalaki, nang biglang bum@○n sa katawan niya ang mat@lim na dulo ng aking katana. Hindi alam ng lalaki na mayroon akong hawak na dalawang matatal*m na katana, dahil nakatago ito sa loob ng mahaba kong suot na assassin's creed hood. Mabilis ko ring hinugot ang tal*m, saka ako umikot paharap sa lalaki, at muli kong itinus0k sa katawan niya ang dalawang hawak ko. Nabitawan niya ang hawak niyang 4rm@lit3, at unti-unti itong napaluhod sa harapan ko. Nakadilat ang kanyang mga mata sa gulat, at biglang umagos ang maraming dvg0 sa bibig niya. Hindi pa ako nakontento. Muli kong iginalaw ang aking hawa

