"Maxine, bakit tila buntis ka sa laki ng tiyan mo?" nagtatakang tanong ko kay Maxine. Bigla na lang kasing lumaki ang tiyan niya pagkatapos ng mission. "Anong buntis ang pinagsasabi mo d'yan, Bridge! Hindi bata ang dinadala ko, kayamanan 'to, Kapatid!" sagot niya sa akin. "Paanong naging kayamanan ang malaki ang tiyan?" muli kong tanong, dahil hindi ko makuha ang gusto niyang sabihin. "Mga wallet itong nasa loob ng damit ko! Pinagkukuha ko 'yong mga wallet ng mga nap@t@y nating suspect, para mapakinabangan natin ang laman. May lamang pera at mga Debit Card ang mga ito, kaya kinuha ko na. Sayang kung masusunog lang." sagot niya sa akin. "Ha! Ganon ba? Akala ko, buntis kana agad." "Sira! Wala nga akong boyfriend, tapos mabubuntis agad?" natatawang sagot niya sa akin. "Ikaw ba, wala

