PAG-ALIS SA VILLA PALAIS‼️

2522 Words
BRIDGETTE'S POV... NAPATIGIL si Uncle Art, dahil sa magkakasunod na putukang galing sa labas. Bigla din pumasok ang mga tauhan niya na nagbabantay sa labas ng pinto. Halatang takot na takot ang mga ito, dahil sa bilis nilang pumasok at patakbong naghanap ng ibang daanan mula dito sa loob ng storeroom. "Boss, kailangan na nating tumakas. Dumating na ang mga sundalo. Nilusob na nila tayo, ubos na ang mga kasama natin sa labas. Umalis na tayo dito, bago pa tayo mahuli ng mga sundalo." saad ng isang lalaki. Bakas din sa boses nito ang takot, dahil sa pagdating ng mga sundalo. Bigla akong nabuhayan ng loob dahil sa pagdating ng Daddy ko, kasama ang mga sundalo. Dahil sa pag-asang dala ng pagpunta dito ni Daddy ay hindi na rin ako natakot kay Uncle Arthuro. Magkakasunod ko siyang sinipa, kaya napa upo siya sa sahig. Natamaan ko din ang b@y@g niya, kaya namilipit siya sa sakit. Lakas loob ko rin inagaw ang bar!l na hawak ng tauhan nito, para may magamit akong pang-protekta sa sarili ko. Tinadyakan ko sa b@y@g ang lalaki, kaya nabitawan niya ang hawak niyang mahabang bar!l. Nakuha ko ito at agad na itinutok sa mga kasamahan nila. Kahit hindi ako marunong gumamit ng bar!l ay itinutok ko pa rin sa kanilang lahat ang bunganga ng bar*l at sinubukang kalabitin ang gatilyo. Biglang pumutok ito at nag tuloy-tuloy ang paglabas ng mga bala. Hinawakan ko lang mabuti, para hindi ko mabitawan. Ang lakas din ng kickback nito, habang patuloy na ibinubuga ang mga bala nito. Kahit natatakot ako sa aking ginagawa, ngunit mas pinairal ko ang determinasyong gamitin ito para protektahan ang sarili ko. Mabilis naman nagsitago ang mga tauhan ni Uncle Art, kaya 'yon ang sinamantala ko para magtungo sa pintuan. Binuksan ko ang pinto at mabilis akong lumabas. Tinapon ko sa basurahan ang hawak kong bar*l at tumakbo ako patungo sa Lobby, para hanapin si Daddy. "Bridgette!..." malakas na pagtawag sa akin ni Daddy. Mas binilisan ko pa ang takbo at hinanap siya. Nag-aalala din ako na baka habulin ako ng mga tauhan ni Uncle Art, at tangayin. Plano pa naman nila akong kidn@pin, para mapasakamay ni Uncle Art, ang lahat ng minana ko mula kay Lolo at Mommy. "Daddy! Daddy!...." sigaw ko, para marinig niya ako. "Bridgette, anak!... Nasaan ka!?" pasigaw na pagtawag sa akin ni Daddy. Tumigil ako sa pagtakbo, dahil nasa loob ng building ang boses ni Daddy. "Daddy, dito ako sa Lobby!..." pasigaw din na tugon ko. Tumingin ako sa buong paligid, para hanapin si Daddy. Nalungkot pa ako sa mga nakita ko, dahil ang dami nang nasira sa mga gamit dito sa Lobby, dahil sa mga tama ng bar*l. Hanggang sa makita ko si Daddy na mabilis na tumatakbo, palabas ng hallway. Galing pala siya sa may Gym, kaya hindi kami nagkasalubong. May Storeroom din kasi doon banda. Doon nakalagay ang mga gamit ng hotel, kasama ang mga towel at blanket. Ang tinaguan ko naman ay storeroom para sa mga gamit panlinis sa mga hotel room at C.R. Mabilis kong niyakap si Daddy ng magkita ko na siya. Umiyak ako sa balikat niya, dahil sa takot ko sa mga pangyayari. Agad naman akong pinakalma ni Daddy. Hinubad din niya ang suot niyang Military Jacket at ipinasuot sa akin, saka niya ako muling niyakap. Hanggang sa bigla kong naalala sina Uncle Art na nasa loob ng storeroom. Nakalimutan kong kailangan pala silang huliin ng mga sundalo, dahil sa malaking kasalanan nila sa pamilya namin. "Daddy, si Uncle Art, nandoon sila sa storeroom sa banda doon. Doon ko sila iniwan, kasama ng mga tauhan niya." sabi ko kay Daddy, habang nakaturo ang isang daliri ko sa dereksyon kung saan ako galing. Agad naman tumakbo ang mga sundalo na kasama ni Daddy at nagtungo sa itinuturo kong dereksyon. Naka umang din ang mga hawak nila ng @rma$ sa kanilang harapan. Nakita ko ang isang sundalo na malakas na tinadyakan ang pinto ng storeroom, saka mabilis naman pinasok ng iba nitong kasama ang loob. Maya-maya pa'y lumabas rin sila na walang ibang taong kasama. Nagtaka ako, dahil hindi ko nakitang inilabas nila si Uncle Art at mga tauhan niya. "General, nakatakas na ang mga salarin. Dumaan sila sa maliit na bintana." pagbibigay alam ng isang sundalo. "Sundan n'yo sila! Hindi dapat makatakas si Arthuro Vibar. Kailangang pagbayaran niya ang lahat ng ginawa niyang kaguluhan sa pamilya ko. Lalong lalo na ang aking unica hija. Hindi ko palalampasin ang ginawa niyang pagtatangkang dukutin ang anak ko." tugon ni Daddy. Agad naman na nag salute ang mga sundalo sa kanya, bago sila umalis. "Lieutenant, ikaw na ang bahalang magligpit sa mga kalat dito sa Resort. Ipunin mo lahat ang mga ibidensya na p'wedi natin gamitin kay Arthuro, para ma-issue-han siya agad ng warrant. Habang nasa labas siya at malayang nakakagalaw ang hayop na 'yon. Hindi rin matatahimik ang buhay namin ng anak ko. Alam kong hindi titigil si Arthuro, hangga't hindi niya nakukuha lahat ng mga ari_arian at pera na naiwan kay Bridgette." sabi ni Daddy kay Lieutenant Gorospe. "Daddy, pinagtangkahan din niya akong gah@s@hin kanina. Buti na lang at dumating kayo, kaya nagkaroon ako ng pagkakataong makatakas sa kanila." pagbibigay alam ko kay Daddy. "P*ny*tang animal na 'yon! Makita ko lang ang hudas na taong iyon, sisiguruhin kong manghihiram siya ng mukha sa aso!" nagngingitngit sa galit na turan ni Daddy. "Nasaktan ka ba niya?" tanong din niya sa akin, saka niya tiningnan ang balat ko sa magkabilang kamay. "Tinutukan nila ako ng bar*l, Daddy." sumbong ko kay Daddy. "Lieutenant, gusto kong huliin niyo ng buhay ang hayop na Arthuro'ng 'yon! Dahil ako mismo ang magbibigay ng kaparusahan sa kanya. Hindi ako makapapayag na hindi siya managot sa mga kasalanan niya sa Pamilya ko." utos ni Daddy kay Lieutenant. "Masusunod, General." tugon ni Lieutenant. "Hayaan mo, Ms Bridgette, at idadagdag natin sa kaso niya ang ginawa niyang pagtatangka sa 'yo. Ngayon ay may mas mabigat na tayong kaso laban sa kanya. Sigurado ako, bukas na bukas din ay lalabas na ang warrant sa kanya." sabi naman niya sa akin. Agad na kaming lumabas ni Daddy ng hotel at sumakay sa kotse ko, para umuwi sa bahay namin upang magpahinga. Binilin ko na lang ang Hotel Manager na siya na ang bahalang mag assist sa mga sundalong mag i-imbistiga sa buong Resort. PAGDATING namin sa bahay namin ay may nadatnan naman kaming kahon na iniwan sa labas ng gate. Biglang pina atras ni Daddy ang kanyang kotse, para ilayo ako sa panganib. Maari daw na b0mb@ ang laman ng kahon, kaya kailangan naming maging alerto. Sa tagal na ng Daddy ko sa Military ay alam na alam na niya ang mga ganitong scenario. Binuksan ni Daddy ang pito ng driver's seat at lumabas siya ng sasakyan. "Daddy, mag-iingat ka! Hindi ko na kakayanin kapag may mangyari din sayong masama." umiiyak na sambit ko kay Daddy. Muli naman siyang pumasok dito sa loob at kinalma ako. "H'wag ka ng umiyak, Anak. Walang mangyayaring masama sa akin. May device naman akong gagamitin, para ma-detect kung b0mb@ nga ang laman." sabi niya sa akin. Tumango na lang ako kay Daddy. Kung sabagay, hindi siya naging Military General Commander kung hindi siya marunong sa pag handle sa mga ganitong bagay. Habang papalapit si Daddy sa kahon na nasa harapan ng gate namin ay palinga-linga din siya sa paligid. Nang makarating siya sa harapan ng gate ay may inilabas siyang isang device mula sa dala niyang bag. Agad niyang in-On ang device at hinila ang antenna nito, bago niya ito inilapit sa kahon. Biglang nanlaki ang mga mata ko, dahil kitang-kita ko ang pagkagulat ni Daddy, matapos nitong ilapit ang device sa kahon. Agad din siyang umalis sa harapan ng gate namin at muling pumasok dito sa loob ng kotse. "Dad, anong nangyayari!?" kinakabahan na tanong ko. Mabilis din niyang pina andar ang sasakyan, saka nito inilagay ang kanyang seatbelt. Reverse na rin ang takbo ng kotse, para mabilis kaming makalayo sa may gate namin. Hanggang sa bigla na lang sumab0g ang kahon at lumikha ng malakas na pagsabog. Kahit malayo na kami sa harapan ng gate namin ay naramdaman ko pa rin ang malakas na pagkaka alog ng sasakyan. Nakita ko rin na biglang lumipad ang isang bahagi ng gate namin. Ang taas din ng apoy na galing sa pagsab0g, kaya lalo akong nanginig sa takot. 'Daddy, gusto talaga tayong pat@yin ni Uncle Arthuro. Natatakot ako, Daddy! Ayaw ko pang mamatay." umiiyak na sambit ko kay Daddy. Agad naman akong niyakap ni Daddy. "Hindi ka mamamatay, anak. Hindi ko hahayaan na saktan ka ni Arthuro. Dadaan muna siya sa ibabaw ng bangkay ko, bago ka niya malapitan." saad ni Daddy, habang hinahaplos niya ang likod ko. Muli akong kumalas sa pagkakayakap ko kay Daddy, dahil may naririnig akong serena mula sa sasakyan ng mga pulis. "Dad, dumating na ang mga pulis." humihikbing sambit ko kay Daddy. "Oo, anak. Kailangan natin pumunta sa bahay, para makausap natin sila ng maayos." tugon ni Daddy. Muli din niyang pina abante ang kotse ko, para makabalik kami sa bahay. Wasak na wasak ang gate namin dahil sa malakas na pags@bøg ng ɓømb@ng inilagay ng kung sino sa mismong harapan ng bakal na gate. Natanggal din ang isang bahagi nito at natapon sa kabilang gilid ng daan. Ang isa naman ay nayupi ng husto at muntik na rin natanggal sa pagkaka attached nito sa pader. Pagdating namin sa tapat ng aming bahay ay agad akong ipinasok ni Daddy sa loob ng bahay namin. Tinawag din niya ang mga pulis dito sa loob para makausap namin silang mabuti. Umupo lang ako sa sofa, dahil nanginginig pa rin ako sa takot. Hindi ko lubos maisip ang mga nangyayari sa buhay namin ngayon. Naguguluhan ako, natatakot. Ang dating tahimik at masaya naming pamilya ay biglang naging magulo. Ngayon ay nababalot ng takot at pangamba ang isipan ko. Hindi ko na rin alam kung saan ako pupunta, para maging safe ako at manumbalik ang katahimikan sa aking buhay. Matapos makausap ni Daddy ang mga pulis ay lumapit naman siya sa akin. Umupo siya sa tabi ko at tinitigan akong mabuti. Muling nag-unahan sa pagpatak ang luha ko. Niyakap ko si Daddy at muli na naman akong umiyak sa balikat niya. "Ssssh! Tama na ang iyak, anak. Tayo na sa taas at mag-empake na tayo ng mga gamit natin. Aalis tayo ngayong gabi. Doon muna tayo sa Campo pansamantalang tutuloy. Sa susunod na araw ay u-uwi na tayo sa Maynila, para makalayo tayo sa Uncle Arthuro mo." sabi ni Daddy sa akin. Bigla akong napatigil sa pag-iyak. Hindi ko rin alam kung ano ang mararamdaman ko, dahil sa sinabi ni Daddy. Buong buhay ko ay dito na umikot sa lugar namin sa Zamboanga City. Wala din akong kakilala sa Maynila, kaya parang bahagya akong naligaw ng landas. "Saan tayo tutuloy sa Maynila, Dad? Wala naman tayong bahay doon?" naguguluhang tanong ko. "Uuwi tayo sa bahay- sa totoo kong pamilya. Makikiusap ako kay Cion na payagan tayong tumira doon, kahit ilang araw lang. Maghahanap agad ako ng apartment na tutuluyan natin, para hindi tayo maging pabigat sa kanila." sagot sa akin ni Daddy. "Hindi kaya tayo ipagtabuyan ng una mong asawa, Dad? Baka magalit siya sa akin, dahil anak mo ako sa ibang babae." magkasunod na tanong ko kay Daddy. Hindi ko alam kung ano ang kayang gawin ng tunay na asawa ni Daddy sa akin. Naiintindihan ko naman na isa lang akong anak sa labas ni Daddy, dahil hindi naman sila Annul ng dati niyang asawa. "Mabait si Cion, anak. Alam kong mauunawaan niya ang kalagayan natin. Kahit noong bago pa lang kaming nagsama ng Mommy mo, hindi niya ako sinumbatan. Kahit alam kong nasasaktan siya ng husto, dahil sa pagkakaroon ko ng ibang pamilya dito ay wala akong narinig sa kanya. Nagalit lang siya sa akin noon dahil pinipilit kong isama dito ang kuya Jun-jun mo. Doon lang niya ako sinumbatan at hinabol ng sh0t g*n." kuwento sa akin ni Daddy. Napangiti ako dahil sa nalaman ko. Akala ko kasi napakatapang na tao ng Daddy ko, pero natakot din pala siya noon sa dati niyang asawa. "Eh, paano kung habulin niya tayong dalawa ng sh0t g*n? Makakaya mo pa bang tumakbo ng mabilis?" natatawang tanong ko kay Dad. "Hindi na ako tatakbo at magtatago ng matagal, anak. Matanda na ako. Panahon na rin para harapin ko ang kasalanan ko sa Tita Cion mo. Kahit lumuhod pa ako sa harapan niya ay gagawin ko, para lang tanggapin niya tayo sa bahay. Gusto ko rin makausap at humingi ng tawad sa Kuya Jun-jun mo. Ilang taon na rin ang nakakalipas, mula noon iniwan ko sila. Sana mapatawad niya ako at tanggapin pa rin niya ako bilang ama." tugon niya. Nakita ko rin ang lungkot sa kanyang mga mata, dahil sa pangungulila niya kay Kuya Jun-jun. Niyakap ko si Daddy, dahil naaawa rin ako sa kanya. Matanda na rin siya, at konting panahon na lamang ang ilalagi niya sa mundo. Wish ko na sana maging maayos ang lahat, pagdating namin sa Maynila. Sana hindi magkagulo ang dating pamilya ni Daddy, dahil sa akin. Agad kaming nag-empaki ng mga gamit namin. Dinala ko lahat ang mga mahahalagang documents na kailangan ko, at ang bank book ko. Panatag naman ang loob ko na hindi mawawala ang lahat ng mga negosyo at ari-arian namin dito, dahil nasa safe ang mga original documents ng mga iyon at tanging ako lamang ang p'weding magbukas. Dumating din ang mga sundalo, para tulungan kaming isarado ang buong bahay. Lahat ng mga bintana at pintuan ay nilagyan nila ng mga rehas. Pinangtakpan ng malalaking kumot ang mga Furnitures at appliances namin. Pinaalis din ni Daddy ang mga kasambahay namin, dahil aalis na rin kami dito. Wala na silang paglilingkuran. Binayaran niya ng buo ang mga sahod nila ngayong buwan, para may maiuwi sila sa kanilang mga pamilya. Hating-gabi na kami umalis sa bahay namin. Bago ako sumakay sa kotse ko ay muli pa akong napatingin sa malaking bahay na nilakihan ko. Parang hinihiwa ang puso ko sa sakit, dahil aalis na ako sa aking tahanan. Lahat ng mga magagandang alaala ay maiiwan na sa bahay na ito. Hindi ko rin alam kung hanggang kailan ako mananatili sa Manila. "Bridgette, anak, sumakay kana dito para maka alis na tayo. Hindi tayo dapat magtagal dito sa labas, baka may nagmamanman sa atin at naghahanap ng tamang timing para maisagawa ang masama nilang balak sa atin." sabi ni Daddy sa akin. Kanina pa siya nakaupo sa loob ng kotse at hinihintay akong pumasok sa loob. "Ms Bridgette, pumasok na po kayo sa loob. Delikado na magtagal kayo dito. Baka nasa paligid lang ang mga taong may masamang balak sa inyo." saad ng isang sundalo na laging kasama ni Daddy. Tumango lang ako sa kanya, saka ko pinahid ang luhang naglandas sa pisngi ko. Pumasok na rin ako sa loob ng kotse at tumabi kay Daddy dito sa back seat. Sumakay naman sa harap ang sundalo, katabi niya ang isa pang kasamahan niya para bantayan kami at masiguro ang kaligtasan naming mag-ama hanggang makarating kami sa Campo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD