CHAPTER 9: SHUTTING UP

1648 Words
Mabigat man ang loob, maagang siyang gumising para makapaghanda sa pagpasok sa trabaho. Sumulyap muna sya sa pinto ng katapat na kwarto bago ipinagpatuloy ang paglalakad palabas ng tinutuluyang apartment. Hmmp! Ewan ko sayo. Nagngingitngit pa rin ang kanyang kalooban dahil sa nangyari kagabi. Hindi man lang nagawang tumawag o magtext ng binata sa kanya kagabi. Hindi nya tuloy alam kung pumasok ba ito sa duty nya kagabi o ano. Para tuloy syang tanga at nagkanda puyat pa kakahintay ng paramdam nito. Mabuti sana kung hindi sya opening ngayon. So, ibig sabihin, okey lang sayo na mapuyat ka, kakahintay kung hindi ka lang opening? Sita ng maldita nyang isip. Hmp! Ewan ko sayo. bahala ka na nga sa buhay mo. “Good morning Tine.” It’s already 5 o’clock in the morning at kasalukuyan na syang papasok sa gate upang tumungo sa parking lot na nasa loob ng Wilford Zone ng may bumati sa kanya. Umangat ang kanyang paningin sa taong kaharap. “Oh hi, Kuya Vince, Good morning.” Pagbati nya rito pabalik. “GY ka po?” nagtatakang tanong nya rito. “Yeah, Double Duty ako, nagtext si Daven kagabi na hindi sya makakapasok. May gagawin raw syang importante. I thought….”pagbitin nito sa sasabihi. “I thought magkasama kayo kagabi?” dagdag pa nitong mababakasan ng panunudy. “What?” Kumunot ang kanyang noo. Iyon ba ang idinahilan ni Daven? At talagang mahalaga rito ang pagsama sa Althea na iyon kaya nagawa pa nitong umabsent sa duty para lang talaga masamahan ang babae na iyon. Hmmp! Mas lalo tuloy syang nainis. Hala ka girl…Mukhang may ibang tinatrabaho ang boyfie mo.. Selos yern? Umikot ang kanyang eyeballs dahil sa kantyaw ng kanyang isip. “Oy Tine, okey ka lang?” “H-huh? A-ahh oo. O-okey lang ako. Sige, pasok na ako.” Nagkanda bulol nyang tugon rito. “ow-key.” Nananantyang tugon nito sa kanya. “Una na pala ako.” Sabay turo palabas. Bumili muna sya ng usual nyang almusal bago pumasok sa shuttle service. Mangilan ngilan pa lamang sila sa loob at nagulat pa sya ng mahagip ng kanyang paningin ang isang pamilyar na bulto. Nakaupo na ito sa bandang likuran at parang… natutulog? Payapa itong nakapikit habang nakahalukipkip. Nakasuot ito ng isang hoodie jacket at brown maong shorts. Lalapitan nya sana ito ngunit naalala nyang may ginawa pala ito kagabi. Umirap sya bago umupo sa may gitnang parte katabi ng bintana bago sinimulang kainin ang biniling almusal. Nasa kalagitnaan na sya ng kanyang pagkain ng may pamilyar na amoy siyang nalanghap na animo’y napakalapit. Maya maya lang ay tumabi na sa kanya ang nag mamay ari ng pamilyar na amoy n iyon. Bigla namang kumalabog ng pagkalakas lakas ang t***k ng kanyang puso. Hindi nya alam kung sa isiping galit sya rito o sa kung ano pa man. Ang totoo, kinakabahan sya. Pano nya ito haharapin at pakikitunguhan matapos nun eksena sa pagitan nila kagabi. Napasinghap sya at hindi nya na rin nagawang lunukin ang kinakain ng ipatong nito ang kanang braso sa balikat nya. Nilingon nya ito at pinagtaasan ng kilay. Aba’t pinagtaasan rin sya nito ng kilay. “Excuse me?” masungit nya itong hinarap pagkatapos palisin ang braso nito sa balikat nya. “Excuse you? Why, Where are you going.” Pilyo naman nitong sagot sa kanya. Aba’t namilosopo pa. “Anong ginagawa mo rito mister?” “Seating…..” painosenteng sagot nito sa kanya. “Besides my misis.” agad na dagdag nito. Bigla naman syang nabilaukan ng kasalukuyan nya sanang lulunuking pagkain dahil sa sinabi nito. Agad nataranta si Daven sa pagkasamid nya. “Hey, wifey, are you okey?” mariringgan ng pag aalala sa boses nito. Agad sya nitong inabutan ng tubig para hindi mahirinan. Umuubo ubo pa sya ng hablutin ang tubig at agad na uminom. “Ang bibig mo. May makarinig nga sayo jan ehh. Malilintikan tayo nito.” Mariing bulong nya rito matapos makabawi. “There’s no one listening.” Pagkibit balikat nito. Agad syang tumayo para tingnan ang paligid. Oo nga… walang makakakinig. Lahat busy sa kani kanilang cellphone habang may nakasalpak na headset or headphone sa mga tainga ng mga ito. They are all busy maliban sa isang nakangisi. Pinagdilatan nya ito ng mata dahil sa ngising asong nakapaskil sa mga labi nito. “Opppss. I didn’t hear anything.” Alexis mouthed before putting his headphone on. Bumuntong hininga muna sya upang pakalmahin ang sarili. Nang mapansing matagal na syang nakatayo ay agad syang hinila ni Daven para makabalik sa kanyang kinauupuan. “May utang ka sakin..” may ngising saad nito. “Anong ako? Ikaw nga itong may kasalanan sa akin ehh.” Pambabara nya rito. “Hear me ou-” “Anong ginawa nyo ni Althea kagabi huh? Bakit di ka man lang nagtext o tumawag? At ano iyong may pahawak hawak kamay pa kayong nalalaman?”sunod sunod nyang bulong at tanong rito. “Wifey---” “Alam mo bang naghintay ako kagabi kung kakatok ba kayo pero wala! Wala man lang kumatok. Kahit ikaw man lang sana ehh, nag insist para ayain akong muli… pero wala!” inis na inis na sya at hindi na nya namalayan ang mga lumalabas sa kanyang bibig. “Nagkandapuyat pa ak--” natigilan sya ng mapansing ang lawak ng ngiti ng binata. Kumikislap pa nga ang mata nito na animo’t tuwang tuwa sa nakikita. “Anong nginingiti ngiti mo riyan huh!?” sabay hampas rito. Agad nitong nasalo ang kanyang kamay sabay hapit sa kanya para sa isang mahigpit na yakap. “Let me finish my words, wifey. Pag explainin mo naman ako, you’re so unfair my nagger wife.” Natatawa nitong saad. Kinurot nya naman ito sa tyan na agad nitong ikinahalakhak. Agad nya namang tinakpan ng kanyang palad ang bibig nito dahil baka makaagaw pa sila ng pansin. “Ang ingay mo..” saway nya rito. Kinuha naman ng binata ang kamay nyang nasa bibig nito at ginawaran ang likod ng palad ng isang masuyong halik. “I love you.” Seryoso at namumungay ang mga mata nitong nakatunghay sa kanya “I said I LOVE YOU.” Pag uulit nitong may diin. Heto na naman ang kanyang puso. Nagpapaligsahan sa pagtibok at maaari ng marinig ni Daven dahil sa sobrang lakas nito. “A-anong pinagsasasa-bi mo r-riyan.” Di nya maiwasang kabahan kaya’t nagkakanda pilipit na ang kanyang dila. “Nagpatulong si Althea kagabi sa pag aayos ng kanyang mga gamit, wala kasi syang mahanap na pwedeng tumulong sa kanya. Kaya ng malaman nyang doon ako nakatira ay ako ang agad nyang tinawagan.” Huminto ito ng ilang saglit at tumitig sa kanya. “Pumayag ako sa gusto nya.. pero may kondisyon…” “Anong kondisyon?” curious nyang tanong. “I told her, I will help her but she needs to replace me in attending the upcoming seminar this coming week. Sabi ko may importante akong lalakarin at hindi iyon pwedeng ipagpaliban.” Napalitan ng ngiti ang kanina’y seryoso nitong mukha. “And?” at anong importanteng bagay naman ang lalakarin mo, aber? Gusto nya sanang itanong ngunit pinigilan nya lang ang kanyang sarili. “And what?” balik tanong nito. “Bakit sya lumipat ng tirahan? At doon pa talaga sa building kung nasaan tayo?” imbis ay naitanong nya. “iyon kasi ang may pinakamalapit na apartment na nahanap nya at saktong mas malapit sa trabaho natin, kaya iyon ang napili nya.” Pagpapaliwanag nito habang hindi pa rin binibitawan ang kanyang kamay. “Hmmm. At ano namang konek noon sa pagkakaroon ko sayo ng utang huh?” hirit pa nya rito. Pinisil naman nito ang kanyang palad. “silly, wifey.. off course… Because of me kaya magkapareho tayo ng schedule.” Mahina pa itong natawa dahil sa nakanganga nyang itsura dahil sa narinig. “Weeeh?” di naniniwalang bara nya. “Di nga?” “Oo nga.. ayaw pang maniwala. Remember last week, before the end of the month, we are all busy at ako ang inutusan nyang magprint at magpasa sa HR ng ating time schedule. And….hindi nya napansin na pinagpalit ko ang oras naming ni Vince. And… she signed it immediately without noticing na may nabago pala sa schedule. At bago nya pa mapansin, agad ko nang ipinasa sa HR and the rest are history.” May pagmamayabang pa nitong saad sa kanya sabay kindat. Yabang talaga… pero infairness, ginagalingan.. CLAP CLAP TALAGA. Napangiti na lamang ako dahil sa narinig.. “So? Where’s my prize?” nakanguso nitong saad. “Prize mong mukha mo.” Pagpapakipot nya rito. “Come on wifey.. You owed me this.” Pamimilit nito. “Ehh bakit sa loob ng isang linggo iba ang schedule mo?” tanong nya pa ng maalalang iba ang oras ng duty nito isang linggo na ang nakaraan. Ngayon nya lang ito nakasabay. “Well, sinadya kong makipagpalit muna ng duty sa loob ng isang linggo para hindi makahalata si Althea. Kaya ang swerte mo, masyadong matalino ang mister mo.” May pagmamalaki nitong sagot. “Well, aminado akong sa matalinong style nga.. Pero pwede ba, bawas bawasan mo ang kayabangan mo. Nakakasira ng araw.” Pagbi biro nya rito. “At--” Natatawang pinutol sya nito sa kanyang sasabihin para sa isang malalim na halik. Kinabig nito ang kanyang batok para mas palalimin pa ang kanilang pinagsasaluhang halik. Nang madala ay tumugon na rin sya sa mapaghanap nitong mga halik. Umungol ito ng sabayan nya ang intensidad ng paghalik nito. Habol ang hiningang dali dali silang bumitaw sa isa’t isa ng magsimula nang magsidatingan ang kanilang mga kasamahan para sa pang umagang duty. Bago pa umandar paalis ang shuttle service ay bumulong pa ito sa kanya. “I love the way I shut your mouth.. and when I say that I love you. Believe it. My soon to be wife.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD