So far, so good…
Okey sila..
They dated? Off course!! Like a real couples do.
They Kissed? Ohh Emmms!! Oo naman YES! That’s a real couple’s do either.
Syempre kasama na yon sa usapan. Hindi pwedeng mawala yon. They are working out nga di’ba. Pano nila malalaman kung may spark ba sila o wala. Anyways bago pa naman sila pumasok sa usapang iyon ehh nagkakiskisan na agad ang mga labi nila remember. Courtesy of Daven pa nga.
Daig pa nga nila ang mga teenager kapag nagkakasama sila. Panay harutan at biruan. Nakakagaan ng loob. They dated regularly, lalo na kapag hindi gaanong busy at hechtech ang kani kanilang mga schedule.
Habang tumatagal ay maraming na siyang nakikitang magagandang qualities kay Daven. Almost perfect na nga ito para sa pagiging boyfriend nito. Talagang effort kung effort kumbaga. Minsan nagdududa na nga sya kung dahil lang sa kasunduan nila kaya nya iyon ginagawa o dahil may iba na ring dahilan. Ewan nya, ayaw nyang magtanong dahil baka mabigo lang sya at pagtawanan pa nito kapag nagtanong sya. Well, kahit sinabi na nito noong una pa lang na ita try nila kung mag ki click sila ay napapangunahan pa rin siya ng hiya. Hindi nya pa alam kung ano na nga ba itong nararamdaman nya. Hindi naman ganito ang naramdaman nya noong sila pa ni Justine. Kaya, hindi nya talaga alam kung anong pwedeng itawag rito.
Kaya ngayon, napagpasyahan nyang hangga’t maaari, babawasan at lilimitahan nya muna ang pag invest ng feelings sa kung ano mang meron sila ngayon ni Daven.. Mahirap na baka mascam pa sya. Yun pa naman ang pinaka nakakatakot sa lahat, ang ma love scam. Kaya’t hinay hinay lang iha. Paalala ng kanyang isip. Mamaya nyan, kapag nahulog na sya, ehh, hindi naman pala sya kayang saluhin ng Daven na iyon. Kahit naman nangako itong I wowork out nila kung ano man ang maging resulta ng kanilang usapan ay mas mabuti na ang nag iingat. Babae sya, at kahit bali baliktarin ang mundo, babae ang mas nagiging kawawa bandang huli. Hay buhay! Ano ba naman kasing nakain nya ng araw na iyon at basta na lang syang pumayag sa offer nito. Hay nako!!
***
“Kailangan ba talagang pumunta ka don?” minsang naitanong niya kay Daven. Kalalabas nya lamang sa trabaho noong sunduin sya nito. Magmula ng kausapin sya ni Chef Althea ay mas nag ingat na sila. Hindi na sila masyadong nagpapansinan kapag nasa trabaho, at kapag may importanteng bagay lang na work related saka sila nag uusap. Mahirap na, mainit ang paningin sa kanila ni Chef Althea kaya mas kailangan nilang mag ingat. Napansin rin nyang kung ano ano ang ipinagagawa nito sa kanyang mga reports lalo na kapag hindi busy sa operation at mukhang umiiwas rin ito sa kanya. Nagtataka man kung bakit, isinawalang bahala nya na lang. Masarap na simoy ng hangin ang sumalubong sa kaniya pagkababa niya pa lamang ng sasakyan.
“Oo babe, hindi kasi available si Althea” sagot nito pagkatapos syang ngitian. “kaya ako na lang ang ipinalit bilang representative ng kitchen.” Masiglang dagdag pa nito saka sya inakbayan.
Sumimangot naman sya. Nakakainis naman kasi. Napapansin kong nitong mga nakaraang araw mukhang napapalapit ang dalawa sa isa’t isa. Mukhang sinasamantala ang pagkakalayo namin ni Daven.At kung makita nya man kaming nag uusap, na kahit tungkol naman sa trabaho ay bigla nya na lang akong ipapatawag o kung ano ano ang ipapagawa. Hmmmp nakakainis!!
“What’s with that lips?” tanong nito sabay hila ng mabini sa nanghahaba niyang nguso .
“Close na kayo? Kung maka Althea ka lang ahh.” Kunot noong tanong nya rito.
Natawa naman ang binata dahil sa kanyang inasta.
“Hey! My jealous girlfriend!” humarap ito sa kanya habang hawak ang kanyang dalawang kamay. “She’s not my type okey,hmm.” Malambing nitong paliwanag sabay pisil sa kanyang baba.
“Naninigurado lang” salubong nya rito ng may mapanuring mga mata.
Natawa na lamang ang binata dahil sa kanyang naging reaksyon.
“Don’t worry, babe, mas sexy at mas lamang ka pa rin kaysa kay Chef kahit hindi ka gaanong kagandahan.” Pang aasar pa nitong bulong sa kanya kasunod ng paglandas ng kamay nito patungo sa kanyang bewang at bahagyang pagpisil na syang naging dahilan ng pamumula ng kanyang pisngi. Humalakhak naman ito ng makita ang kanyang naging reaksyon. Syempre, para depensahan ang sarili at hindi mapahiya, pinaghahampas nya ito dahil sa sobrang inis nya.
“Saan kayo nagpupunta sa tuwing nakikita ko kayong magkasama?” usisa nya rito.
“Althea always insisting na sabay kaming mag break. Hindi ko naman matanggihan, kasi baka mas lalo yun magduda kapag inayawan ko. Akala mob a hindi ko napapansing pinag iinitan ka nya, lalo na sa tuwing nahuhuli nya tayong magkausap.” May halong pag aalalang paliwanag nito.
“Yeah, napapansin mo rin pala, akala ko, napapraning na ako dahil sa kung ano ano na ang pumapasok na ideya sa isip ko. Yon pala, tama rin ang hinala ko.” She sighed in disgust.
“Kailangan nating mas lalong mag ingat. Daig pa natin ang may istriktong magulang na laging nakamasid sa bawat galaw natin.” Natatawa nyang pahayag.
“Don’t worry too much, babe.”
Matapos mamasyal at kumain sa iba’t ibang stall na naroroon nasa parke, napagpasyahan nilang umuwi na sa tinutuluyang apartment upang makapagpahinga na rin.
Bandang ala sais na ng gabi ng makarating sila sa building na kanilang tinutuluyan ng may mahagip ang kanyang paningin na isang pamilyar na sasakyan.
“Wait Daven.” Pagpigil nya sa binate.
“Why?”
“Hindi ba, kotse yan ni Althea? Anong ginagawa nya rito?”
Agad namang hinanap ng binata ang sinasabing sasakyan ng dalaga ng biglang mag ring ang telepono nito..
Calling… Althea
Nangunot ang kanyang noo ng makita kung sino ang caller.
Nagdadalawang isip pa ang binata kung sasagutin nya ba ito, dahil sa nakitang reaksyon nya.
“Sagutin mo na.” masungit nyang utos rito.
“Ni. Hindi na. Hindi naman yata importante.” Sagot nito hanggang sa tumigil na ito sa pagtunog. Ngunit ilang sandali lang ay muli itong tumunog.
“Sagutin mo na kasi.” Pakipot pa. Akala mo naman kung sinong hindi bolero. Binubulong bulong nya habang hinihintay na sagutin nito ang tawag.
Nagkamot muna ng kilay si Daven bago nagtanong. “Okey lang ba?”
“Go, ahead.” Paninigurado nya ngunit nagngingitngit ang kanyang kalooban.
“Mauna na ako.” Sabi nya sabay patiuna sa paglalakad. Hindi na nakatugon pa si Daven dahil saktong nasagot na nito ang tawag.
“Hello.” Tanging narinig nya bago binilisan ang paglakad para hindi na nya marinig ang usapan ng dalawa.
***
Mabining katok ang nakapukaw sa kanyang pagmumuni muni. Matapos nyang maglinis ng katawan pagkarating ay napagpasyahan nyang manood muna ng pelikula habang naghihintay sa kung sino man na poncho pilato. Nagngingitngit na ang kanyang kalooban dahil halos isang oras na syang nakaupo at naghihintay ay wala pa ring Daven na umaakyat sa apartment nito. Pano nya nalaman? Syempre, nakailang beses kaya syang silip sa peephole sa tuwing may naririnig syang dumaraan. Nagbabakasaking ang binata na, ngunit hindi!! Nagmumukha na siyang possessive girlfriend. At ngayon, makalipas pa ng isang oras saka ito kakatok… Ang kapal naman ng pagmumukha nito.. Humanda talaga sya!! Handa na sana siyang sigawan ang taong nasa likod ng pinto ng biglang….
“Hi Chef Tine..” matamis ang ngiting bungad sa kanya ng babae. Ang kaninang nag uumigting na inis ay napalitan ng galit ng mapagsino ang kumatok. Lalo na ng lumampas ang kanyang paningin sa kung sino ang nasa likuran nito. Speechless. AGAIN.
“Dito ka rin pala nakatira?” obvious na tanong nito.
“Rin? What do you mean?” naguguluhan nyang tanong.
“Well, jan kasi sa katabing kwarto ni Daven ang uupahan kong kwarto. I’m surprise ng malaman kong dito ka rin pala nag I stay.” Tila giliw na giliw nitong pahayag. Napamaang na lamang sya sa nalaman. So, neighbors na sila ng bruhang ito? No way!! Yes Way! Kontra naman ng isip nya.
“I’m surprised too.” Wala sa sariling tugon nya rito.
“Well, that’s nice na neighbors na tayong tatlo.” Pabebe nitong saad bago bumaling na may namumungay na mata kay Daven. Hay ang sarap ingudngod, pwamiss.. Dukutin ko kaya yang mata mo.
Ngunit mas lalo syang napamaang sa huling sinabi nito.
“Sige, Tine una na kami ni Daven. We’re fixing things pa kasi sa kwarto ko. I’ll just knock your door kapag tapos na kami. Let’s eat together. Magluluto ako” Malandi nitong saad bago bumaling sa binatang medyo nag aalangan pa.
“Ehem.. ehh b-busog na ako Chef. Actually patulog na rin sana ako, bago ko pa kayo pag buksan. Thanks na lang.” BUT NO THANKS!! Gusto pa sana nyang idagdag.
“Okey!” nangingislap ang mga matang saad nito.
"Let's go." Magsasalita pa sana si Daven ng hilahin na ito ni Althea patungo sa katabing kwarto ni Daven.
Laglag pangang inihatid nya ito ng tingin habang nakatingin sa magkahugpong nitong mga kamay. Bago pa man maisara ang pinto ay nahagip pa ng kanyang mata ang pagngisi ng bruha…
Aba’t!!!