“Hi lovers”
Patay
“Anong ginagawa mo rito?” tanong nya sa kaibigan habang hindi mapakali at nahihiyang tingnan ang kaibigan.
“Bakit? masama bang mamasyal, huh, Celestine?” nang aasar na turan sa kaibigan.
“Ui pre, kumusta?” pagbaling nito ki Daven na may nakakalokong ngiti sabay tapik sa baliktat nito. Sumulyap sya sa binata at nakita nyang malawak ang pagkakangiti nito.
“Anong ngini ngiti ngiti mo jan huh?” asar nyang sita rito. Humalagpos naman ang pinipigilang tawa ni Alexis dahil sa itsura ng kaibigan.
“Ikaw talaga Celestine, masekreto ka na huh.” tudyo pa nito.
“Ano ba kasing ginagawa mo dito? Diba nakaleave ka?” pagbaling nya sa kaibigan.
“Oo nga, nakaleave ako,bakit masama bang mamasyal?”nakangiti pa ring tugon nito. “saka, hinihintay ko lang si Cindy, papasyal kami jan sa Peryahan.” Sabay turo. “Gusto nyo, sama kayo, para naman mas masaya.” Pag aya pa nito.
“No T—“
“Sure”putol sa kanya ni Daven. Maang ang bibig nya namang binalingan ang binata. “Come’on. Minsan lang naman to.” Malambing na pakiusap sa kanya. “Count this as our first date, hmmm” pagpapa cute pa nito.
“Ah- eh, kasi” alanganin pa nyang tugon sabay sulyap sa kaibigang si Alexis.
“Opss! Don’t worry Tine” sagot agad ni Alexis sabay aktong pag zipper ng bibig. Binalingan nya si Daven na may pakikiusap sa mga mata. Tanging buntong hininga na lamang ang naisagot nya.
“Okey fine, tara na. Asan na ba si Cindy?” tanong nya na lang.
“Malapit na raw sya, Teka ayan na pala ehh” Kumaway ito sa may kanan nila.
“Cinds!!” pagtawag nito sa babae. Kumaway rin ang dalaga bilang tugon. Ilang sandali lang ay magkakasama na silang papasok sa peryahan.
“Kain muna tayo, nagugutom na ako ehh” pag aya nya sa mga kasama.
“Sure, tara, doon tayo” pagsang ayon ng kaibigan at may itinurong isang food stall. Nang makahanap ng pwedeng mapagpwestuhan ay tumungo na ang dalawang lalaki sa stall at namili ng pwedeng makain. Nang makabalik ay may dala dala na itong pagkain at drinks. Inilapag ni Daven sa kanyang harapan ang dala nitong tray na may lamang tacos, cheese burger, fries at large pineapple drinks. Magana silang kumain habang pasulyap sulyap naman sa kanila na may nagtatanong na titig ang dalawa nina Alexis at Cindy. Inirapan na lamang nya si Alexis. Naman, kapag talaga minamalas, lagot na naman ako nito. Naisaloob niya.
Narinig naman nya ang pagtawa ni Daven kaya dito nabaling ag kanyang tingin
“What??” inis nyang tanong. Natawa naman ito lalo.
“Kumain ka na nga lang, wag mong intindihin si Alexis, inggit lang iyan.” Pang aasar ni Daven. Sabay sulyap sa kaibigang lalaki.
“Di kasi makaporma sa isa jan.” nang aasar pa ring saad nito habang tumatawa. Binalingan nya naman si Cindy ng hampasin nito si Alexis.
“Aray ko naman babe?” reklamo ni Alexis. “nakakasakit ka na huh” dagdag pa nito.
“Anong babe ka jan?” patuloy namang paghampas nito sa binata. “Anong pinagsasabi mo jan huh?” asar nitong saad. “Hindi ka pa nga nanliligaw, may pa babe babe ka na kaagad na nalalaman.” Patuloy nito.
“Ahh Ehhh kasi naman..” kamot sa ulong saad nito, na animo’y nahihiya.
“nyan, torpe ka kasi” pang aasar nya pa rito.
“Pssst! Hoy Tine, sinong torpe, ako torpe? hindi ahhh” pagyayabang pa nito. Nahampas na naman tuloy ito ni Cindy. Nagtawanan na lamang sila habang patuloy sa pagkukulitan.
Silang dalawa ni Daven ay hindi sumakay sa mga rides. Kaya mas pinili nilang maglibot na lamang sa buong paligid. Umupo sila sa isang bakanteng bench upang magpahinga.
“Bibili lang ako ng drinks, may gusto ka bang kainin?” tanong sa kanya ng binate.
“Chips lang sakin.” Tumango na lang ang binata at umalis na. Napapangiti naman sya ng makitang nag aasaran ang dalawa nyang kaibigan, ngunit halata namang parehong nag eenjoy sa isa’t isa.
“Here” pag abot sa kanya ni Daven ng malaking paper cup na may lamang chips. Pagkakuha nya ay umakbay ito sa kanya habang sya ay sumandal sa balikat nito. Hawak naman nito sa kabilang kamay ang isang large drink.
“So, tuloy na ba tayo next week?” panimula ng binata. Inaaya kasi sya nitong sumama sa birthday party ng mama nito.
“Hmmm, hindi ba nakakahiya Daven.?”
Hinarap sya nito.
“Ano namang ikinahihiya mo? Kahit hindi ka naman kagandahan, atleast mabait ka naman diba.” tudyo pa nito sa kanya. Nahampas tuloy nya ito. Napailing na lamang sya dahil sa kalokohan nito. Ang daming alam!!
Muli sya nitong inakbayan bago muling nagsalita.
“Wag ka na kasing mag alala,babe. Hindi naman sila tututol promise. Mamabait yon. Saka...." pagbitin nito sa sasabihin. Nilingon nya naman ito at napansing mukhang nag aalangan pa kung itutuloy pa ba ang sasabihin.
"Saka ano?"
"Wag ka lang sanang mabibigla kung medyo weird ang parents ko." Kumakamot pa sa batok na dagdag nito.
kumunot naman ang kanyang noo dahil sa narinig.
"Anong ibig mong sabihin?"
"ehh, kasi, You know. First time kong may ipakikilalang girlfriend,"namumula nitong paliwanag. "Though hindi officially na mayroon talagang tayo." sarkastikong saad nito na kababakasan ng lungkot. Natawa naman sya na agad ring pinigil ng bumaling ito sa kanya. Ang cute mo.. pwede pa kiss.. Sabi ng maharot nyang pag iisip. Erase! Erase!
Kumunot ang noo nito dahil sa kanyang pagtawa. "Anong nakakatawa?" nag isang linya ang mga kilay nito at mahiyaing mukha kanina ay napalitan ng masungit na ekspresyon.
Tuluyan ng kumawala ang kanyang pinipigilang tawa dahil sa lalong pagpula ng mukha nito.
"Anong nakakatawa huh?" pag ulit nito.
"Eh k-kasi ang c-cute mo pala kapag nahihiya!!" muling pagbunghalit nya ng tawa. Halos hindi na sya makahinga sa katatawa ng biglang tumayo si Daven at bigla na lang syang iwan.
"Hoy! Wag mo akong iwan dito!" sigaw nya ngunit hindi sya nito pinansin. Mabilis nyang kinuha ang mga binili nitong pagkain bago mabilis na sumunod rito.
"Hoy!" ayaw pa rin.
"Daven, isa." ayaw pa rin
"Ahh ganun huh, ayaw mo pa rin akong pansinin." Hmmm
"Daven Revor Garcia! BREAK NA TAYO!!! malakas nyang sigaw na syang nakapagpahinto rito. Nice one.
Di maipintang mukha ang bumungad sa kanya ng hinarap sya nito at nababakasan pa ng labis na pagkairita. Pano ba naman kasi, nakaagaw pansin ang pagsigaw nya kanina. Hehe. Ayan tuloy, halos sa kanila nakatingin ang mga tao sa paligid. Malalaki ang hakbang na lumapit ito sa kanya at ginawaran sya ng isang mapamugtong halik. Enebe Daven... Kinikilig Eke.. Parehong habol ang kanilang hininga ng maghiwalay ang kanilang mga labi. Namumungay na mga mata ang sumalubong sa kanyang titig.
"Don't break up with me in front of so many people, or else..." banta nito sabay hagod sa kanyang balakang.
Namula siya dahil sa inakto ng binata. "I will punish you... A sweet punishment, babe." Speechless. Sobrang lakas ng kalabog ng dibdib nya. Animo mawawasak at gustong lumabas ng puso nya sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Naririnig kaya ni Daven ang heartbeat nya. Bahala na si batman kung marinig nya man..Ehh sa kinikilig sya ehh. Tumikhim sya upang palisin ang bikig sa lalamunan. Nang makabawi ay sinimangutan nya ito. Natawa na lamang ito ng mahina sabay abot sa mga pagkain nyang hawak hawak nya pa rin. Buti na lang hindi nya ito nabitawan kanina. Iginiya sya nito paupo sa isang malapit na upuan at hindi na pinansin ang mga taong muling bumalik na sa kani kanilang pinagkakaabalahan.
"Eh ano ba kasing iniaarte mo kanina? Bigla bigla ka na lang nang iiwan?"
"Ang bully mo kasi." parang bata nitong saad.
"Woah, pikon yern?" pang aasar nya pa rito. "Halika nga rito, mukhang kulang ka lang sa lambing." saad nya sabay yakap rito.
Dumating ang araw ng birthday ng mama ni Daven, at totoo ngang napakabait ng mga ito. Welcome na welcome sya sa pamilya nito at nalaman rin nyang first time pala ni Daven magsama at magpakilala ng girlfriend kaya nakatikim ito ng pang aasar mula sa mga pinsan. Nagpahaging pa nga na kung kelan daw ang kasal.
"So iho, kelan nyo ba balak magpakasal?" walang pakundangang tanong ng mama nito.
nagkanda samid samid pa sya at agad inabutan ni Daven ng maiinom na tubig.
Kasal? Agad agad?
"Mom" saway ni Daven sa ina.
“Chef Tine” pagpukaw na nakapagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Dala pa ang ngiti sa mga labi dahil sa naalala, nang harapin nya ang kasamahan
“Oy, bakit? Tanong nya
“pinapatawag ka po ni Chef Althea”. Nagtataka man ay tumango na lamang sya sa katrabaho.
**
“Is that true, Ms. Saavedra?”
Tila napako naman sya sa kinatatayuan dahil sa tanong ng Superior.
“A-ah, ehh Chef.” Hindi nya malaman ang isasagot. “off course not Chef,” Alanganin nya pang sagot.
“Well, mabuti naman. Let’s be professional here Tine, at gusto ko ulit ipaalala ang work ethics and Company policies.” Paalala nito. “Yes Chef alam ko naman po yun.”
“you can leave na.” pagtatapos nito sa usapan. Well, ipinatawag lang naman sya para kompermahin ang chismis daw na umabot sa matalas nitong pandinig, may nabalitaan daw kasi itong “SILA” dawn g kanyang katrabahong si Daven. Well, alangan namang umamin sya, hindi nya ipagsasapalaran ang Career nya over some game na hindi nya alam kung ano ba ang patutunguhan. Malamang na ikapahamak nya pa kapag lumala ang balita na umabot na nga sa Superior nya. Nasa company policies kasi na bawal makipagrelasyon sa kahit na sino sa kapwa empleyado. Ewan nya ba, bakit may ganung polisiya pa ehh, wala naman kinalaman sa trabaho iyon. Uhhh! Sino naman kasing damuho ang nakapagsabi noon kay Chef. Ehhh muntik na akong pamahamak at mawalan ng trabaho. Bulong nya sa sarili.