Matuling lumipas ang mga araw magmula ng matapos ang kanilang team building, and that unforgettable night with Daven. Heto sila ngayon at sobrang busy na ulit at back to normal life. Back to operation na ulit sila, aba, galaw galaw talaga dapat para makabawi doon sa ginastos noong nakaraan. Pambihira talaga si Boss, galante nga sana, pero mas lamang parin talaga ang pagiging business minded ng negosyanteng ito uh-uh.. Dahil daw nag enjoy naman kami nong teambuilding, kailangan daw naming bumawi para makaulit daw muli kami. Hay nako, buti na lang mahal naming ang kanya kanyang trabaho. Syempre pati na rin ang mga kasamahan. We’re like families here, you know. Inikot ikot nya ang kanyang ulo matapos tanggalin ang salamin sa mata, nananakit na ang batok nya dahil sa sobrang ngalay, sinabayan pa ng kanyang mata na nananakit na rin dahil sa ilang oras nyang pagtutok sa monitor ng computer. Katatapos nya lang gumawa ng monthly inventory report. Time Check! 10 o’clock in the evening na. Sa wakas, makakapagpahinga na sya. Bigla na lang syang na excite dahil sa isiping maya maya lang , darating na si Daven. “Namiss kaya ako ng mokong na iyon?” tanong nya sa sarili. “Asan na kaya sya, bakit ang tagal naman nya atang dumating ngayon.”di sya mapakali sa kinauupuan. Nangalumbaba sya at napasimangot bigla ng maalalang ilang araw na nga pala nya itong hindi nakakausap ng maayos dahil sa dami ng kani kanilang mga ginagawa. More on endorsement lang ang kanilang palaging napag uusapan in very limited times pa. Naalala nya pa habang ginagalaw galaw ang swivel chair na kinauupuan, nang mabalik sila ng resort ay panay kantyaw ang kanilang inabot mula sa mga kasamahan. Ang daming tanong ng mga ito at panay ang panunukso sa kanila, na hindi naman nila pinatulan. Nginingitian lamang niya ito, subali’t ang makulit na si Daven ay panay painggit sa mga kaibigang kasamahan. Kaya napapailing na lamang sya rito. Yes! Sila na nga officially,pero secret lang natin ito huh? Wala kasing pagdadalawang isip nyang tinanggap ang alok ng binata. But! Ito huh, may pero, she requested na kung maaari ay secret lang muna. Ayaw nya kasing pagtampulan sila ng tukso lalo na kapag nasa trabaho sila. Dapat professional parin. Pero sa kabilang banda, naaalangan pa rin sya dahil sa itinakbo na kanilang usapan. It’s not that, ayaw nya, ehh bakit kasi ngayon nya lang narealize ang mga bagay bagay. Mukha yatang sya ang lugi sa napag usapan nila ah.
“Ayaw mo ba?” tanong sa kanya ng binata.
“Daven, ano ba yang pinagsasabi mo.? Can’t you see? Kagagaling ko lang sa break up, bigyan mo naman muna ako ng time para mag moment noh?” masungit nyang sagot rito.
“Ano ba naman yan Tine, hindi ka na bata para mag emote emote pa.”kontra naman nito. “Di sayo bagay, nagmumukha kang sira jan.” pang aasar pa nitong lalo. “Grab it na Tine, once in a life time lang may magkamaling mag alok sayo nito, at swerte mo pa. Ako ang taong yun.” Makulit nitong pahayag.
Hinampas naman nya ito ng unan na agad rin namang nitong naharang. “Kapal” umiirap naman nyang sagot rito.
**
“Come on Tine, don’t tell me, umaasa ka pa rin na babalikan ka ni mighty ex mo?” “masaya na yon sa magiging pamilya nya” pangungumbinse naman nito. “Teka nga Daven, hindi porket tinatanggihan kita ehh ibig sabihin na noon ehh umaasa pa rin ako sa mokong na ex kong iyon. Can’t you understand? Ang gusto ko lang, magpahinga muna, mag moment. Pero sinisira mo.” Sabay hampas ulit nang may panggigil sa pagmumukha ng binata. Tatawa tawa naman ang loko. Uhhh! Sira talaga ang ulo ng isang ito. Lalo naman syang nanggigil, at dahil sa sobrang inis, iniwan nya na ito sa kinauupuan nitong sofa at mas piniling mahiga na lag sa kamang nasa likuran. “Ewan ko nga sayo, Daven, nakakapikon ka na.” nagdadabog nyang sabi habang papunta sa higaan. Minus 1point ka sa akin. Akala mo makakaporma ka talaga akin. Nek Nek mo!!! Bubulong bulong nya habang inaayos na ang kanyang hihigaan. “Lumabas ka na, Daven, inaantok na ako, kaw na lang mag lock ng pinto. Ang sakit mo sa bangs”
Handa na syang pumikit ng biglang may yumakap sa kanyang likuran. Huh! Kainis, bakit ba masyadong madikit ang taong ito “Sorry” bulong nito. Bigla naman nanayo ang kanyang balahibo dahil sa ginawi ng binata. “ano ba Daven, bumalik ka na sa kwarto mo. Napagod talaga ako sa buong maghapon, gusto ko na magpahinga” defensive nyang sabi rito.
“Ehhh, sorry na nga, hindi na kita pipilitin.” Pag aasure naman ng binata. “Basta wag ka nang magsungit jan. baka mamaya nyan, tuluyan na akong hindi makaporma sayo,” pagbibiro nito. Sabay dampi ng maliit na halik sa kanyang tenga. Kinilabutan naman syang lalo. “Ano ba Daven, lumayo layo ka nga. Kinikilabutan ako sayo, maghunos dili ka nga. Hindi nga ako pumayag sa offer mo, hinaharass mo naman ako” di mapakali nyang sabi kaya’t bigla nya itong naitulak at malakas na nahulog sa sahig, agad syang tumayo para makahiwalay rito. “Ouch!” sapo ang likuran nang harapin nya ito. “ang sadista naman ng wifey ko” reklamong saad ng binata. Nanlaki naman ang kanyang mga mata ng makita ang pagkasira ng mukha ng binata, siguro nga nasaktan ito. Agad nya itong dinaluhan para tulungang makatayo. “Anong pinagsasasabi mo jan huh, wifey mo mukha mo.” Reklamo nya habang tinutulungan ang binatang makatayo at makaupo sa gilid ng kama. “Alam mo ikaw, ang lakas talaga ng self confidence mo. Kilabutan ka naman sa mga lumalabas jan sa bibig mo.”patuloy nya. “mamaya nyan may makarinig pa sayo, isipin pang totoo ang pinagsasabi mo. At hoy, hindi ako marupok huh” reklamo nya sabay turo dito. Napatawa naman ang binata “Really?” sabi nito, “o-“ ngunit bago pa man sya makasagot ay nasakop na nito ang kanyang mga labi. Ngingisi ngisi and damuho matapos ang mabilisang halik nito sa kanya. “kaya pala sa tuwing hinahalikan kita, ehhh sarap na sarap ka.” Sabay kindat rito. “walanjo ka” hahampasin nanaman sana nya ito ng mahagip na nito ang kanyang dalawang kamay. “remember what you told me sa cottage kanina”he smirked after a while ng maalala ang naganap sa dinner date nila.
“hmmp! Ewan ko sayo Daven. Umalis ka na nga, nakakarami ka na huh” namumula nyang putol sa sasabihin pa sana sa binata. “but you confess to me Tine, na nagustuhan mo rin iyon. So, why don’t we try, huh,”tumayo sya at inabot ang baba ng dalaga upang itaas at ipagsalubong ang kanilang mga titig. “Let’s try tine, promise, walang makakaalam. Tayo lang dalawa hanggang sa mag click tayo, at kung hindi man. Promise, wala pa rin makakaalam.” Mapupungay ang matang pakiusap nito sa kanya.
“let’s call it a love game, no commitment at first, kung iyan ang makakagaan sa kalooban mo. Basta let’s try Tine. And I promise, satin lang dalawa ito.”
***
Uhh d ba nakakaloka. Sa hinaba haba ng pagtanggi nya, napapayag din sya.
“Ay naloko na!!” biglang bulalas nya ng may biglang humalik sa batok nya. She knows it who’s who.
“Daven! Ano ba, basta ka na lang jan nanggugulat! “ inis nyang sabi sabay tulak palayo sa binata. “may makakita pa satin nyan ehh, manners naman. Manners!” umirap irap sya dahil naiinis na talaga sya rito. Bakit kasi ngayon lang ito dumating ehh, nakapag flashback na nga sya’t lahat. Pero teka, bakit hindi pa ito nakauniform? “teka teka nga, bakit hindi ka pa nakauniform. Duty mo na ahh,?” nagtataka talaga sya.
“Wifey, FYI po day off ko ngayon. So, that’s mean. Bukas pa po ng gabi ang duty ko.” Pagpapaliwanag nito. “So, tara na. May hinatid lang ako kay Chef, ipinaabot ng pinsan nya. Kaya dumiretso na ako rito. Tara na, sabay na tayo.” Malambing nitong paliwanag sa kanya sabay hila na sa kanya palabas ng opisina. Natuliro naman sya. “Teka teka, mauna kana. Hintayin mo na lang ako sa labas. Baka may makakita pa satin.” Maagap nyang binawi ang kamay na hawak na nito. Bumunting hininga naman ito, “Fine, bilisan mo.” Iniwan na sya nito. Dali dali naman nyang inayos ang mga gamit at mabilis na nag endorse sa reliever chef ng binata.
Nagmamadali syang nagbihis at lumabas na nang bigkang may humatak sa kanya sa medyo madilim na bahagi ng mess hall. Its Daven! “I miss You” malambing nitong saad habang hinahalikan ang kanyang buhok. “Uhm, tara na” bigla naman syang nailang. “uhhhh” ungol naman nito. “hindi mob a ako na miss?” may pagtatampo sa boses nito. “ ano ba Daven, mamaya na nga iyan, mamaya may--“
“makakita pa sa’tin,” putol nito sa kanyang sasabihin. “Yeah, Yeah ,Yeah. Whatever! Tara na nga!” masungit nitong putol. Nauna na ito sa kanya at paka ilang Segundo lang ay sumunod na sya. Dumiretso na ito sa waiting area at kinalikot ang sariling selpon habang sya ay hinahanap ang sariling time card para sana mag time out sa badge clock na nasa may gilid ng makita nyang naka out na pala sya. Iiling iling nya na lamang ibinalik ang time card sa lagayan nito. Mr. Tupak talaga. Pagkarating ng shuttle ay agad na siyang pumasok sa loob at umupo sa may bandang bintana. Nauna syang pumasok sa binata dahil may kinakausap pa ito sa selpon at halatang badtrip dahil nakasimangot pa ito ng balingan nya at ang mokong, inirapan pa sya. Problema non? Ewan ko nga sayo. Wag mo akong gaganyanin ganitong pagod ako, baka masamain kita jan. “Hmmm” mainis nga lalo, naupo sya sa kahilirang upuan na kinauupuan ng stockman namin na masugid kong manliligaw. Sinasabi ko saiyo Daven mamasamain ka sakin. Bulong nya sa sariling isip. Ngingiti ngiti naman sya ng makitang hinahanap sya nito, medyo may kalakihan din kasi itong shuttle namin, ehh nandito pa naman ako sa 3rd to the last row ng mga upuang two setters. Agad na napasimangot ito ng makita sya at mapansing kahilira ang kinauupuan ng kinakainisan nyang katrabaho. Inismiran nya lang ito. Kala mo huh, wag ako hoy!
Umupo ito sa upuan na nasa unahan nya sabay hablot sa kanyang kamay . Aba! Mabilis syang lumipat at baka may makakita pang magkahawak kamay sila. Pinapwesto sya nito sa may bintana at ito ay sa may hulugan, agad sya nito hinarap, nakasimangot. “ano bang problema mo, Garcia” inis nyang tanong rito.umirap muna ito bago sumagot. “ano ring problema mo Saavedra. Bakit hindi mo ako hinintay bago umakyat?” hala, feeler besh? “teka nga, bakit k aba nagagalit, ehh sa busy ka kanina ehh, alangan naman hintayin pa kita. Di ba nakaakyat ka naman ka naman dito.” Mahina ngunit mariin nyang banat sa binata. Kanina pa ito ahhh, kala mo may dalaw, daig pa ako. “Hsss” tanging sagot nito at halatang naiinis. Sus basic! Style ng mokong na ito, ayaw pa sabihin, gusto lang magpalambing ehh.
Ipinulupot na lamang nya ang mga braso sa braso ng binata sabay patong ng ulo sa balikat nito. Nagulat naman ito at binalingan syang nakasimangot pa rin. Tinaasan nya lamang ito ng kilay at akmang aalisin ang pagkakapulopot ng mabilis sya nitong hagkan sa labi. May katagalan ito at naputol lamang ng marinig nila na umakyat na ang driver. “Ikaw naman, di kana mabiro.” Bulong sa kanya ng binata sabay pulupot ng kaliwang braso sa kanyang bewang. At dahil sa pagod, nakaidlip sya sa buong byahe, nagising na lamang sya na nasa parking lot na sila at iginiya na sya ng binata na tumayo. Pinauna sya nitong bumaba bago ito sumunod. Hindi na nya ito hinintay at patuloy sa mabagal na paglalakad , tyak naman na maaabutan sya nito. At tama nga sya. Ang mokong ngingiti ngiti habang nakaakbay sa kanya. Ginawaran pa sya nito ng mabilis na halik sa pisngi. Natampal na lamang nya ang kamay nitong nasa balikat nya. “ikaw tupak ka talaga eh noh, gusto mo lang tsumansing ehhh” pabiro nyang sabi rito. “syempre wifey, nagpapalambing lang ako sayo, ako na lang kasing palaging naglalambing ehh, aba, kilos kilos din pag may time.” Ganting biro nito sa kanya. Nagpatuloy sila sa pagbibiruan habang palabas ng gate.
“Hi lovers!”
Bigla naman syang nanlamig dahil sa pamilyar na boses. Nang magtaas sya ng tingin, ang nakakalokong ngisi ang bumungad sa kanya. At pagbaling ki Daven ay nagkibit balikat lamang ito.
Patay!!