“Exclusive date with candle light at Viancel Island at 7pm”
“is this Real? As in for REAL??”
Namamanghang binasa nya sa isang gift card na iniabot sa kanila ng mismong may ari ng resort na kanilang kinaroroonan ngayon.At dahil birthday pala nito ngayon ay naisipan nitong iyon ang gawing premyo sa mananalong partner sa huling game ng araw na iyon. Yeah, hindi kayo nagkakamali. Sa dinami dami nilang kalahok, sila pa talaga ni Daven ang nanalo sa Eating apple contest na iyon. Pambihira,pero infairness, sports pala itong mokong na ito, at mautak din, sya ang pinaubos ng apple habang ito naman ang kumakagat roon para pigilan sa paggalaw at para daw bwelo nyang maubos. Haist dahil nabusog na ako sa apple na iyon. Baka hindi na ako makapag dinner mamaya.
Paalis na sana sya ng venue ng magsalita si Daven.
“susunduin kita mamayang 6pm, para sabay na tayong pumunta sa maghahatid sa atin sa isla” nakangiti nitong sabi sa kanya.
“there’s no need Mr. Garcia, kaya ko ang sarili ko” pagtanggi nya.
“But I insist, Tine, just be ready before 6:30pm. Para sabay na tayong pupunta sa maghahatid sating balsa. Just wear what’s comforts you.” Panapos nito bago pa man sya makatanggi at nagpatiuna na.
“But-“
Tanging pagtaas na lang ng kamay ni Daven ang isinagot nito bilang pagputol sa kanyang sasabihin.
Malalim na buntong ang kanyang pinakawalan bago tinahak ang daan pabalik sa kanyang silid.
Dahil medyo maaga pa naman ay napagpasyahan nya munang magbabad sa bubble bath ng ilang minuto bago simulang magbihis at mag ayos ng sarili. Napili nyang magsuot ng isang simpleng bohemian dress na halos lampas tuhod ang haba at tenernuhan ng isang simpleng flat sandals. Hindi na sya nag abalang maglagay ng kulorete sa mukha at inilugay ang kanyang buhok na mahaba. Nagdala na din sya ng ilang pirasong pamalit na bihisan, baka sakaling magustuhan nyang maligo ay mabuti na ang pasigurado.
Palabas na sya ng kanyang silid ng mamataan ang papalapit ng binata. Nakasuot rin lang ito ng isang casual white polo shirt na nakatupi ang magkabilag dulo hanggang sa siko nito at ternernuhan ng isang white maong short at naka sandals lang din ito. Nakapasimple pero nangingibabaw parin ang kagwapuhan nito. Napaka fresh tingnan at parang ang bango bango. Nag wave pa ito sa kanya ng makita sya nito at hindi nabubura ang ngiti sa mga labi ng salubungin sya nito.
“Hi there, let’s go.” Sabay kuha ng maliit na duffle bag nyang hawak sa kanan at nang makuha nito ay agad namang hinawakan ang kanyang nabakanteng kamay at iginiya na sya patungo sa dalampasigan kung saan naghihintay ang kanilang sasakyang balsa na syang maghahatid sa kanila sa kabilang isla. Hindi na nya nagawang tumutol pa sa ikinilos ng binata at nagpatangay na lang sa kakaibang excitement na kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Mababakas rin sa mata ng binata na nag eenjoy ito sa sitwasyon.
Nang makarating na sila sa kabilang isla ay agad rin namang umalis pabalik ang balsang naghatid sa kanila. One of the manager of that private island welcomed them and ushered to designated cottage. Iba’t ibang Seafoods dishes ang nasa hapag, sizzling seafoods, baked mussels, at iba’t ibang grilled seafood sang nakahain doon. Natakam naman sya dahil favorite nya ang lahat ng naroon. Napapitlag sya ng dumampi ang palad ng binata sa kanyang bewang upang igiya sya patungo sa kanyang upuan at ipinanghila pa sya nito. Bago tuluyang makaupo ay ginawaran pa sya nito ng mabilisang halik sa pisngi na sya naman nyang ikinapula.
”you’re so cute while blushing” panunundyo pa nito sa kanya. Nangingiti nya na lamang itong inirapan habang paupo na rin sa kabilang upuan. Ayaw nyang masira ang momentum kaya’t papalampasin nya na muna ang kapangahasan ng binata.
“well, dahil ayokong masira ang mood ko, papalampasin ko ang kapilyuhan mong iyan Mr. Garcia” may ngiting saad nya.
“its my pleasure to pleased you, Miss Beautiful” may ningning sa matang sagot nito. Habang kumakain ay masaya silang nagkukwentuhan ng lalake. Napaka cool nitong kausap, well, may sense of humor din naman kahit papano. Hindi niya na namamalayan na unti unti na syang nagiging komportable sa presensya nito. Kung ano ano ang kanilang napagkwentuhan at paminsan minsan ay nagtatawanan sila at hindi na namalayan ang oras. Tumunog ang cellphone nito at dahil medyo napatagal ang atensyon nito sa cellphone na hawak, malaya nya itong napagmasdan ng mga oras na iyon. Ang lakas pala ng charm nito, ngayon nya lang napansin, mula sa di kahabaang almond wavy hair na animo’y sinadyang guluhin, pababa sa maningning na pagkachinitong pares ng mga mata, hanggang sa matangos na ilong ay bumaba ang kanyang paningin sa natural na mapupulang labi. Biglang nanuyo’t ang kanyang lalamunan ng maalala na minsan na nya itong natikman. Napainom sya ng dahil sa naalaala. My Gosh, pinagsasamantalahan ko na si Daven sa isip ko.
Agad namang napadako ang kanyang paningin sa binata ng marinig nya itong tumawa ng mahina. S**t nahuli nya ako.
“at anong nakakatawa?” masungit nyang tanong.
“well, if you’re not really aware Miss Tine, you’re blushing.” Tumatawang sagot nito sa kanya. “and I really like it” may ngiti pa sa labing saad nito sabay kindat. “ano ba kasing nasa isip mo at kanina ka pa namumula?” may panunudyo sa boses nito.
“W-wala” nahihiyang sagot nya. Sabay iwas ng tingin.
“baka naman pinagpapantasyahan mo na ako in the back of your mind huh?” patuloy na pang aasar nito na umaabot na hanggang sa mata ang ngiti nito.
“ha.ha.ha. in your dream” may ngiti ring sa labing sagot nya dito. “Kapal mo din ano?” napakagaan ng pakiramdam nya sa lalaking ito.
“pwede naman nating totohanin” biglang seryosong sabi nito.
“h-huh? Ang a-alin?” naguguluhang tanong nya.
“That. Of what your thingking” sa ngayon ay mataman na sya nitong tinititigan. Bigla syang nailang sa paraan ng pagtitig nito sa kanya, ngunit hindi nya ipinahalata na apektado sya. Sinalubong nya ito.
“What do you think of what I am thingking Daven?” lakas loob nyang salubong dito.
“Try me, Tine” may paghahamon sa boses nito.
Ilang sandali pa silang nagsukatan ng tingin bago sya ang unang bumawi dahil hindi nya nakayanan ang mga titig nitong nagiging dahilan ng pagwawala ng sistema nya.
Tumikhim ang binata upang pawiin ang namuong tension. Nginitian na lamang sya nito.
Pagka maya maya pa ay pumailanlang na ang mabining tunog na nagmumula sa orchestra na nasa may bandang gilid ng kanilang cottage. Tumayo ang binata at lumapit sa kanya upang ayain syang sumayaw.
Kahit nahihiya ay wala syang idadahilan upang tanggihan ito, gusto nyang sulitin ang gabi.
Inabot nya ang nakalahad nitong kamay at automatikong pumulupot ang kanyang braso sa leeg nito at sya namang paghapit sa kanya ng binata. Napakalapit nila sa isa’t isa at napaka intimate. Ramdam na ramdam nya ang animo’y dagang naghahabulan sa kanyang dibdib ng igiya sya nitong sumabay sa malamyos na tugtugin. Tila tumigil naman ang pagtakbo ng oras at parang sila lang ang naroroon sa mga oras na iyon ng idikit ng binata ang noo nito sa kanyang noo. Napapikit na rin sya dahil sa kakaibang saya. Saying hindi nya alam kung bakit at paano.
“I’ll really enjoying this moment, Tine” nakapikit nitong saad. Agad nyang nalanghap ang mabangong hininga nito. Kinikilig sya.
“Me too.” Pagsang ayon nya naman sa binata. Mas lalo sya nitong hinapit ng isang kamay at naramdaman nya na lamang ng haplusin nito ang kanyang pisngi. Napamulat sya at nasalubong ang mapupungay nitong mga mata na animo’y nangungusap. Dumako rin ang mga mata nito sa kanyang mga labi.
Dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman, hindi na nya napigil ang kanyang sarili. Kinabig na nya ang batok nito at binigyan ng isang mabining halik ang lalake na agad naman nitong tinugon. Dalang dala na sya ng mga oras na iyon at hindi na nya namamalayang hinahaplos na nya ang malambot na buhok ng lalake habang hinahagod na rin nito ang kaniyang likod. Habol pareho ang hininga ng maghiwalay ang kanilang mga labi. Nakatitig lamang sila sa isa’t isa at tila nagkakaunawaan ng sabay na mapangiti sa isa’t isa.
“You’re so impossible Daven” nailing nyang saad dito ngunit nakangiti.
“Yes I am, Tine” abot mata namang ngiti nito.
Tiningnan nya ang kanyang white gold wrist watch. “It’s already late” saad nya habang kumakalas sa binata. Pasado alas onse na ng gabi. Ganun ba talaga sya nag enjoy kaya pati oras hindi na nya namalayan. “Balik na ako sa kwarto ko” sabay tapik sa balikat ng binata kasi parang wala pa itong balak na binatawan sya.
“yeah, ihahatid na kita.” Nangingiti naman nitong saad sa kanya. Bumaba ang kamay nito mula sa kanyang bewang patungo sa kanyang kamay at agad itong ginagap.
Sinulyapan nya itong nakataas ang kilay. “Seriously Daven?”.
“Huwag ka ng umangal, minsan lang ito eh” abot langit na naman ang mga ngiti nito habang inaalalayan sya nito sa paglalakad.
“nakakarami ka na huh”. Di rin mapigil ang kanyang mga ngiti dahil sa kilig. Pinisil nito ang kanyang kamay na gagap pa rin nito sabay ang mapang akit na mga ngiti. “Hey! stop doing that.”sabi nya kasunod ng mahinang hampas sa balikat nito. “Doing what?” kunwa’y patay malisya nitong baling sa kanya. “Wala naman akong ginagawa ahh” depensa pa sa sarili habang ngingiti ngiti.
Hanggang sa makarating na sila sa kanyang silid ay hindi talaga nito binitawan ang kanyang kamay. And take note, naka intertwine pa talaga sila, na animo’y mag jowa kung titingnan. Ops! Know your limit Tine. Paalala naman ng kanyang utak. Napaka kontrabida talaga ng utak kong ito. Naiiling na lamang sya dahil sa naiisip. Ngunit napapangiti na rin. Para na syang baliw kapag kasama nya ang lalaking ito.
“Mister, ang kamay ko po”pag nguso nya sa kamay nila. “baka naman pwede ko na pong bawiin”
“Haist ! Ayoko pa” pagmamaktol nito. “Pwede bang mamaya ka na pumasok” nakapout nitong saad. “hindi ka pa naman inaantok diba?” pinisil pisil pa nito ang kanyang kamay na hawak.
“okey Fine” pagsuko nya. “But, pwede bang mahiram ko muna ang kamay ko.” Turo nya sa kamay na hawak hawak pa rin nito. “para makapasok tayo sa loob, mag movie marathon na lang tayo.” Biglang lumiwanag naman ang mukha nito dahil sa sinabi nya at binitawan na sya.Napapailing na lang habang isinusuot ang susi sa seradura. Nang makapasok sila ay agad naman sya nitong niyakap mula sa likod at ipinatong ang ulo sa kanyang balikat. “Hey mister, pwede ba pagpalitin mo na muna ako ng damit.” Sabi nya habang hinahaplos ang buhok nitong ang lambot lambot.
“Okey, make it fast”umupo ito sa sofa katapat ng isang flat screen tv at binuksan ito at agad na naghanap ng movie. Sya naman ay agad kumuha ng pares ng pajama sa kanyang doffle bag at dumiretso sa banyo. After 5minutes ay lumabas na sya. Dumiretso muna sya sa mini ref na nasa kwarto at kumuha ng beer in can na naroon saka iniabot sa binata at umupo sa katabi nito. “Thanks” sabay bukas ng beer. Agad nito iyong tinungga bago umakbay sa kanya. Tahimik lamang silang nanonood ng magsalita ito.
“uhm, Tine” medyo alangin nitong panimula. Sinulyapan naman nya agad ito. “After this, can I invite you when we got back to the city?” hindi naman agad sya nakasagot at muling ibinalik ang atensyon sa pinapanood. “Tine” pag agaw atensyon nito sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi. “H-huh?” muli syang napaharap rito. “I want to introduce you to my parents” “U-uhh, ano k-kasi”. Di nya alam ang isasagot. Kinakabahan sya. “But, Why?” naguguluhang tanong nya. “Gusto kong makilala ka nila” seryosong saad nito. “I want you”diretsong saad nito.”And I’m serious about it.” “Pero Daven, kelan lang tayo nagkakilala” kunot noong sagot nya rito. “Hindi ba masyadong mabilis naman yata?”habang inaalis ang kamay nitong nasa pisngi pa rin niya. “Ni ilang buwan pa nga lang tayong magkakilala.” confuse pa rin sya. “Does it matter, tine.? Hindi naman mahalaga kung gano katagal o gano pa natin kakilala ang isang tao as long as I have feelings for you.” Litanya pa nito. “the matter is that” pagbitin nito sa sasabihin. “I like you already”. Pagpatuloy nito. “and I want to introduce you to my parents, for formality, off course.” Nakangiti na nitong saad. Nailing na lamang nya itong pinagmasadan. Maya maya’y napangiti na rin sya. Bakit ba ang hirap tanggihan ng taong ito. Bulong nya sa sarili. Tumango sya. “Okey” matamis na ngiting hinaplos din nya ang mukha nitong lumapit pa sa kanya lalo ng umoo sya. Nagniningning ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. “Your so impossible talaga Mr. Garcia. Ginayuma mo ata ako eh, your so unresistable” saad nya bago ginawaran ng mababaw na halik ang binata. Ngunit bago pa sya makalayo ay nakabig na nito ang kanyang batok upang mas mapalalim pa ang halik. Hindi na rin naman sya nakatanggi dahil sa kakaibang sensasyong lumukob sa kanyang pagkatao ng magsimula ng gumalugad ang dila nito sa loob ng kanyang bibig. Awtomatiko naman nyang naipulupot ang kanyang mga braso sa leeg nito. Habol ang hininga ng sila’y maghiwalay.
“I have to tell you something” panimula nya ng hindi pa rin inaalis ang pagkakawit ng mga braso sa leeg. “Uhuh” tanging sagot ng binata habang ginagawaran sya ng mabining halik sa kanyang leeg. Habang ang mga kamay ay malayang humahaplos sa kanyang likuran. Nanindig ang kanyang balahibo ng umakyat ang labi nito sa likod ng kanyang tainga. Doon sya nito kinikintalan ng mamasa masang halik na sya namang naging dahilan pag init ng katawan. Tumikhim sya para mawala ang bikig sa lalamunan. “T-teka Daven-“ bahagya nyang itinulak ang binata. “Fine”nakangiti at taas ang dalawang kamay ng bumitaw ito sa kanya. Inirapan naman nya ito. “Break na kami ni Justine.” Pag amin nya. “I know” mabilis nitong sagot. “Alam mo?”nagtatakang tanong nya. “ Pero pano? Eh umalis naman na agad sya after he confess, at wala akong maalala na nagkita na kayo, at imposible naman na nagkausap agag kayo.” Taas ang kilay nyang baling rito.
“I have my ways” nakakalokong sagot nito sa kanya. “saka, kapag ikaw ang usapan, mabilis ako. Boyscout to noh” pagmamayabang pa nito habang nakaturo sa sarili. “Ikaw na talaga Daven.” Di makapaniwala.
Di nila namalayan ang oras dahil sa enjoy na enjoy sila sa pagkukwentuhan. Ginamit nila ang chance na ito para mas makilala pa ang isa’t isa. At sa maikling panahon na magkasama sila. Halos naikwento na nila sa isa’t isa ang mahahalagang parte sa buhay nila. Hindi na masama, dahil tama naman ito, hindi mahalaga ang tagal ng pagkakakilanlan ng bawat isa. Ang mahalaga, nagkakaunawaan sila at kahit hindi man magsalita ang bawat isa, feeling nila, ang tagal tagal na nilang magkakilala dahil ang daming bagay na napagkakasunduan nila. Napakasaya nya ngayon at hindi alintana ang masamang nangyari nitong mga nakaraang araw…