“I’m so tired” sabi nya habang hinihimas ang batok na kanina pa masakit.
Fully operation sila ngayon dahil sa dami ng guest nila ngayon. Kabi kabilaan ang mga events at ang kanilang restaurant ang napili ng mga ito for reservation. Weddings, engagement parties and also sa mga birthday parties ay sila ang kinukuha ng mga organizer. Halos mag iisang lingo na silang ganito ang operation. Halos araw araw, iba iba ang nagpapaset for reservation sa kanilang resto. They cannot accept walk at this time, dahil binayaran ang buong venue for some private occasions.
Its already 12midnight at nandito sya ngayon sa opisina at tinatapos ang financial reports para sa gaganaping team building ng kanilang restaurant. Sya ang inatasan ng Head para gumawa nito dahil masyado rin itong busy sa kabi kabilaang meeting na dinadaluhan para sa mga susunod pang mga events.
Overtime na naman sya. 1week straight na silang ganito ng mga kasamahang supervisor. They can’t even take a day off dahil sa pressure sa trabaho. Madalang na rin nyang Makita at makausap man lang ang mga kaibigan kahit na rin si Daven kahit magkasama na sila sa duty at magkasama sa opisina ay hindi na nya nagagawang makausap ito dahil sa sobrang busy at pressure na din sa trabaho. May kanya kanya silang kinahaharap na pending task kaya wala sa oras nila ang magkakumustahan man lang. They only talk to each other kung tungkol lang sa trabaho.
“Really tired huh?” si Daven
“Yeah, Sobra. I think I really need this upcoming teambuilding para makapagrelax talaga tayong lahat dulot ng super hectic ng sched,”sabi nya habang hinihilot ang sintido. Sobrang sakit na rin ng mata nya dahil buong maghapon na syang nakaharap sa computer. May mga on-calls naman silang pastry chef kaya ito na muna ang iniassigned sa pantry section at sya naman ay inilipat pansamantala sa opisina para tulungan si Daven gumawa ng mga reports.
“Sasama ka ba?”tanong ng binata.
“I don’t know. Luluwas kasi dito si Justine ehh. We have a plan na papasyal kami ng Batangas to visit his parents there. Kaya hindi ko pa sure kung makakahabol ako.”
He chuckled and simply smile bago lumabas saglit ng opisina at ng bumalik ay may dala na itong umuusok pang soya coffee.
“Here, for you to relax. I know soya can do”abot nito habang nakangiti sa kanya.
“thank you, hmmm ang bango. Amoy pa lang nakakarelax na.” saad nya habang nilalanghap ang aroma bago sumimsim ditto.
“Justine?pinsan mo?”
“no, My boyfriend”maikling sagot naman nya.
Tumango tango ito
“I heard sa meeting, batangas din ang venue ng team building natin”
“wow talaga”?
“uh-uh, you can invite him, kasi napag usapan naman sa meeting na pwedeng magsama ng isang bisita bawat empleyado.”
“that’s great. Ikaw may isasama ka bang bisita? a Friend or…. girlfriend?” nakangiti nyang tanong.
Ngumisi ito bago sumagot.
“meron” maikling sagot rin nito sabay halik sa pisngi nya bago lumabas ng opisina.
Anak ng….ano yun..nabulabog na naman ang buong sistema nya dahil sa epektong hatid ng simpleng halik ng mokong na ito. Bigla naman syang nalungkot sa narinig. Nako nako Celestine, anong drama mo huh. Magtigil ka nga jan, may boyfriend ka na uh, bakit apektado ka? Wag kang assuming. Sadyang playboy lang talaga ang Garcia na iyan.
Ipinilig na lang nya ang ulo upang iwaksi ang kani kanina lang na nangyari.
***
“tine, tara na magswimming na tayo” aya sa kanya ng kaibigang si Caren.
Nandito na sila ngayon sa isang private resort sa batangas na pagmamay ari pala ng kapatid ni Chef Althea. Isinama na rin nya dito si Justine para ipakilala sa mga kaibigan.
“sige susunod na kami”
“tara na Hon, ligo na tayo.” Pag aya nya sa katipan.
“Sige mauna ka na. Balik muna ako sa kwarto para magpalit ng pangligo”
“sige, sumunod ka kaagad huh”
Tumango lang si Justine at hinalikan sya sa pisngi bago maglakad pabalik ng kwarto.
Hiwalay ang kwarto ng babae sa mga lalake. Wala naman yon problema sa kanila. Pero yong iba nyang kasamahang may kanya kanyang kasamang kasintahan ay mas piniling kumuha ng ibang kwarto kasama ang kani kanilang boyfriends and girlfriends.
Yeah, almost of her workmates ay kasintahan ang isinama. Para masulit naman daw nila ang bakasyon. Pero sila ni Justine ay magkahiwalay ang tinutuluyan. Gusto rin sana nito na magkasama sila sa kwarto, but she insisted. At hindi na rin naman sya nito pinilit.
Silang dalawa ni Caren ang magkasama sa kwarto at si Mark at Daven naman ang magkasama sa kwarto. Pero hanggang ngayon ay hindi nya pa nakikita ang binata. Siguro malilate ito ng dating pero sigurado naman daw na susunod ito. Old fashioned din kasi ang paniniwala ng kaibigan kaya magkasundo talaga sila.
“Tine, nakita mo na ba si Daven?” tanong sa kanya ng kaibigan.
“UHm hindi pa nga ehh, pero sabi nya noong nakaraan, sasama daw sya, baka may sinundo pa iyon na kasama nyang bisita. Pero teka bakit nga kaya wala pa sila?” pero teka rin, bakit malungkot ka? Tanong naman sa kanya ng kabilang utak.
“Uh Hi, Justine right?” napabalik sa sariling katinuan ng marinig ang pagbati ng kaibigan sa kanyang kasama.
“caren nga pala, tine’s bestfriend.” Sabay lahad at nakipag handshake sa lalaki.
“Nice to meet you”
Maya maya pa ay dumating na si Mark pero hindi nito kasama si Daven.
“hi hon, sorry medyo natagalan ako.” Sabay halik sa pisngi ni Caren at yumakap mula sa likuran nito. Bumaling naman ang paningin ng bagong dating kay Justine.
“Hi bro, Mark”
“Justine, boyfriend ni Tine” and they shakehands.
“nga pala mamayang gabi may bonfire camp, before officially start the team building. All visitors are invited too, hon. Sama ka huh. Im sure mag eenjoy ka” pag aya ni Tine sa kasintahan ng balingan nya.
Enjoy na enjoy sila sa pagsisid at panonood sa iba’t ibang uri ng isda na nasa ilalim ng dagat.
Naunang nagpaalam si Justine dahil may kailangan lang daw itong tawagan, kaya’t sila na lamang ni Caren ang naiwan sa pwesto nila.
“Cah, sisid ulit ako huh. Sabi ni Althea mas maganda pa raw ang view sa ilalim sa bandang yon” pamamaalam nya sa kaibigan habang itinuro ang banda ng karagatan na medyo mabato na gustong puntahan.
“Sige Tine, balik ka kaagad huh, para makakain na din tayo. Medyo nagugutom na rin ako eh,” sagot ng kaibigan na sya namang saktong paglapit ng katipan nito.
“ahh ganun ba, sige mauna na pala kayo, Cah.. susunod na lang ako”
She only waved sa dalawa bago tuluyang sumisid.
Lumapit naman sa kanila ang bagong dating na si Daven at tinanong kung saan pupunta si Celestine.
“gusto raw pre tingnan ang underwater view sa bandang yon” sagot naman ni Mark.
“hindi ba delikado?”
“nope, hindi naman. Magaling naman lumangoy si Tine, kaya, kayang kaya nya iyan.”
“where’s her boyfriend?” tanong nitong nakakunot noo.
“umalis saglit, may kailangan raw tawagan eh” sagot nalang ng babae
Maya maya’y pinagpasyahan ng binatang sundan ang kinaroroonan ni Tine
“Pre, sundan ko lang. para sigurado.”
May mapanodyong ngisi naman ang tanging tugon ni Mark sa kaibigan.
“What?” tanong naman ni Daven.
“Nothing Pre.” Sagot nitong umiiling pa habang may pilyong ngiti sa mga labi.
“Anong meron na hindi ko alam huh” nagtatakang tanong naman ni Caren sa kasintahan.
“wala, baliw lang talaga yang mapapangasawa mo, kung ano ano ang nasa isip” iiling iling na sagot sa babae.
“oppps, wala akong sinasabi pre” pigil ang tawang saad nito sabay taas ng dalawang kamay na animo’y inosente.
***
“Hey what are you doing here?” napapitlag si Celestine ng makilala kung kaninong boses ang nagsalita mula sa kanyang likuran.
Matapos nyang sumisid ay napagpasyahan nyang magpa floating para makapag relax. Sa ganitong sitwasyon nga syang naratnan ni Daven.
“you, what are you doing here?” gulat na tanong nya rito.
“ahhh nothing, sabi kasi nina Caren nandito ka raw, kaya sinundan kita”
Katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa. Nakaramdam naman sya ng pagkailang dahil tanging sila lang dalawa ang nasa may parting iyon ng karagatan.
Pero bakit? Bakit mo ako sinundan dito? s**t! Bakit ba ako kinakabahan .. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ano bang nangyayari sakin.
Tumikhim naman sya upang mapawi ang kaba.
“Ahhh ganun ba, tara balik na pala tayo baka hinahanap na rin nila tayo. Nagugutom na din kasi ako eh”
Lalampasan na sana nya ito ng hawakan nito ang kanyang braso upang pigilan.
Nagulat naman sya sa ginawa ng binata
“Tine, wait”
Kinakabahan man, taas kilay nya itong nilingon para itago ang nararamdamang kakaiba.
“What?” pagtataray nyang baling dito
“Uhm, can I invite you?” seryosong tanong nito sa kanya.
Why? Gusto nyang itanong ngunit mas piniling wag na lang isatinig.
“sorry Mr. Garcia, hinihintay na ako ng boyfriend ko” sabay bawi sa hawak parin nitong braso nya at mabilis na lumangoy papalapit sa dalampasigan. Pagka maya maya lang ay sumunod na rin lang ito sa kanya ng walang imik.
Habang nagkakainan ay hindi mapakali si Tine dahil ramdam nyang may mga matang matamang nakatitig sa kanya, pag angat nya ng paningin ay sumalubong sa kanya ang pares ng mga mata ni Daven. Inirapan naman nya ito at napabuntong hininga.
“Hey hon, are you okey?” tanong ni Justine.
“yup, tapos ka na bang kumain? Tara na, gusto kong maglakad lakad bago magpahinga”
“sige, uhh guys mauna na kami huh, nice meeting you all”
“see you later” pagwave naman ng kanyang mga kasamahan maliban kay Daven na walang imik kaya’t napasulyap sya ulit sa dako ni Daven at napansin nyang dumilim ang mukha nito ng alalayan sya ni Justine. Nanlambot naman ang tuhod nya, mabuti na lang at inaalalayan talaga sya ni Justine dahil kung hindi at nabuwal na sya.
Ano bang problema ng lalaking ito. Sa isip nya.
Habang naglalakad lakad sa may gilid ng dagat, nagsalita si Justine.
“Uhm, Tine, okey ka lang ba?”
“h-huh? May sinasabi ka?”
“kanina ka pa kasi walang kibo”
Napabuntong hininga sya, bago sumagot.
“okey lang ako. Medyo napagod lang ako sa byahe.”
Katahimikan.
“Tine, I have something to tell you”
“what is it” pagbaling nya rito ay nagtataka sya sa uneasiness na mababakas sa mukha nito. “what is it Justine?” pag ulit nya.
“Tine, sorry. Im so sorry.” Malungkot nitong sabi at hindi nya naiintindihan kung ano ang ibag sabihin.
“Anong pinagsasasabi mo Justine?” medyo may himig ng pagkairita sa boses nya.
“nakabuntis ako Tine” umiiyak nitong pag amin. “Im sorry Tine, hindi ko intensyong lokohin ka” umiiyak pa nitong sabi habang papalapit sa kanya.
“WHAT!!?” pinaling nya ang kamay ng binatang pilit syang inaabot. Nakatulala parin sya at hindi makapaniwala sa narinig.
“k-kailan pa?” pigil ang luhang tanong nya
“mag iisang buwan na Tine, I’m sorry. I’m really sorry Tine, hindi ko talaga sinasadya, lasing ako noon. H-hindi ko n-a alam ang nangyari” umiiyak na nitong pagpapaliwanag sa kanya.
“H-huh, really Justine? H-hindi mo si-nasadya-a? ang k-kapal naman ng m-mukha mong sumama pa dito sakin,gayong may iba ka naman palang kinahumalingan. Bakit Justine, hindi ka na ba makapaghintay huh? Ganun ka na ba kasabik huh? Kaya ba humanap ka ng pagbabalingan ng kati ng katawan mo? Dahil hindi koi yon maibigay sayo huh? Justine, huh?” Umiiyak na nyang pinagsusuntok ang dibdib ng lalaki. Galit sya, galit na galit!! Of all people, isa ito sa pinagkatiwalaan nyang lubos, bukod sa kanyang mga magulang at kaibigan. Isa rin ito sa pinagkakatiwalaan nya. At ngayon, heto, niloko sya ng isang mahalaga sa buhay nya. Dahil sa mga pinagsamahan nila ng binata, handa na sana syang subukang baguhin ang pananaw nya sa buhay. Sobrang sakit!! Ang sakit sakit! Nanghihina syang napasalampak sa buhanginan.
“Tine, sorry . im so sorry” walang humpay na paghingi ng tawad ni Justine na napasalampak na rin sa buhanginan.
“Sino?” tanong nyang muli sa binata ng makahuma, at pinalis ang mga luhang walang tigil sa pagtulo.
“her name is Jessica, my childhood friend”
Malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago tumayo at nagsalita. “umalis ka na. Huwag ka ng magpapakita sakin.. huwag ka na ring magpaalam sa mga kasamahan ko. Umalis ka na Justine” huling sabi nya rito bago tinalikuran at umalis. Naiwan naman sa dalampasigan ang binata, at pinalis muna ang mga luha at inaus ang sarili bago tuluyang bumalik sa inuupahang silid. Gaya ng bilin ni Celestine, iniwasan nyang huwag magpakita sa mga kasamahan ng dalaga.
Nagsimula na ang bonfire ng magising sya dahil sa mahihinang katok. Bago sya natulog kanina pagkagaling sa dalampasigan ay nagpaalam sya kay Caren na magpapahinga muna sya at wag ng gisingin kung pupunta na ito sa camping. Hindi naman na nagtanong ang kaibigan.
“sino yan?”
“Its me, Justine”
May namuo nanamang inis sa kanyang loob ng malaman kung sino ang nasa labas.
“Umalis ka na”
“For the last time Tine, I want to say sorry, sana dumating ang panahon na mapatawad mo ako. Mahal na mahal kita Tine, sorry, You don’t deserve me. Sorry.” Iyon lang at umalis na si Justine ng walang natanggap na sagot mula sa nakasarang pinto.
Hilam pa ng luha ay bumangon na rin sya at dumiretso ng banyo upang maghanda. Wala sana syang balak pumunta sa bonfire camp pero dahil sa pang iistorbo sa kanya ni Justine ay mas pinili nyang maghanda para bumaba na. Eenjoyin nya na lang ang gabing ito saka nya na lang haharapin ang mga susunod pang maaaring mangyari.
Palabas na sya ng banyo ng may muling kumatok sa kanyang silid, dahil sa pag aakalang si Justine pa ito ay padarag nyang binuksan ang pinto ng may halong galit sa boses.
“WWWHAT???! I SAID LEAVE ME!!! Daven??”napasinghap sya ng mapagsinong ang nasa harapan.
“Ehheem,ow sorry tine, sige, mauna na pala ako” sagot ng nabiglang binata at tumalikod na.
“Daven, teka…Wait Daven”sabay hawak sa braso ng binata upang pigilin.” S-sorry I thought your someone.”pigil ang luhang pagpapaliwanag nya rito. Napabuntong hininga ang binata bago sya nito hinarap.
“Hey, whats wrong?” may pag aalalang tanong nito ng makita ang mabilis nyang pagpahid sa luha.
“UHH nothing. Papunta ka na ba sa ibaba?” pag iiba nya ng usapan.
“Hmm, yeah, susunduin sana kita, kasi sabi ni Caren nandito ka pa nga daw.Care to tell me what happened?”may pag aalalang tanong parin nito ngunit nananantya.
Nang hindi sya sumagot,inilapit pa nito ng bahagya ang mukha sa kanya. Napasinghap naman ang dalaga dahil sa ginawa ng binata. “Tine?”
“okey kung ayaw mong pag usapan, just forget it” Ngumiti ito at Tumuwid ng tayo at hinawakan sya sa kamay at hinila na pababa ng hagdan. Pagkalabas ng tinutuluyan saka sya nagsalita.
“We’ve just broke up.”
kunot noo syang nilingon ng binata ngunit hindi na nagsalita. Tanging tango lang ang itinugon nito sa kanya. Nang makarating na sa kumpulan ng mga kasamahan na mukhang enjpoy na enjoy na sa ginaganap na party. Nakuha naman nila ang atensyon ng kaniyang mga kaibigan. Nag iinuman na ang mga ito.
Napasipol pa ang kanyang mga kaibigang sina Alexis at Mark ng Makita ang magkahawak nilang kamay. Si caren naman at may ngisi sa mga labi. Naconscious naman sya sa sitwasyon kayat mabilis nyang binawi ang kamay sa binata. Hindi na nya napansin ang pag irap ni Althea na kasama rin nila sa kumpolan.
“Ah Tine, dito na kayo maupo ni Daven.” Pagtapik nito sa bakanteng pwesto. Umupo naman sila ni Daven na magkatabi dahil wala ng ibang pagpupwestuhan ang binata. Halos tumirik naman ang mata ni Althea dahil sa maya’t maya nitong pag irap.
Habang lumalalim ang gabi ay nagsisimula na ring magsayawan at maging wild ang iba nyang mga kasamahan. At dahil mababa ang tolerance nya sa alak, kahit kakaunting shots pa lang ang kanyang naiinom ay medyo nahihilo na sya. Hindi naman talaga sya umiinom. Gusto nya lang talagang makalimot kahit sandali.
“ Hey, akala ko hindi ka umiinom?” takang tanong ni Daven ng mapansin nakakailang shots na sya.
“Ngayon lang naman, gusto ko lang maexperience, hehe”nakangiti nya pang sagot.
“tama na iyan” sabi pa ni Daven at inagaw ang baso ng muli pa sana nyang iinumin ang isang shot kaya’t ito na ang uminom.
“Sayaw na lang tayo” pag aya pa nito sa kanya.
“Sure” tatayo na sana sya ng bigla syang nahilo. Kamuntikan na syang matumba mabuti na lang naalalayan sya ni Daven. Sakto namang sweet love song ang pumailanlang sa background music. Inalalayan naman sya nitong papunta sa mga nagsasayaw.
Ikinawit ni Daven ang kanyang mga kamay sa mga balikat nito at ipinulupot naman nito ang mga kamay sa kanya bewang ang mga kamay nito. Mataman sya nitong tinitigan at dahil na rin sa epekto ng alak, medyo malakas din ang loob nyang salubungin ang mga titig nito. Hindi nya maintindihan ang sarili, ang lakas ng kabog ng dibdib nya, at dahil na rin sa sobrang lapit nila sa isat isa, nalalanghap na rin nya ang mabangong hininga nito pati na rin ang pagkabog ng dibdib nito na sumasabay din sa pintig ng kanyang puso. Bahagya sya nitong hinapit at ipinaglapit pa ang kanilang mga noo. Napapikit naman sya sa kakaibang dulot ng pagkilos ni Daven habang iginigiya sya sa mabining sayaw. Gusto nyang namnamin ang masarap na sensasyon sa mga oras na iyon. Tila tumigil ang pag inog ng mundo, at tanging sila lang dalawa ang naroroon.
“Tine” namamaos na tinig ni Daven
Napamulat naman sya upang mapalunok dahil sa dahan dahang paglapat ng mga labi nito sa kanya. Mabining halik ang iginagawad nito sa kanya ngunit mapaghanap kaya’t agad din naman nya itong tinugon.Nang dahil sa libo libong boltaheng dumadaloy sa kanyang buong katawan ay hindi na nya namalayang muli syang napapikit upang namnamin ang masarap na sensasyon. Tumagal ng ilang minuto bago sila kumalas isa’t isa na parehong hinihingal.
“D-daven” tanging nasambit nya habang nanginginig pa ang kanyang boses.
Napalunok sya ng kanyang sariling laway dahil sa nakakatunaw na titig ni Daven sa kanya lalo ng dumakong muli ang tingin nito sa kanyang mga labi at napalunok.
“Tine, I want you” diretsang pag amin nito at muling sinakop ang kanyang mga labi. Muli, hindi nya nagawang tumutol at tila mas nagugustuhan pa ang mga nangyayari. Nawala na sa kanyang isipan ang masamang nangyari kani kanila lang sa pagitan nila ni Justine. Natapos ang halik at mahigpit syang niyakap ni Daven at hinahalik halikan ang kanyang buhok, na muli ay hindi nya tinutulan. Feeling nya, napaka safe at napaka komportable sa mga bisig nito. Ang sarap sarap sa pakiramdam, na kahit minsan ay hindi nya man lang naramdaman sa piling ni Justine. Naguguluhan na sya, kailan lang sila nito nagkakilala ngunit napakagaan na kaagad ng loob nya rito, aaminin na nya sa sarili na kahit noong unang pagtatagpo pa lang nila ay may kakaiba na talaga itong epekto sa kanya. Hanggang sa natapos ang kanta ay nasa ganoon silang tagpo.
Sya naman ang unang kumalas sa kanilang pagyayakapan at nagpatiuna ng bumalik sa kanilang pwesto. Ngayon sya tinamaan ng hiya. Lintik naman uh, ano ba itong pinaggagagawa ko. Kagagaling ko lang sa break up tapos ito, may isa na namang nakakagimbal na nangyari. s**t!! Ano ba Celestina!! Umayos ka, magkaroon ka naman ng kaunting delikadeza. Naiinis nyang sita sa sarili.
Sa dating pwesto naman ni Mark nya napiling umupo katabi ni Caren para makadistansya na din sa presensya ni Daven. Ngayon ay para na syang natauhan sa mabilis na nangyari kanina sa dance floor. Nagtataka man si Mark kung bakit sya naroon ay hindi na lang ito kumibo, at mas piniling tumabi sa iniwan nyang pwesto katabi ni Daven na sa kasalukuyan ay may hawak ng isang beer at tinutungga na ito habang nakatitig pa rin sa kanya. Nag iwas sya ng tingin at pagbalingsa kabila ay ang naka taas na kilay ni Althea ang sumalubong sa kanya. Nagtataka man ay hindi nya na lang ito pinansin.
“Ahh girl, pwede bang mauna na ako. Inaantok na kasi ako eh”
“okey ka lang ba girl?” takang tanong naman ng kaibigan.
“oo, napagod lang siguro ako, saka medyo nahihilo na ako, alam mo na, hindi sanay uminom.” Paliwanag nya sabay nginitian ang kaibigan.
“sige, girl, don’t worry maya maya rin lang susunod na ako”
Pagtango na lang ang tangi nyang naisagot sabay tayo na rin. Tumango rin lang sya sa ibang kasamahan bilang pagpapaalam. Nagmamadali at walang lingon likod nyang binaybay ang daan patungo sa kanilang inuukupang silid. Ano ba itong nangyayari, isa pa itong si Daven, bakit nya sinasabi na gusto nya ako, samantalang alam naman nyang may boyfriend akong tao.
Excuse me , diba break na kayo ng haliparot mong Justine na iyan. Pagkontra naman ng kanyang kabilang isip.
Kahit na, alam man nya o hindi na break na kami ng magaling kong ex, hindi nya dapat ginawa yun. Pagkontra naman ng kabila nyang isip.
Malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan ng sa wakas ay marating na ang silid. Bago pa mabuksan ang pintuan ay may nagsalita pa sa kanyang likuran.
“Tine, im sorry kung nabigla kita. It’s just, I can’t help it.”malungkot nitong pahayag sa kanya.
Si Daven!!, biglang bilis na naman ang pagtahip ng kanyang dibdib. Muli syang napabuntong hininga at tuluyan ng pumasok sa loob ng silid ng hindi man lang sinasagot si Daven.
Pasado alas dos na ng umaga ay hindi pa rin sya dinadalaw ng antok at nasa ganoon syang tagpo ng bumukas ang pinto at pumasok ang kaibigan.
Alas syete na ng umaga ng sya’y bumaba sa resto at habang abala sa pagkuha ng almusal sa buffet table ay may tumabi naman sa kanyang may pamilyar na amoy. Napasinghap pa sya ng bumulong ito sa kanyang tainga.
“Good morning, sweety”
“good morning” pagbati rin naman nya habang hindi ito nililingon. Nang makakuha na ng sapat na pagkain, naghanap na sya ng isang single table para hindi na rin sya masundan ng binata.
Nakausal naman sya ng pasasalamt ng makita itong naupo sa table ng kanilang ibang kasamahan.
Maghapon nyang iniwasan si Daven dahil ayaw nyang nalalapit dito dahil hindi pa sya handang pag usapan sa kung anong nangyari kagabi. Magulo pa ang isip nya ngayon dahil sa sunod sunod na mga hindi inaasahang pangyayari. At dahil nag enjoy naman sya sa buong maghapon activity dahil ito ang unang araw ng kanilang team building, handa na syang bumalik sa kanilang silid at wala ng balak sumali sa panghuling game, nang tawagin ng baklang organizer ang pangalan nya ng sya ang mabunot nito na isa sa babaeng contestant na kalahok sa isang dual game. Ang Eating apple. No problem. Basta after this game magpapahinga na talaga ako. Tanging usal na nya lamang. Ngunit sa kasamaang palad, nang isa isa na silang pabunutin ng makakapareho nilang lalake, handa na sana syang makipagpalit kay Rea ng Dining Dept. ng bigla namang hablutin ng kanyang kaibigan ang papel na hawak nya at isigaw kung kaninong pangalan.
“Mr. Garcia” pagtili pa nito. Namilog ang kayang mata dahil sa inasal ng kaibigan. Pahamak talaga!!”