CHAPTER 3: NIGHT OUT

2098 Words
“Hey girl buti nakarating ka..” beso beso sa kanya ng kaibigan pagkapasok pa lang niya sa private room. Mag isa lang ito. Nasaan ang mga kasama nila? Nandito sila ngayon sa isang eksklusibong Resto bar within Makati rin lang. Suki sila rito kaya ng alukin sila ng may ari na magpa member sa kanilang exclusive VIP ay agad nilang tinanggap. Ang kagandahan lang sa pagiging member rito ay mayroon silang sariling airconditioned room na may sarili na ring self service bar na may iba’t ibang klase ng alak at kakasya ang 10-15 katao sa loob at may sarili ding videoke set. She’s wairing simple hanging blue polo tucked in in her not so long nor not so short high waisted maong pants na below the knee na hindi naman masyadong fitted sa kanya na tenernuhan nya ng white shoes. She hates wairing fitted clothes. Sa ganitong style sya mas komportable. Di baling magmukhang manang, atleast hindi bastusin. Sanay naman na ang kanyang mga kaibigan sa ganoong klase ng kanyang pananamit. They used to love it, kasi nagpapakita lamang daw iyon na may pinipreserve syang dignidad. Napangiti naman sya sa isiping mahal talaga sya ng kanyang mga kaibigan dahil super supportive ng mga ito sa kanya. “Oo naman Cah, ikaw pa ba, hindi kita matanggihan eh.” “Dito kana maupo sa double sofa, nakareserved talaga ito para sayo girl” “Wow, thank you, love you girl, teka ano bang meron at nag aya ka huh?” Ngingiti ngiti ang malandi. Sabay dako ng mata sa kanyang likuran. Taas kilay ng sinundan nya ang mga mata nito. Mark?? At kasama pa si Daven?? “Hi girls” bati ni Mark sabay halik kay Caren na nakatayo na upang salubungin ang bagong dating. Napasinghap naman sya sa nasaksihan. Aba aba anong meron?? “Ehhheem.” Daven clearing his throat. Pagtawag pansin na rin sa dalawang talipandis na kala mo anaconda kung magkapuluputan sa isa’t isa. “Well, anong meron Carena?” taas kilay nyang tanong sa kaibigan. “Where getting married” si Caren sabay tili at ipinakita ang daliring may singsing na kumikinang. “Wow, Congrats!! Kelan pa naging kayo? Ikaw huh,” sabay kurot sa tagiliran ng kaibigan. “Ninja moves ka rin ehh noh, anong pinakain mo kay Mark at napikot mo?” “Ano ka ba Tine, wala ka bang bilib sa ganda ng kaibigan mo” “So, kelan pa naging kayo?” tanong nya sa kaibigan. “We’re childhood sweethearts Tine. Syempre, hindi naman magandang dalhin sa trabaho ang personal life diba, Love?” baling nito sa fiancée. “Yeah Tine, syempre were being professional pag trabaho na ang usapan” sagot naman ni Mark “Ang galing nyong magtago huh,napaka professional din hehe, by the way, congrats and I’m so happy to both of you”. Sabay yakap sa kaibigan at sa soon to be husband nito. “Teka, wala ba kayong duty ngayon?” turo nya sa dalawang lalaking kasama nila. “I’m on my 3 day vacation leave Tine. Tomorrow mag aasikaso na kami ni Cah ng mga requirements para sa kasal. Timing na day off nya.” At bumaling ang tingin nya sa dako ni Daven. “And you?” “It’s may off .” Seryosong sagot nito. So, sabay pala kami ng rest day ng mokong na ito. Usal nya sa sarili. “Kayo ang unang nakaalam ng good news naming ito bes,” “so, kailangan ko bang matuwa?” nakangiting tanong nya. “Of course, dahil ikaw ang Maid of honor ko” “at si Daven naman ang Best Man ko” dugtong naman ni Mark. Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig. “Were friends since highschool Tine, at parang kapatid na rin ang turing k okay Daven” dagdag pa nito. “Uhh I see, kaya pala kayo magkasamang dumating” pagsang ayon nya. “So, tara, lets have a toost.” Sabi pa ni Mark sabay lapit sa bar counter para kunin ang wine na nasa mini tray at iniabot sa kanila. “For future MR. and Mrs. Benavides” sabi nya sabay sa pagtaas ng kanilang inumin. “Cheers!” Masayang ikwenento ng soon to be hubby and wifey ang kanilang lovestory. Nakakaaliw at nakaka proud, dahil marami din pala silang pagsubok na pinagdaanan at heto sila, masaya at napakatatag ng relasyon. Mapapa sana all ka na lang talaga. “So, ikaw Tine, kalian mo balak mag settle?” tanong ni Mark. “Nako Love, wala yan sa bokabolaryo ni Tine” sabat naman ni Caren na ngingiti ngiti. “Bakit naman?” tanong ulit ni Mark. Kibit balikat lang ang tangi nyang sagot. “Baka wala pang nagagayuma” walang modong sabat naman ni Daven. Nilingon nya naman ito ng may pamatay na tingin. “epal ka rin eh noh?” “Woah, bakit, hindi ba totoo, balita sa buong kitchen may lahi ka daw ng aswang.” Lalo pa nitong pang aasar. “Meron nga, gusto mo paggula gulanitin pa kita jan ehh.” akma nya naman itong aambahan ng suntok ng awatin sila ng magkatipan. “You know what? Bagay kayong dalawa.” Si Mark. “Really, Pre?” Si Daven habang ngingiti ngiti na naman. “Seriously Chef Mark, harap harapan talaga ang pambubugaw?” natatawa na rin nyang saad rito. “Why not diba, love “ baling niyo sa katipan. “bagay naman talaga sila” Tango naman ng katipan. “Yeah bagay na bagay kayo, and for your info, jan din kami nagsimula ni Love.” Pang aasar pa ni Caren. “aso’t pusa”. Si mark habang tumatawa. Iiling iling na lamang sya dahil sa pang aasar ng magkatipan. “Kayo talaga, hanggang dito bully pa rin, magsaya na nga lang tayo.” “by the way, we have a favor to both of you Tine and Daven. Please help us in some preparation for minor things lang naman. Gusto kasi namin simple celebration lang ang magaganap. Mga malalapit lang na kaibigan at kapamilya ang invited. Can you help us? Please” Si Caren. “Off course Cah, basta ikaw.” Si Tine “No problem to me either” Si Daven. Alas Dos na ng madaling araw ng mapagpasyahan nilang umuwi. Hindi naman sila ganun kalasing at sya ay hindi naman uminom. Tanging masasayang kwentuhan at kantahan lang ang kanilang ginawa. “Cah, mauna na ako huh. Mark ikaw na bahala dito sa kaibigan ko.” “Ingat Tine and thank you ulit in advance.” Papalabas na sya ng VIP room ng may nagsalita sa likod nya. “sabay na tayo Chef, baka may biktimahin ka pa sa daan “pang aasar pa rin ni Daven Inirapan nya na lamang ang binata. “lumayo ka nga, baka hindi na ako sayo makapagtimpi ehh” “hahahaha, ito naman hindi na mabiro” Pagkalabas ng bar ay iginiya sya nito sa kotse ng binata, binuksan nito ang front sit door at pumasok na sya. Syempre pakipot pa ba sya, makakatipid na sya sa pamasahe. Agad rin naman nitong isinara ang pinto at tumakbo patungo sa driver sit. Tahimik lamang sila habang daan. **** Pasalampak syang nahiga sa kanyang kama pagkadating na pagkadating pa lang nya sa kanyang apartment. Hindi pa naman sya inaantok, ngunit gusto nya lamang mahiga muna bago mag shower at magpalit ng damit. Pambihira talaga ang Daven na iyon. Walang pinalalampas na oras na hindi sya inaasar. FLASHBACK “Chef, pano ka natanggap sa Lamberge? Siguro, hinipnotismo mo ang directors doon noh, kaya na hire ka?” panimula nito ng nang aasar. “anong pinagsasabi mo riyan. Mukha ba akong mangkukulam, sa ganda kong ito”sabay tikwas ng buhok na nakalugay. Daven chuckled at nakapaskil pa ang pilyong ngiti sa mga labi. “haha, di ko alam mataas din pala ang self confident mo eh noh..” “syempre noh, yun na nga lang ang meron ako, ganda at self confident, ikakahiya ko pa ba.” “yabang eh noh. Kaya pala patay na patay sayo yong isa sa stockman natin. Wala ka talagang pinapalampas, hahahaahaha” pang aasar pa talaga nito. Aba, pano nito nalaman iyon. Bwesit na lalaki ito, ipinaalala na naman ang pinaka nakakabwesit na pangyayaring iyon sa kasaysayan sa kitchen. Di ko a lam kung sino o kung saan nito nakukuha ang mga fees na iyon. At halos lahat ng ikabubwesit ko ay alam na alam talaga nito. Pati ba naman iyon, nasagap agad ng radar nito. Hindi kaya nakapag kwento na dito ang stockman naming na iyon? Pero grabe naman, feeling close agad. “teka, anong sinasabi mo riyan? At pano mo yun nalaman?” “He even asked me a favor na ilakad ko raw sya sayo” hahahaahah “huwat?” gulay nyang tanong “noong nalaman nyang nagkasama tayo sa duty noong nakaraan, naglakas loob syang makiusap sakin. Mukha daw kasi akong mabait at Akala nya pa close tayo And I asked him bakit hindi sa mga kaibigan mo sya magpatulong, ehh sabi ayaw na daw nyang mabugbog”ahahahahaahah “pambihira talaga Uh-uh” di nya makapaniwalang komento “bakit kasi hindi mo pa sagutin” “and why would I? napaka presko at yabang ng taong yun.at tsaka hindo ko yon type no. Akala mo pa kung sino. Kaya nabubogbog eh ” “hahaha, gwapo naman ahh, sayang din yon, mukhang iyon pa lang ang nagkakamali at may malabong mata. Hindi marunong tumingin ng maganda” haahahahah. Mas lalo pa nitong pang aasar. “alam mo ang kapal din ng mukha mo. Anong tingin mo sakin, desperada para magkaroon ng boyfriend, heleer!” “hahahahaha” At ganun na nga ang itinakbo ng kanilang convo hanggang sa makarating sa building ng kanilang apartment. *** “Bwesit na lalaking yun, lakas mangialam sa personal life ko” Its already 3am at hindi pa sya makatulog. Pagkalipas ng ilang minuto ng pamamahinga ay tinungo na nya ang banyo at nagbabad ng ilang minuto, at pagka maya maya ay narining nya na may nagdoorbell sa kanyang unit kaya mabilis syang nagbihis at tinungo ang pintuan. “Hi?” nakangiting bungad ni Daven. Ang damuho bakit nandito. “Uh bakit?”masungit nyang bungad. “hindi pa kasi ako inaantok. Gusto sana kitang ayain mag midnight snack, I prepared sandwiches at fries here” Uhhh naalala nya hindi nga pala sya nabusog sa pinuntahan kanina. bigla tuloy syang nakaramdam ng gutom at nagtakam sa alok ng binata. Nawala na rin ang inis nya sa binata. “Uhhh s-sure, pasok ka. Hindi pa rin naman ako inaantok eh, m-mukhang masarap din yang dala mo…n-na grilled cheese at clubhouse.” Medyo nabulol pa sya dahil sa nakakalokang view na bumungad sa kanya. Napaka sexy ng binata sa suot nitong simpleng maluwang na tshirt at black shorts,medyo basa din ang buhok nito, halatang bagong paligo rin at apakalayo sa usual nitong suot na kitchen uniform sa tuwing nagkikita sila. Ngayon nya lang napansing mas gwapo ito at mas maaliwalas ang itsura at bagay na bagay ang kahit na simpleng pananamit lamang. Parang ang sarap gumising tuwing umaga kapag ganito ang bubungad sayo. Nakaka good vibes. Sumunod naman na ang binata at inilapag sa dining table ang dala nitong mga pagkain. “Perfect timing ka din ehh noh, bibili din sana ako sa convenience store sa baba para bumili ng snacks. Mabuti naman, nakalibre na ako” masaya ang mukhang baling nya rito. “Roel the stockman asked this favor, remember nagpapatulong sya sayo” Bigla naman nangunot ang kanyang noo sa sinabi ng binata. “seryoso ka ba sa pinasok mo? Hahahaha, magkano naman ang talent fee mo nyan. Tatapatan ko para lang itigil mo na yang pagtutulay mo na iyan para sa kanya.” “actually, it’s a friendly request.” Seryoso habang ngumunguyang saad nito. “You know what, pakisabi sa kanya na tigilan na nya ako. Taken na ako, saka wala syang pag asa.” “you what?” “you heard it right, may boyfriend na ako. Kaya pakisabi sa kanya na tigilan na nya ako.” “But, balita sa kitchen your single, kaya nga sila nagkakandarapa na manligaw sayo hindi ba” “well, just like Caren and Mark, hindi ko din ugaling dalhin sa trabaho ang personal life ko, that’s so unprofessional.” Kibit balikat lamang ang tanging sagot nito sa kanya. “Okey, sasabihin ko sa kanya ang sinabi mo.. in one condition” “What?” “be my date”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD