(CEN) Pabalik-balik ako ng lakad, ang aking mga mata’y may luha pa din. Gabi na, napakadilim na sa labas, nagbabadya ang malakas ng ulan dahil sa mga kulog. Wala pa din si Paul, hindi ko ito matawagan, ang dami kong tanong. Alam kong siya lang ang makakasagot ng mga iyon. Naupo akong muli sa sofa at tumingin sa TV, laman ng balita ang pagkakahuli sa demonyong pumapatay ng walang awa. Nanggagalaiti ako sa galit ng malaman kung sino iyon. Masaya rin naman ako at sa wakas nahuli na ang pumatay sa pamilya ko, mabigyan na din sa wakas ng hustisya ang kanilang pagkamatay, pati na din ang iba niyang biktima. Sinubukan ko ulit tawagan si Paul pero mukhang nakapatay ang phone nito, baka nalowbatt na. Tumingin ako sa wall clock, alas-diyes na ng gabi, alam kong busy sila sa pagkakahuli ng c

