(PAUL) Alas singko pa lang ng umaga. Pasikat pa lang ang araw. Nagising ako kanina dahil sa isang tawag mula sa presinto. Alerto ang lahat. Tahimik ang kapulisang umakyat sa isang condominium building dahil sa isang report. Isang tenant sa 10th floor daw ang tumawag dahil may mga kalabugan daw siyang narinig kaninang mga alas kwatro y medya. May iyak at mga ungol daw siyang narinig pero sigurado siyang hindi iyon dahil sa sarap dahil tunog nahihirapan daw kaya naman agad siyang tumawag ng pulis sa sobrang taranta daw at takok sa kanyang naririnig. Tinawagan ako dahil malapit lang itong condo sa subdibisyon kung nasaan ang bahay ko. Ang ibang pulis kasi ay dumalo sa isang seminar kanina at limang pulis lang ang nakaduty kanina. Tinawagan ko si Ross pero hindi pa sumasagot, pati na di

