(FRANCIS) Mabilis akong bumaba sa taxi na sinakyan ko pagkatapos kong mabayad. Alas onse na ng gabi, hindi ako makatulog kakaisip doon sa kaso kaya noong tumawag si Ross na mag-bar daw at kaunting inom, gumayak ako agad. Tinawagan ko si Paul pero pass daw, may inaasikaso. Inasar ko pa ngang babae pero hindi daw, related daw sa ama so hinayaan ko na lang. Si Arjay naman ay on the way na, galing naman ito sa family dinner nila. “Good Evening Boss” bati sa akin ng isang bouncer. Kilala namin ang may-ari ng bar na ito. Alam naming walang kung anong illegal ang nangyayari. Tinanguan ko ang ito saka tumuloy sa pagpasok. Ang sabi ni Ross sa akin ay nasa isang VIP room siya kaya doon na ako tumuloy. “Bro” bati ko rito saka ako nakipag fist bump. “Wala pa si Arjay o nasa dance floor?”

