(PAUL) Tulog pa si Cen ng umalis ako sa bahay. Ako na din ang nagluto. Alam ko naman kasing pagod na pagod siya. Napangiti ako ng maalala kung anong nangyari sa amin kagabi. Hindi lang ako makapaniwala na siya ang nag-initiate. Siya ang gumawa ng first move para may mangyari sa aming dalawa. Nag-iwan na lang ako ng note sa noo niya para siguradong makikita niya paggising niya. “Baby, kumain ka ng breakfast. I love you” iyon ang inilagay ko sa sticky note saka ko idinikit sa kanyang noo. Natatawa na tuloy ako sa magiging reaksyon niya. Sigurado maiinis na naman iyon, tapos iirap-irap na naman. Itinigil ko ang sasakyan ko sa tapat ng bahay na crime scene, ang bahay ng sikat na modelong si Cyra Lagrosa. Nagsuot muna ako ng rubber glove saka ko kinuha ang aking camera. Bumaba ako ng

