(CEN) Napangiti ako ng matapos akong maghain ng aming hapunan. Hinihintay ko na lang si Paul, nagtext na kasi ito kanina na pauwi na ito. Tinakpan ko muna ang mga pagkain sa mesa saka ako nagtungo sa sala. Binuksan ko ang TV at naupo sa sofa. Nag-open ako sa netfix, manunuod muna ako ng series. Naumpisahan ko na kasi iyong Korean series na ang pamagat ay Kingdom. Maganda iyon, nagkaroon kasi ng pandemya. Ang mga tao ay nagiging aggressive at nangangain ng tao, zombie kung tutuusin pero naganap iyon noong sinaunang panahon. Tumingin muna ako sa wall clock at nakitang mag-aalas siyete na, malapit na siguro si Paul. Kinuha ko ang phone kong nakapatong sa may center table para i-check kung mayroong text si Paul. Nakita kong may isa kaya madali ko itong binuksan. “Baby, may dadaanan

