(PAUL) I was silently listening to what’s Ross were saying in front. Idini-discuss nito ang lahat ng aming ebidenyang nakalap at mga theory kung sino talaga ang salarin. Hindi naalis si Ross dahil pagkatapos nilang mag-inuman ay humiwalay na ito kina Francis at Arjya. Mahirap na din dahil kung sakali ako lang ang maiiwan, hindi na din kasi kami magpapasok ng bago pang detective. Napahawak ako sa bagay na nasa bulsa ko, isang flasdrive, hindi ito ang original gumawa lang ako ng copy. Pinag-iisipan ko kung sasabihin ko na, malaki ang magiging epekto nito sa imbestigasyon. Gamit ito, lalong madidiin si Arjay dahil sa jacket nito na natagpuan sa crime scene, parehas ang jacket sa suot ng salarin sa larawan. Ilang beses kong muntik nang sabihin pero hindi ko ginawa, lalo na at sinasabi n

