WARNING! MEDYO BASTOS! (CEN) Maaga akong nagising para ipagluto si Paul ng umagahan at ng babaunin nito para sa pananghalian. Ayaw ko kasing bibili na naman siya, mas gusto kong ako na lang ang magluluto para alam kong makakakain talaga at saka healthy naman ang mga inahahain ko para sa kanya. Nang matapos akong makapaghain sa hapag at makapagtimpla ng kape ni Paul ay nagtungo na ako sa aming kwarto. Napailing na lang ako ng makitang mahimbing pa rin ang tulog nito. Siguradong pagod na pagod ito sa trabaho kahapon. Sumampa ako sa kama. Hinawakan ko ang balikat nito at marahang niyugyog. “Paul gising na, kakain na” sabi ko pero wala, tulog pa rin. “Paul, gising na!” sabi ko saka ko pinisil ang pisngi nito na agad na namula. Umungol lang ito saka tinanggal ang kamay ko sa mukha ni

