Nagising akong wala sa tabi ko si Cen. Napatingin ako sa banyo kasi hindi naman iyon nakasara, sumisilip ang liwanag mula roon. Napatingin ako sa wall clock sa aming kwarto at nakitang mag-aalas singko pa lang. Mabilis akong napatayo ng marinig ang pagdu-duwal nito. Pumasok ako sa banyo at nakita itong nakayuko sa may lalabo. “Baby, ayos ka lang ba? May masakit ba?” namamaos kong tanong. Nataranta na ako ng marinig ko ang hikbi nito. Agad ko itong hinawakan sa balikat at dahan-dahan na iniharap sa akin. “What’s wrong?” tanong ko. Hindi ito nagsalita at yumakap lang sa akin. “Anong nararamdaman mo? May masakit ba sayo? Ipapatawag ko na ba si Gerald para macheck—“ Agad itong humiwalay sa akin at mabilis ng tumango. “Papuntahin mo siya” sabi nito saka nagpunas ng kanyang luha.

