(ROSS) “PWEDE BA TUMIGIL KA NA!” sigaw ni Dad sa akin. Ahhh! Ang sarap niya talagang panooring magalit. Kaunti na lang malalagutan na ng litid sa sobrang galit. Ang mga mata nitong tila ba pinapatay na ako. Pulang-pula na din ang mukha nito hanggang sa leeg. “Ano bang problema mo?!” tanong ko naman dito saka ako naupo sa sofa. Dumikwatro ako at tila ba haring ipinatong ang dalawang braso sa sandalan ng sofa. Nandito kami ngayon sa bahay. As usual, galit na naman si tanda. Ganito kami lagi, hindi naman talaga kami in good terms. “PROBLEMA KO?! TANGA KA!? IKAW ANG PROBLEMA KONG ABNORMAL KA!! TANG’NA KA!” sigaw nito. Dinuro-duro pa ako nito pero wala akong pakialam. Ngumisi lang ako na lalong nagpagalit lalo rito. Itinuon ko na lang ang aking paningin sa labas, ang lahat ng sinas

