(PAUL) This is insane! Apat na namang bangkay ang natagpuan sa isang bahay sa isang sikat na subdibisyon. Kaawa-awa ang sinapit ng mga ito. Katulad ng sa pamilya ni Cen, puno rin ng mga saksak ang mga katawan ng mga biktima, maliban na lang sa isang babae na may ari ng bahay. Lima lang ang saksak nito ngunit puro hiwa ang mukha, ang magandang mukha nito ay hindi na makilala, nababalot na iyon ng kanyang sariling dugo. Isa itong sikat na model na si Cyra Lagrosa na kasintahan naman ng isang commander sa Military. Ang nakakita sa mga bangkay ang boyfriend ng sikat na modelo. Ayon dito hindi niya na matawagan kaninang umaga ang kanyang girlfriend. Nagri-ring lang daw ang phone nito at sa tuwing tumatawag naman daw siya ay sinasagot nito. Doon na raw siya kinabahan kaya tumawag ito sa lan

