(PAUL) Tatlong beses akong kumatok sa opisina si Prosecutor Eves. Isang babae ang bumungad sa akin ng bumukas nag pinto, siguro nasa mid-twenties pa lang siya. “Pasok po” magalang nitong sabi. Tinanguhan ko naman ito bago pumasok sa opisina. Nadatnan ko si Prosecutor Eves Cyrus na may tinitignang mga papel. Sa tingin ko ay mga files tungkol sa kaso ni Arjay. Seryosong-seryoso ito sa tinitignan sa mga papel, hindi na nga ako napansin na dumating. “Good Morning Prosecutor Eves” nakangiting bati ko. Agad itong napaangat ng tingin sa akin bago sumilay ang ngiti sa mga labi nito. Hanga ako kay Prosecutor Eves Cyrus dahil sa angking galing nito. Sobrang talino, sipag, at sobrang ganda pa. Hinahangaan ko din ang dedikasyon nito sa trabaho. “Oh my God! Ngayon ka lang ulit nagpakita

