bc

KANIBALISMO (SSPG)

book_age18+
10
FOLLOW
1K
READ
forbidden
age gap
goodgirl
stepfather
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

"Kinakain ako ng sarili kong pagnanasa. At ang tanging gamot... ay ang lason na bawal sa akin."

Si Karla Mangubat ay ang perpektong anak at kapatid. Sa edad na 22, inosente siya, birhen, at walang bahid ng dumi. Pero sa likod ng maamong mukha at mapuputing balat, may tinatago siyang lihim na unti-unting umuubos sa katinuan niya.Mahal niya si Blake.Hindi bilang kuya.

Hindi bilang stepbrother.Gusto niya itong angkinin. Gusto niyang maramdaman ang mga kamay nito sa katawan niya.

Pero "Mabuting Lalaki" si Blake. He is gentle, respectful, responsible, at higit sa lahat... tapat ito sa girlfriend nitong si Maria. Ang kabaitan ni Blake ang pinakamalaking hadlang—at ito rin ang dahilan kung bakit lalong nahuhulog si Karla.

Desperada na makalimot at mapigilan ang sarili, pinapasok ni Karla sa buhay niya si Julian—isang lalakeng handang ibigay ang lahat sa kanya.Akala niya, si Julian ang sagot. Akala niya, matatakpan ng ibang pagmamahal ang bawal niyang nararamdaman.

Pero nagkamali siya.Dahil sa bawat halik ni Julian, labi ni Blake ang nalalasahan niya.Sa bawat haplos ni Julian, mga kamay ni Blake ang hinahanap ng balat niya.At sa bawat gabing pinagsasaluhan nila ni Julian ang init ng katawan, pangalan ng kanyang kuya ang isinisigaw ng kanyang isip.

Ngayong naiwan silang dalawa ni Blake sa malawak at liblib na farm ng kanilang mga magulang, hanggang kailan kakayanin ni Karla na magtago?Isang maling tingin. Isang maling hawak.Handa ba siyang maging "masama" makuha lang ang lalaking hindi pwedeng maging kanya?

WARNING: This story contains mature themes, taboo relationships, and strong s****l content intended for open-minded audiences (18+). Read at your own risk.

chap-preview
Free preview
Mga Tingin
ALIS-ALIS na ang alikabok sa labas ng gate namin habang pinapanood ko ang papalayong itim na SUV. Hatid noon sina Papa Nestor at Mama Nica—ang nanay ko at ang tatay ni Blake. Ilang minuto pa lang silang nakakaalis pero pakiramdam ko, biglang lumuwag ang hangin sa paligid. ​Tahimik. Sobrang tahimik. ​Tanghaling tapat noon at tirik na tirik ang araw dito sa probinsya. Alam mo 'yung init na parang dumidikit sa balat? 'Yung lagkit na kahit anong ligo mo, parang nandoon pa rin? Ganoon ang pakiramdam. Pero hindi lang naman panahon ang dahilan kung bakit pinagpapawisan ako ng malamig habang nakatayo sa veranda. ​It was the realization na kaming dalawa lang ang naiwan. ​Well, technically, may mga kasambahay kami at mga tauhan sa farm, pero nasa malalayong quarters sila. Sa malaking bahay na ito, kaming dalawa lang ng stepbrother ko ang nandoon. ​Blake. ​Kahit sa isip ko lang binabanggit ang pangalan niya, parang may kung anong kuryente na gumagapang sa tiyan ko pababa. Mali 'to. Alam kong mali. Sampung taon ang agwat namin. Kuya ko siya sa papel. Anak siya ng asawa ng nanay ko. Pamilya kami. ​Pero bakit ganito ang epekto niya sa akin? ​Bumuntong-hininga ako at inayos ang suot kong manipis na duster. Presko ito, pambahay lang, pero naging conscious ako bigla. Masyado bang maikli? Masyado bang banat sa dibdib? Umayos ka nga, Karla. Virgin ka pa, 'wag kang umakto na parang uhaw na uhaw ka. ​Pumasok ako sa loob para kumuha ng tubig pero dinala ako ng mga paa ko sa likod-bahay, sa may dirty kitchen na nakatanaw sa malawak na bakuran kung saan naroon ang bodega ng mga feeds. ​At doon ko siya nakita. ​Nabitawan ko halos ang basong hawak ko. Napahigpit ang hawak ko sa hamba ng pinto, tila ba kailangan ko ng suporta para hindi ako matumba. ​Nandoon si Blake. He was fixing the wooden fence near the mango tree. At dahil sobrang init, nakahubad siya ng pang-itaas. ​Holy s**t. ​Hindi ito ang unang beses na nakita ko siyang walang shirt. Pero iba ngayon. Iba dahil alam kong walang makakakita sa akin na nakatitig sa kanya. Iba, dahil malaya ang mga mata ko na gapangin ang bawat parte ng katawan niya. ​Ang kinis ng balat niya, pero hindi 'yung kinis na pambabae. It was rugged, bronzed by the sun. Basang-basa siya ng pawis. Kitang-kita ko kung paano gumuguhit ang pawis mula sa leeg niya, dumadaan sa matipuno niyang dibdib, pababa sa abs niya na parang inukit sa bato, hanggang sa mawala ito sa waistband ng suot niyang kupas na maong shorts. ​Every time he hammered a nail into the wood, his muscles flexed in a mesmerizing rhythm. Yung biceps niya, pumuputok sa laki. Yung likod niya kapag tumatalikod siya, ang lapad at ang ganda ng hugis. He was 32 years old—a fully grown man. malayong-malayo sa mga ka-edad kong puro porma lang ang alam. Blake was raw power and gentle authority wrapped in one delicious package. ​Napalunok ako. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko. ​"Karla?" ​Napatalon ako sa gulat. s**t. Nahuli niya ba ako? ​Lumingon si Blake sa gawi ko. Nakangiti siya. Yung ngiting 'yon... 'yon ang papatay sa akin balang araw. Singkit ang mga mata niya dahil sa araw, at may tumutulong pawis sa gilid ng noo niya. ​"Kanina ka pa diyan?" sigaw niya mula sa malayo, habang naglalakad palapit sa dirty kitchen. ​Natigilan ako. Papalapit siya. Papalapit siya at wala siyang suot na damit. ​"H-Ha?" My voice cracked. Good job, Karla. Napaka-obvious mo. "K-kakaalis lang nina Mama. Uhm, umiinom lang ako ng tubig." ​Umakyat siya sa maliit na hagdan ng dirty kitchen. Habang papalapit siya, lalong umaamoy 'yung scent niya. It was a mix of harsh sunlight, heavy musk, and the faint soap he used. Hindi siya mabango sa paraang pabango, pero mabango siya sa paraang nakakalasing. Amoy lalaki. Amoy alpha. ​Tumigil siya sa tapat ko, isang metro lang ang layo. Ang taas niya. Kailangan ko pang tumingala para salubungin ang mga mata niya. ​"Mainit, 'no?" sabi niya sabay punas ng pawis sa mukha gamit ang likod ng palad niya. "Pahingi naman ako ng tubig, Kar. Uhaw na uhaw ako." ​Ako rin, Kuya. Uhaw na uhaw. Gusto kong sampalin ang sarili ko sa naisip ko. ​Nanginginig ang kamay ko nang kumuha ako ng pitsel sa ref. Nararamdaman ko ang presensya niya sa likod ko. Ang init na nanggagaling sa katawan niya, parang tumatawid papunta sa akin kahit hindi kami magkadikit. ​Pagharap ko, iniabot ko sa kanya ang baso. ​"Salamat," aniya sa mababang boses. ​Our fingers brushed. ​Parang may kuryenteng tumapos sa gulugod ko. Mabilis, matalim. Napatingin ako sa kamay niya—malaki, magaspang, puno ng kalyo dahil sa trabaho. Contrast na contrast sa maputi at malambot kong kamay. The size difference made me feel so small, so feminine... and so incredibly vulnerable. ​Ininom niya ang tubig nang dire-diretso. Pinanood ko ang paggalaw ng throat niya habang lumulunok siya. May tumulong tubig sa gilid ng labi niya, dumaloy pababa sa baba niya, at tumulo sa dibdib niya. ​Gusto kong maging 'yung patak ng tubig na 'yon. ​Ibinaba niya ang baso at tumingin sa akin. His eyes were gentle, kind—the eyes of a loving stepbrother looking at his innocent little sister. And that broke my heart more than anything. ​"Okay ka lang ba dito?" tanong niya, may halong pag-aalala. "Mawawala sina Papa ng isang linggo. Kung natatakot ka tuwing gabi, kumatok ka lang sa kwarto ko, ha? 'Wag kang mahihiya." ​Kumatok sa kwarto niya? ​Biglang nag-play sa utak ko ang iba't ibang scenario. Ako, kakatok sa pinto niya sa kalaliman ng gabi. Siya, bubuksan ang pinto na bagong ligo, basa ang buhok, at naka-towel lang. ​"O-oo naman," sagot ko, pilit na pinapatatag ang boses ko kahit na ang tuhod ko ay parang jelly na. "Sanay naman ako dito." ​Ginulo niya ang buhok ko. Isang gesture na ginagawa niya noong bata pa ako. "Good girl. Sige, tatapusin ko lang 'yung bakod tapos magluluto na ako ng dinner. Adobo request mo, 'di ba?" ​Tumalikod na siya at naglakad pabalik sa initan. ​Naiwan akong nakatulala, hawak pa rin ang basong ininuman niya. Dahan-dahan, parang may sariling isip ang kamay ko, inangat ko ang baso. ​Tumingin ako sa paligid. Walang tao. Walang nakakakita. ​Idinikit ko ang labi ko sa rim ng baso, eksakto sa pwesto kung saan dumikit ang labi niya kanina. Pumikit ako at lumanghap. Amoy ko pa rin siya. ​Ang init ng katawan ko ay hindi na galing sa panahon. Galing na ito sa isang apoy na alam kong hindi ko dapat hayaang lumaki. Pero habang pinapanood ko ang pagbaluktot ng muscles niya sa malayo, habang inaalala ko ang init ng balat niya nung nagdikit ang mga daliri namin... alam kong talo na ako. ​Pumasok ako sa kwarto ko at ni-lock ang pinto. ​Sumandal ako sa pinto, humahapol ang hininga. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Dug-dug. Dug-dug. ​Kinuha ko ang cellphone ko. May text galing kay Mama. “Anak, nasa expressway na kami. Kayo na bahala diyan ni Kuya Blake mo. Magpakabait ka ha.” ​Magpakabait. ​Napatingin ako sa salamin. Maputi, inosente, mukhang anghel. Pero kung alam lang nila ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Kung alam lang nila na ang "Kuya" na habilin nila ay ang laman ng bawat maduming pantasya ko tuwing gabi. ​Humiga ako sa kama at niyakap ang unan. Ipinikit ko ang mga mata ko at pilit na binura ang imahe ni Blake. Pero hindi ko kaya. Nandun pa rin siya. Yung pawis, yung muscles, yung boses. ​“Kung natatakot ka tuwing gabi, kumatok ka lang sa kwarto ko...” ​Paulit-ulit 'yung nag-e-echo sa utak ko. ​Paano kung gawin ko? Paano kung ngayong gabi, hindi ako kumatok dahil natatakot ako sa multo? Paano kung kumatok ako dahil takot ako sa sarili ko... at sa gustong-gusto kong gawin sa kanya? ​Sa gabing ito, walang ibang tao. Walang magulang. Walang Maria. ​At ang dingding na naghihiwalay sa kwarto namin ay napakanipis lang. Rinig ko ang bawat galaw niya sa kabila. Rinig ko ang pagbukas ng shower. ​Napahawak ako sa dibdib ko. This is going to be a long, torturous week. ​At sa unang pagkakataon, hindi ako sigurado kung gusto kong manatiling "Good Girl" hanggang sa pagbalik nila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Daddy Granpa

read
287.7K
bc

Sin With You

read
5.9K
bc

My Cousins' Obsession

read
191.4K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
58.3K
bc

His Six Months Rule

read
30.5K
bc

MY HOT UNCLE IN LAWS (SSPG)

read
40.6K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
255.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook